Chapter 16

737 9 0
                                    

"Bakit kasi hindi kayo nag-uusap?" tanong ni Argie Lyn. Kasalukuyang nasa grocery store sila namimili ng grocery nila for one week. Kasama niya si Argie Lyn sa bagong apartment natitirhan niya. Mas mainam na rin iyon dahil hati sila ng babayarin.

"You know why." tipid niyang sagot sabay dampot ng shampoo.

"Kiss lang naman iyon!" napalingon siya napalakas kasi ang pagkasabi nito.

"Anong kiss lang? Muntikan ng may mangyari samin. Kung hindi pa umilaw hindi kami naghiwalay. Alam mo naman diba?"

"Ano ka ba naman,Nikki alam naman natin na ni-re-respeto ka ni Daniel. Hindi niya gagawin ang mga bagay na iyon kung hindi ka pa handa."

Tama si Argie Lyn may respeto si Daniel sa kanya pero sa sarili niya siya hindi nagtitiwala.Tanga siya

kung sasabihin niya hindi siya nasarapan sa halik na pinagsaluhan nila she admit it she loved it.

"Alam ko iyon okay?"

"Eh bakit nga hindi kayo nagpansinan?"

"You know why."

"Of course I don't!"

"Bahala ka na nga sa buhay mo." pagsabi niya ay agad niyang inaagaw ang bottle ng conditioner rito.

Sumimangot si Argie Lyn hanggang sa makauwi sila sa bagong apartment nila.

"GOOD MORNING,Ma'am!" masigla bati sakin ng mga empleyado ko.

"Good Morning." bati ko rin sa kanila.

"Maam may nagpadala na naman ng rose sa inyo. Nilagay ko na sa office niyo."

Parati na lang may nagpapadala ng roses sa akin. Hindi ko rin kilala kung sino kaya hinahayaan ko na lang.

"Okay,Salamat." sabi ko lang at pumasok na ng office ko. Parati ganon ang ginagawa ko nakaraang araw tinatamad akong lumabas para mag entertain ng mga customers.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto.

"Pasok."

Pumasok ang bisita niya. Si Rence.

"Oh Rence? Napadalaw ka?"

Ngumiti si Rence sa kanya at umupo sa maliit na sofa sa kanyang office.

"What's up?" tanong nito sa kanya.

"I'm okay and you? Anong ginagawa mo sa munti kong bakeshop hmm?"

"Wala lang gusto lang kitang kamustahin kung okay ka lang."

"I'm fine."

"Good to know. I've been thinking.."

"No." agad na sagot niya.

"Hindi mo pa nga narinig yung sinabi ko eh. Patapusin mo na muna ako."

"No pa rin ang sagot ko."

"Pero may ticket meal ako sa Buffet ng----"

"I'll get my bag." agad na sagot ko mg marinig ko ang buffet. Kung pagkain ang pag-uusapan diyan sila nagkakaintindihan ni Rence.

Ngumisi lang ito sa kanya at hinintay siyang mag-ayos.

After niyang mag ayos tumayo na ang binata.

"Shall we?"

Nakangiti tumango siya.

Close rin naman sila ni Rence minsan lang kaso sila magusap ng "seryoso" parating Argie Lyn kasi ang bukang bibing. Oh well can't blame the in love.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon