Chapter 3: Mistaken

34 1 2
                                    

Chapter 3: Mistaken

A/N:

Sa mga nagtatanong. Ang pronounciation ng nickname ni Temperence ay Tempi. Hindi siya tempeh ok?

-:-:-:-

Tempe’s P.O.V.

Ilang araw na siyang hindi pumapasok ah? Ano kaya ang problema? May sakit ba yun? Sana pumasok na siya mamaya.

“Good morning.” sabi niya.

“Good morning din.”

Binaba niya yung gamit niya saka umub-ob.

“Bat ka absent ng ilang araw? May sakit ka ba?” at hinawakan ko noo niya.

“Don’t touch me. Basahin mo yung listahan ok? =____=” sagot niya saka siya umub-ob uli.

“Hi papa! :)” lumapit samin si Amber.

“Hi ate Tim Lance :)"

“Ano ginagawa ditto ng baby ko? :)” sagot ni ryan.

I can’t believe it. Ngumiti siya?

Talaga bang ngumiti siya?

Ibig sabihin di totoo yung sinabi nila sakin kagabi?

*Flashback

“Hindi talaga siya ngumingiti.” Sabi sakin ni Andrea.

“Bakit naman?” sabi ko.

“Actually di rin namin alam eh. Pero nakadagdag sa kagwapuhan niya nag pagiging masungit.”

“Tumigil ka dyan Erika. Ewan din naming eh. Simula pa lang bata kami di na ngumingiti yan eh.” Sabi ni Andrea.

“Oo nga. Parang mas lumala ngayon.” Sabi ni Erika.

End of Flashback*

“Daddy. Nawawala yung ballpen na binili natin sa Japan kahapon.” Sabi ni Amber.

“Ha? Di ba nasa kwarto mo yun? Sinabi ko na ilagay mo yun sa bag mo para di mo makalimutan di ba?”

“Oo nga pala no daddy? Sowwy :).Geh po. Bye bye.”

Tapos nun kumiss siya kay sungit at umalis.

“Nagpunta ka palang Japan?” tanong ko.

“Oo. Anong paki mo?” sagot niya.

“Ang sungit mo no? Ano ba problema mo?”

“Basahin mo yung na sa listahan para di ako magsungit.” sabi niya.

“Pag ginawa ko yun edi di kita makakausap. Di kita makikilala ng maayos.”

“My point exactly. At bakit mo naman ako gustong makilala? Ano mapapala mo?” sabi niya.

Oo nga naman. Ano nga mapapala ko kapag nakilala ko siya? Nagkamali ba akong kilalanin siya? Nagkamali ba akong magustuhan siya?

Ilang araw na rin ang nakalipas. Di ko na siya kinausap matapos niyang sabihin yun. Para bang di ko na kilala ang sarili ko. Di na ako naging masigla. Di na rin ako ang Allysa na palatawa, palangiti. Pag may groupings lang saka lang ako nagsasalita. Para bang unti unti na akong nagbabago. Unti unting naglalaho.

Pauwi na ako nung makita ko siya kasama si Amber at Mariah. Andun sila sa sementeryo at may hawak na bulaklak si Amber.

If she would come back(book 2 of When Everything Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon