Chapter 9

863 15 0
                                    

Nakaupo silang dalawa ni Daniel sa sahig at nilalantakan ang Chocolate roll na binili nito habang nanonood ng isang Action Movie. Past 12 na pero dahil Chocolate Cake hindi pa sila inaantok.

Sa Bakeshop niya binili ni Daniel ang chocolate cake roll. Kitams may benta siya libre pa.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong nito sa kanya.

"Hindi.Ikaw? Umuwi ka na kaya?"

"Nah mamaya na. Wala rin naman ako gagawin eh."

Tinaasan niya ito ng Kilay.

"Ikaw walang gagawin? Di nga?"

Alam niyang busy na tao si Daniel. Marami siyang patatkbuhin na food chains at hotels.

Bilib nga siya rito dahil kaya pa nitong mag relax katulad ng ngayon.

"Oo nga." tumayo ito.

"May Wine ka ba dito?"

"Wala di ko afford ang wine. Sorry."

"Beer?"

"Seriously tatangunin mo sakin yan?"

"Aba malay ko naman baka meron ka eh."

"Eh wala nga. Sa katapat ng building may Seven Eleven doon."

"Samahan mo ko."

"Ikaw na doon,Daniel. Nanonood ako eh." reklamo nito.

Ngunit hinila na siya ni Daniel pa tayo at pinause ang pinanonood niya at lumabas na sila sa Apartment niya.

Sa kabilang dako naman pinipilit ni Katherine si Cj sa kanyang plano.

"Tita alam mo naman na hindi kita matitiis pero Tita naman di ko kayang gawin kay Daniel yun." angal ni Cj sa kanya

"Okay. Let's make a deal then."

"Tita.."

Si Cj ang pinakamalapit sa kanya. Malapit rin naman ang mga kapatid nito sa kanya pero si Cj talaga ang parati niyang kasama.

Namatay kasi ang Papa at Mama nito na sa isang plane crash noong 13 years old pa lang si Cj. Kaya siya ang gumanap bilang ama sa tatlong magkakapatid.

"Tita lahat na i-utos mo sakin like wag pa labasin si Rence sa opisina niya o kaya wag pa inumin si Tito.Wag mo lang ako idamay sa matchmaking niyo ni Tito Henry. Baka bitayin pa ko ng patiwarik ni Daniel pagnalaman niya na kasabwat mo ko."

"Cloyd Samaniego! Nagrereklamo ka?" pinataas niya ng kaunti ang kanyang boses.

Alam kasi niyang takot si Cj sa kanya pag ganito ang tono ng boses niya.

"Hindi po,Tita.Kaso nga lang talaga Tita."

Napangiti siya alam niyang di niya ma mapapayag si Cj pero may isa pa siyang plano.

"Pumayag na si Kayla ikaw na lang hindi ko napapayag..."

"Si Kayla?"

Sa boses pa lang ni Cj alam na niyang payag na ito. Oh well ganyan talaga pag may kanya kanya ng buhay ang mga anak mo.

Ang tanging gusto lang naman niya ay makapagasawa na si Daniel at makaapo na rin siya. Humintay siya ng isang taon ngunit walang siniseryo na babae ang panganay niyang anak. So she made the move and she's confident that it will be her the best accomplishment.

"Oo. Sige,hijo si Nate na lang ——-"

"Payag na ko Tita. Ano ba ang gagawin?"


PUMIPILI ng Beer si Daniel habang siya naman ay pumipili rin ng ice cream na makakain. Total libre lang naman ng binata eh. Kumuha siya ng limang magnum at pinuntahan ang binata.

"Tapos ka na ba?" Tanong niya rito.

"Ah oo eto na. Gusto mo ng Dutch Mill?"

"Sure."

"Ilan ang bibilhin ko?"

"Lima lang. Tama na yan. Tara na."

Kinuha ni Daniel ang limang magnum sa kanya at tumungo na ng counter sumabay naman siya rito Magbabayad na sila ng may narinig siyang pamilyar na boses.

"Naku! Bwesit talaga ang lalaking yun! Inom ng inom di naman kaya! Bwesit talaga." napalingon ako at nakita ko si Kayla na kinakausap ang sarili.

"Pst oy Kayla." tawag ko.

"Nikki! Nandito ka pala. Ay Kasama mo pala si Kuya Daniel. Hi Kuya."

"Kayla? Anong ginagawa mo rito? It's almost past 12."

"Kuya Daniel kasi naman si Cj naglasing! Tinawagan niya ko kanina na sunduin siya." Sumbong nito.

"Nasaan na si Cj ngayon?" tanong nito at binigay sa kanya ang perang pambayad sa counter kinuha naman niya at siya na ang nagbayad.

Pagkatapos ay lumapit ako sa kanila na nag-uusap pa rin.

Pinsan ni Daniel si Cj at kababata naman nilang magpinsan si Kayla.

"Nikki may spare room ka ba apartment mo? " tanong sa kanya ni Kayla.

"Ah Oo meron isa. Bakit?"

"Pwedeng makitulog muna kami sa inyo? Kasi naman si Cj eh lasing tapos ako naman di ako pwedeng umuwi kasi baka papagalitan ako ni Mommy tumakas lang kasi ako."

"Oh sige. Walang problem."

Mga ilang minuto na ay nakarating silang apat sa apartment niya. Binagsak ni Daniel si Cj sa sofa niya at napaunggol ito.

"Nandoon ang spare room." sabi ko sabay turo kay Kayla sa katapat ng kwarto ko.

"Ah okay po. Kuya Daniel pa  lagay naman ng kumag ng yan sa Spare Room ni Nikki oh."


Dinala naman ni Daniel si Cj sa kabilang kwarto niya at sumama naman si Kayla napaiwan siya sa sala. Nililigpit ang kinain nila kanina.

"Tulog na tulog na si Cj." napalingon siya kay Daniel.

"Bakit kasi nalasing ang mokong na yun?"

Kumibit balikat ito.

"Hindi ko nga rin alam. Ngapala Nik pwedeng dito muna ako matulog? Tabi na lang kami ni Cj."

"Oh sige ba. Tabi na lang kami ni Kayla." napaupo sa ako sa sofa at pinindot ang play buttom ng dvd.

Umupo na rin si Daniel sa tabi nilagay nito ang kabilang braso sa likuran ng sinasandalan niya.

"Di ka pa ba naantok? 2:00 am na,Nikki. May trabaho ka pa bukas ah." sabi nito at lalong lumapit sakin.

Dapat hindi ako nakaramdam ng ganito kasi sanay na kong malapit si Daniel sa kanya. Pero ngayon parang may iba eh. Siguro dahil nilalagayan ko lang ng malisya. Wala to bestfriends lang kami.

"Hindi pa eh at isa pa 2:30 ako pupunta ng bakeshop bukas." sinubukan kong maging normal ang boses ko baka kasi mahalata niya na nanginginig ang katawan ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng inakbayan ako ni Daniel.

"Nalalamigan ka ba,Nik? Parang nanginginig katawan mo eh. Halika."

Sabi nito at hinala siya nito papalapit sa kanya hanggang sa malapit na sila sa isa't isa. Hindi siya nagsalita hindi rin niya sinubukang kumawala rito... Hanggang sa naging komportable siya at pinikit ang kanyang mga mata...

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon