chapter 9 & 10

203 12 2
                                    

CHAPTER NINE

“KUYA Franco, nariyan ba si Andrei? Kanina pa namin siya hinihintay sa bahay,” bungad agad ni Michelle ng pagbuksan sila ng gate ng stepbrother ng kanyang boyfriend.

          “Bakit? May lakad ba kayo?”

          “Wala naman pero kanina pa kami nagte-text sa kanya. Dumating sina Alely kaya siya na lang ang kulang,” sagot naman ni Angel.

          “Duda akong makakasama ‘yon,” anito na nagkibit-balikat na lang.

          “Bakit?” aniya.

           “Ilang araw nang nagpapakalunod sa alak. Hayun puntahan n’yo sa kwarto baka makinig sa inyo,” pagbabalita ni Franco.

          “Pero bakit?” kunot-noong tanong niya. “Hindi naman kami nag-away.”

          “Baka dinaramdam pa rin ang paghihiwalay namin,” pagbibiro ni Angel. “Once ko pa lang nalamang naglasing ‘yan, noon lang iniwan ko siya.”

          “Ano kayang problema ni Brian?” bulong niya sa sarili habang patungo sa kwarto nito.

          Nagkatinginan silang dalawa dahil sa bumulaga sa kanila. Gusot ang kama nito, sa side table naroroon ang ilang bote ng serbesa na puro walang laman, wala na rin sa tamang huwisyo ang lalaki habang nakabaluktot sa ibaba ng kama. Mukhang hindi na nito nakayanang sumampa sa higaan dahil sa kalasingan. Awang-awa sila sa itsura nito dahil mukhang haggard at malaki ang inihulog ng katawan.

          “Mich, kuha ka muna ng bagong kumot at punda sa cabinet para mapalitan ang sapin ng hihigaan niya, Ang baho-baho, amoy tsiko,” utos ni Angel sa kanya at sinimulang tanggalan ng takip ng higaan at unan.

          “Huh!” gulat na sambit nito nang may malaglag na kung ano sa kumot na pinagpag.

          “Ano ‘yan?” tanong niya na agad nakalapit dito.

          “Hindi ko alam,” tugon nito at dinampot ang paintings. “Ang ganda!” bulalas nilang pareho nang masilayan ang nakadibuho dito.

          Oo nga’t kapwa nude ang itsura ng mga nasa larawan hindi mo sasabihing napakaimoral ng nagpinta nito bagkus agad mong mararamdaman ang nag-uumapaw na pag-ibig na inaalay ng babae base sa pagkakayakap nito sa hubad ding lalaki. Mas lalong pinagtibay ng may-akda na tama nga ang kanilang sapantaha ng mabasa ang tula at mensaheng nakasulat sa gilid nito.

Would it be “Lust” forever?

By: “Mines”      

          Before, everything seems to be fine

          If I want you, I just call you on the line

          In one click, you’ll be here next to mine

          To give remedy to the lust that always on my mind

          But, as the days passed by things have changed

          and I didn’t know why

          Yet I love the feelings that I have

          Unexpectedly, came out of this worldly lust is love

          How could I ever forget the way you look with desire?

          The tenderness in ever touch you have given to my body’s hunger

would you be mine forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon