Jake’s P.O.V.
Ngayon ang birthday niya, August 4. Kasabay ko lang siya magbirthday. Pag ganitong panahon di kami pumapasok nila Amber ng 1 linggo at pumupunta kaming Seoul.
Ngayon dinalaw namin siya. Nakasalubong namin sila tito at binati sila. Natuwa sila kay Amber. Sabi nila kamukha niya kaming dalawa ni Phoebe.Sinabi ko na rin kay amber ang totoo.Na wala si Phoebe sa ibang bansa at patay na sya.
Hinanda namin yung mga gamit namin at umupo sa tabi ng puntod niya. Nilabas ni Mariah yung mga pagkain at si Amber naman ay lumapit sa puntod ng nanay niya. Umiiyak siya ng malakas. Aaminin ko, naiiyak din ako. Pero sinabi mo naman sakin na wag na wag akong iiyak di ba? Sabi mo pangit ako pagumiiyak di ba? Pwede bang maging pangit ako ngayon? Please? Namimiss na kita Phoebe eh.
Umiyak kami ni Amber at yumakap siya sakin. Isang oras na rin siguro ang lumipas kakaiyak namin. Pinakain ko na si Amber at hiniga ko siya sakin.
Tulog na mahal ko, hayaan na muna,
Malambot ang iyong kama.
Saka na, tulog ka muna.
Tulog na mahal ko andito lang ako,
Bahala sa iyo, sige na. Tulog ka muna.
Naalala mo pa ba ito Pheobe? Ito yung kinanta ko sayo nung natatakot ka nung nakakulong tayo sa gym. At tignan mo, kinakanta ko ito sa anak natin.
Tulog na hayaan na muna natin sila.
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan.
Kung matulog, matulog ka na.
Sa di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na mukha
“Ano ginagawa niyo dito?” tanong nung temperance sakin.“Dinalaw naming ang nanay ni Amber.” Sabi ko.
“Ahhhh ganun ba? Sige. Uuwi na ako.” Sabi niya.
“Sige.”
Pinaligpit ko na kay Mariah ang mga gamit habang binuhat ko si Amber papuntang kotse. Hiniga ko siya sa likod at kinumutan.
Pheobe. Kakayanin ko bang alagaan siya? Kailangan ko ng tulong mo. Aam ko ginagabayan mo kami lagi. Pero sana magbigay ka ng himala. Himala na magbabago sa akin. Himala na gagabay sa aming dalawa ni Amber.
Hinatid ko na si Mariah sa bahay nila. At inuwi ko na si Amber sa amin. Pwinesto ko siya sa dating kwarto ni Pheobe. Hiniga ko siya sa kama at hinalikan sa noo.
Tinignan ko uli ang kwarto na to. Masyado kaming madaming alaalang ginawa ditto. Lahat ng gamit ditto ay may kaugnayan saming dalawa. Ang nagbago lang ditto ay ang kama ni Amber. Pati yung mga stufftoy niya andito parin. Pero nung nakita ko yung bagay na iyon umiyak nanaman ako.
Ang litrato naming dalawa nung kasal naming. Siguro nga kunwaring kasal ang yun. Pero lahat ng sinabi naming dun totoo. Kahit simpleng palitan lang ng vows at suotan ng singsing ang ginawa naming Masaya pa rin ako. Kasi sa mata ng mga kaibigan namin, sa mata ng Diyos kasal kami. At wala ng ibang bagay na mas mahalaga pa. Sa loob ng dalawang buwan buo ang pamilya ko.
Tempe’s P.O.V.
Di ako nakatulog. Isa na siguro ito sa mga bagay na nalaman ko tungkol sa kanya. Patay na pala ang nanay ni Amber? Pero bat siya umiiyak?
Tinignan ko siya. Siya na yata siguro ang isa sa mga taong wlang pakielam sa mundo. Pero ayaw ko man, kailangan kong lumayo sa kanya.
I should end this feeling before it started.
So ayun nga ang ginawa ko.Bumalik ang dating pagkamakulit ko.Napagalitan ako ng teacher ko dahil lumipat ako ng upuan at nakipagdaldalan.Pero di ko sya tinitignan.Kinumpleto ko rin yung nasa listahan na binigay nya.Although lagi ko syang naiiisip,binubura ko rin yun agad.Kasi pag hinayaan ko lang yung ganun, baka lalo lang akong masaktan.At ayoko nun.
Nung recess lumapit sakin si amber.
"Hi ate tim :))"Sabi ni amber.
"Hi Amber :D.Bakit ka pumunta dito?"tanong ko.
"May bibigay lang po sana ako sayo.Pinapabigay sakin to ni papa eh.Alam mo ba ate tim binili nya pa ito sa japan :D"sabi nya.Tapos may nilabas syang box na medium.Ang laman eh-
"HELLO KITTY!!!"napasigaw ako.
"Ate tim!Wag kang sumigaw.Pinagtitinginan na tuloy tayo :3"sabi nya.Eh kasalanan ko ba?Favorite ko sya eh.And he's sweet naman pala.Pero bakit nya ako binigyan ng ganito?
"Uhmm.Amber?Bakit ako binigyan ng tatay mo ng ganito?"tanong ko.
"Sabi nya kasi gusto ka raw nya eh :3"sabi nya.
"Ha?!!"
"Ayan ka nanaman ate.Ayun ang sinabi nya kagabi eh.Geh na ate aalis na ako.Byeee."Seriously?Nananaginip ba ako?May gusto sya sa akin?Magaayos na nga ako :3
BINABASA MO ANG
If she would come back(book 2 of When Everything Changes)
RomanceEvery time that I see that photo makes me cry again. Just recalling it makes my heart ache. Why does it have to end like this? I swear I would never let her go again.... if she would comeback.