Legend
Collected from Internet:
A young woman named Maria went to Canada as a caregiver. There, she took care of an old man which, according to rumours, was possessed by the so-called "vampire" (some "aswang") curse.
When the old man died, he passed the curse (some say, his powers) to Maria. Finding no luck in Canada, Maria went home. It was then that her thirst for human flesh started. When her husband, a policeman, went home one night, he looked for their kids. The deranged Maria pointed to the stove where she had cooked their children. Enraged, her husband struck her with a bolo ("labo") where she obtained a scar on her face, earning her the monicker Maria Labo.
They said, she fled to Visayas, then to Mindanao, in a quest to satiate her hunger for human flesh and viscera. Like a typical aswang, she has the ability to change her appearance. Sometimes she appears as a beautiful young lady. At other times, she appears as an old woman.
According to some interviews, chain messages and/or warning texts:
She was recently a saleslady in a mall (I don't know where specifically in the Philippines she is now), living as a normal person, and whenever you remember abruptly about her at exactly 3 in the morning and afternoon, she'll suddenly appear on front of you then kill you. Some said, she has a cellphone number. (I don't know what will happen if you'll call her.)
Taken from a Book:
Ang Tatlong Katauhan ni Maria Labo
By: Abelardo Gajarion
1. Mula nang naging malaganap ang militarisasyon sa kanayunan naging magulo na ang probinsiya ng Sorsogon. Walang masaganang ani ang mga magsasaka't mangingisda. Maraming maliliit na negosyo ang nagsara. Hindi makapasok sa eskwela ang mga bata. Halos hindi na nga makalabas ng bahay ang mga tao. Lahat nahihintay na lang na mabagsakan ng isang bomba, para sabay-sabay na mamatay. Maliban kay Maria Labo.
Malapit sa paanan ng bundok, malayo sa kabayanan, nakatira sa maliit na bahay na yari sa cogon at kawayan ang mag-asawang Maria at Ermin Labo. Mayroon silang dalwang anak, sina Pablo at Rosalinda. Si Ermin ay isang magsasaka habang si Maria naman ang naglalako ng mga ani sa kabayanan.
Mula nang mawalan ng ani ang kanilang gulayan, ipinasya ni Maria na sumama sa kaibigang naghahanap ng domestic helper papuntang Espanya. Naisip niyang mas marami ang kanyan kikitain sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaysa sa paglalako ng gulay na hindi na nga niya nagagawa dahil sa kaguluhan sa kanilang bayan.
Isinangla nila ang kanilang lupang sakahan at ang kinatatayuan ng kanilang bahay para pambayad sa kanyang placement fee. Pagkalipas ng tatlong buwan, lumipad si Maria papuntang Espanya.
2. Sa isang lumang mansion, sa isang bayan na malayun-malayo sa siyudad napadpad si Maria. Bumaba siya mula sa isang kakarag-karag na bus sa tapat ng isang malaki at lumang-lumang gate na bakal. Napupuluputan ito ng mga gumagapang na halaman. Ayon sa agency na nagpadala sa kanya, isang matandang lalaki at isang katiwala na lang ang nakatira sa mansion na kanyang magtatrabahuan.
Pumasok siya sa gate na bahagyang nakabukas. Tanaw niya mula sa kinatatayuan ang kulay abong mansion. Bago makarating roon, kinailangan munang maglakad ni Maria ng halos dalawang kilometro. Maalikabok ang daan na nililinyahan ng malalaking puno sa magkabilang tabi.
Pagdating sa tapat ng mansion, nagulat pa si Maria nang makitang halos tatlong beses na mas matangkad sa kanya ang pintuang gawa sa matigas na kahoy na may mga ukit-ukit na ubas at mga bulaklak. Gawa sa bato ang buong mansion. Napansin niyang halos hanggang tuhod na niya ang mga damo sa bakuran. Halos mapuno na rin ng mga gumagapang na halaman ang kanang bahagi nga mansion.
BINABASA MO ANG
Urban Legends
RandomIm sharing these Urban Legends with you. These are NOT MINE. :) Credit goes to the Rightful owner. Cover Photos by : xhinitoprinz IAmMissImperfectLady