News
[Taken from a News Portal Website:]
Barangay residents fear 'aswang' attacks
Wednesday, May 9, 2012
MAGUINDANAO -- Residents in a barangay here are terrified over reports of attacks by an aswang, a vampire-like creature in Philippine folklore.
Alex Lumenda said his eight-year-old child went to the back portion of their house in Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat to urinate when he heard the child crying for help around 10 p.m. Sunday.
Lumenda said he rushed to the area and saw the creature grabbing his child, who was able to escape. Neighbors woke up due to the commotion.
The creature is described to have long hair and nails, blazing eyes and long fangs.
It was also learned that the goats of Lumenda's neighbor was devoured by the creature. Twenty residents claimed witnessing this before the creature disappeared.
Meanwhile, another aswang attack was reported, this time on one alias Juvy, a resident of the barangay.
Juvy showed bite marks on the hand and scratches on the shoulder, which were said to have been inflicted by the aswang.
Mayor Lester Sinsuat is urging members of the Citizen Armed Forces Geographical Units and barangay tanods to patrol the area at night and keep a tight watch over residents. (Edgardo Fuerzas)
Published in the Sun.Star Davao newspaper on May 10, 2012.
[Taken from a News Portal Website:]
ASWANG, umatake raw sa isang liblib na barangay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
Nagsasalitan ngayon sa pagroronda sa gabi hanggang sa madaling araw ang mga tanod at ilan pang mga civilian volunteer sa barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ito ay dahil sa kumakalat na balitang may gumagalang aswang sa kanilang lugar at ilang mga residente na ang nakakita at nabiktima nito.
Unang sinalakay ng aswang na tinatawag nilang “Maning” sa salitang Maguindanaon, ang isang ginang sa Sitio Gubat ng nabanggit na barangay.
Balot ng takot ngayon ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao sa pagsalakay ng ” Maning” isang salitang Maguindanaon na ang ibig sabihin ay aswang.
Sa kuwento ng mga residente sa lugar, kinagat ng aswang ang naturang ginang sa kamay at kinalmot pa sa braso.
Nitong Sabado lang, isang walong taong gulang na bata rin ang sinalakay ng naturang aswang.
Humingi ng saklolo ang naturang bata matapos na makakita ng taong may mahabang buhok at mga kuko at nanlilisik pa ang mapupulang mga mata nito.
Nabatid pa na may mga alagang kambing na rin sa lugar ang namatay na pinaniniwalaan nilang nilapa ng aswang.
Sa ngayon ay may nakahandang mga sibat ang mga tanod sa barangay bilang paghahanda sa muling pagsalakay ng naturang aswang sa kanilang lugar.
[Taken from a News Portal Website:]
Aswang, sumalakay sa Datu Odin MaguindanaoPosted under mindanao,news,regional by leo on Wednesday 9 May 2012 at 5:39 am
(RMN Cotabato)
Balot ng takot ngayon ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao sa pagsalakay ng ” Maning” isang salitang Maguindanaon na ang ibig sabihin ay aswang.
Sa kuwento ni Alex Lumenda ng barangay Makir , Datu Odin Sinsuat, ang kanyang 8 taong gulang na lalaking anak ang sinalakay ng aswang apat na gabi na ang nakakaraan habang ito’y naghuhugas ng katawan sa labas ng kanilang bahay.
Bigla umano itong sumigaw at humingi ng saklolo sa ina kung saan sa paglapit nito ay nagulat din sa nakitang mahaba ang buhok at mga kuko at pula ang mata.
Sinubukang habulin ni Lumenda at ng kanyang mga kapitbahay pero hindi na nila ito inabutan.
Sinasabing unang sumalakay ang aswang sa sitio Gubat barangay Makir kung saan isang ginang ang kanyang kinagat sa kamay at kinalmot sa braso.
Maliban ditto, maging ang alagang kambing ay kinagat din ng aswang at kinain ang apat nitong paa.
Sa ngayon ay todo ang pagbabantay ang ginagawa ng mga residente at may mga nakahanda silang gulok at sibat sakaling sumalakay muli sa kanilang barangay ang nasabing aswang.
[Taken from a News Portal Website:]
Aswang sa Datu Odin, Maguindanao, 3 araw ng wala
13 MAY 2012
TATLONG gabi nang hindi umaatake sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang aswang na di umano’y gumagala sa lugar, ayon kay Barangay Chairman Norodin Abas naniniwala s’ya na aswang ang naturang nilalang, hindi rin ito magnanakaw tulad ng sinabi ni DOS Mayor Lester Sinsuat, hindi na rin kasi anya nakakapambiktima ang mga magnanakaw simula nang umatake sa lugar ang tinatawag nilang “Maning.”
Una rito ay nabulabog at nabalot ang naturang barangay dahil sa umanoy pagsalakay ng aswang sa lugar kung saan dalawang beses itong nambiktima.
Patuloy pa din hinahanap at tinutugis ng mga residente sa lugar ang nasabing nilalang na ilang araw na din umanong pagala-gala sa kanilang lugar.
(JR MAE AVILA)
BINABASA MO ANG
Urban Legends
De TodoIm sharing these Urban Legends with you. These are NOT MINE. :) Credit goes to the Rightful owner. Cover Photos by : xhinitoprinz IAmMissImperfectLady