Chapter 27

578 11 1
                                    

"Kanina ka pa patingin tingin sa cellphone mo ah? Anong meron?" Napaangat siya ng tingin kay Argie Lyn.

"Saan ang punta mo?" Tanog niya rito.

"May photoshoot lang sa boracay. Ikaw? Sino ang hinihintay mong tumawag?"

"Si----"

"Si Daniel na naman? Friend nagiging OA ka na. Not all the time tatawagan ka ni Daniel dios mio! milyonaryo ang syota mo natural na maging busy iyon."

Napabuntong hininga siya. May punto naman si Argie Lyn kaso nga lang kilala niya si Daniel. Yung kilala niyang Daniel kahit gaano pa ka busy yun tatawagan siya o kahit man lang i-text siya o kaya padadalhan ng flowers. Ngayon kahit isang text o tawag wala talaga and she's worried.

"Tawag ko kaya?"

"Are you crazy? Wag mo siyang tatawagan."

"Eh ano ang gagawin ko? Hihintayin na lang na tumawag siya? Kanina pa ko naghihintay." Reklamo niya rito.

"Oh eh sino ba ang nagsabi na hintayin mo tawag niya?" Syet! Tama na naman ito.

"Ako."

"Eh yun naman pala."

"Argie Lyn ano nga ang gagawin ko?"

"Puntahan mo sa office niya."

Napaisip siya. She can go to his office. Girlfriend siya at hindi paranoid or clingy ang tawag kundi pagalala sa boyfriend mo na milyonaryo. That's right. She's right. Oh yeah!

"Okay. I'll go." Excited na sabi niya rito at tumayo na papunta ng kanyang kuwarto upang magbihis.

"MA'AM excuse me may appointment ba kayo kay Daniel?"

Kumunot ang noo niya sa babaeng nagsabi nun pero ngumiti siya rito.

"Hi, I'm Nikki." Hindi niya ito kilala siguro bagong empleyado.Nilahad niya ang kanyang kamay ngunit tiningnan lang ito ng babae at inulit ang tanong nito.

"Ako yung girlfriend ni Daniel." aniya hinintay niya umiba ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nagkakamali siya tinangnan siya nito na tila parang hindi makapaniwala na pumatol ang isang milyonaryo na si Daniel Samaniego sa kanya well,too bad becase he did.

"Ikaw ang girlfriend ni Daniel?"

Aba't! huminga siya ng malalim.. good vibes. good vibes.

"Oo. Can I go inside now?"

"Yeah sure..whatever." sabi nito at tinalikuran siya.

Anak ng-! Hindi siya makapaniwala na tinanggap ni Daniel ang ugali na iyon!

padabog siya na pumasok sa office ng binata.

As always nakaupo ito at nakatuon ang atensyon sa laptop nito.

"Hi Babe." bati ng binata habang hindi pa rin kinukuha ang mata sa screen laptop nito.

"Paano mo nalaman na ako?"

"I can't even see but I can smell you. You smell like lavender." wika nito at nilapitan na siya.

Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi.

"Ang laki ng eyebags mo." aniya.

"I know." he said and kissed the tip of her nose.

"Hindi mo pa ba matrance ang hacker?"

huminga ito ng malalim at muli siyang niyakap na parang sa kanya ito kumukuha ng lakas

"Hindi pa. Kaya pagpasensyahan mo na kung hindi kita matawagan o matext man lang ha?"

"Naiintindihan ko iyon ang hindi ko ma gets sino yung babae sa labas kanina?"

Mga ilang segundo pa kumunot ang noo ng binata bago nito sinagot ang tanong niya.

"Oh Trizha." humiga ito ng malalim.

"Nagpalit kami ng secretary ni Lolo."

"Lolo? Umuwi na ang Lolo mo?" sa pagkakaalam niya nasa canada ang Lolo nito at may sarili rin kompanya.

"Yeah. Kaya hindi na rin ako nakakadalawa sa aparment mo. Palabas pa lang ako ng office may bagong problema na naman. Ni hindi ko nga mahawakan ang cellphone. Mabuti na lang dinalaw mo ko. I really missed you."

Hinawakan niya ang kamay ni Daniel at tumungo sila sa love seat kung saan kitang kita ang mga ulap.

"Kailangan mo rin minsan mag relax,Daniel. Tao ka lang hindi ka robot."

"I know pero ano ang nagagawa ko? Ako ang may ari nitong kompanya."

"Maitutulong ba ko?"

"Hmmm. Puwede bang magpamassage?"

"Depende kung magkano ang bayad." nakangiti sabi niya rito.

"Utang na lang muna." sabi nito napahiga gamit ang kanyang lap bilang unan. Sinimulan niya ang pagmasahe sa sentido nito.

"That's good,babe." unggol nito.

"I know."

"Harder."

"Sssh! baka may makarinig sayo baka isipin pa ng mga iyon may ginagawa tayo dito."

"So?"

Mahinang pinitik niya ang ilong nito.

"Aw! What's that for?"

"Kakahiyang lumabas pag ganun.Sira ka talaga."

"Ano naman ang nakakahiya doon? Eh boyfriend mo naman ako? Isipin na nila kung ano nag gusto nilang isipin ang importante alam natin na minamasahe mo lang ako." sabi nito at kindatan siya.

"Sira ka talaga."

"Pa kiss nga,Babe----"

Knock.Knock.

He groaned.

"What now?" anito at bumangon sa kakahiga. Tumungo ito sa pintuan at binuksan ang kumatok.

"Daniel,Aalis muna ako." Sumilip at nakita ang bagong Sekretarya ng binata.

"Uh anong oras na ba?"

"uhmm 9:30. I'm gonna met your grandfather."

"Uhmm okay."

Mga ilang minuto pa tumaggal ang pag-uusap ng Sekretaryo nito at ni Daniel at nang matapos ay hindi na naman na mapinta ang mukha nito.

"I can't take this anymore."

"Bakit? Ano na naman problema?

"Did you know that my new secretary always leave in the office at 9:30 am everday and be gonna be back at 1:30 pm?"

"What?! Bakit mo hinahayaan?"

"Si Lolo mismo ang nagrequest na siya muna ang sekretarya ko at I want to please him,Nik."

"Okay.Okay. Alam ko iyon at ikaw naman ang nagpapasweledo it's really up to you."

"Hindi kaya may affair si Lolo at ang bago kong sekretarya."

Nanlaki ang mga mata at tinawanan na lang ang sinabi ng binata.

Millionaires Do Fall In Love 1 (Daniel Samaniego)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon