would you be mine forever?

97 7 0
                                    

CHAPTER TWO

“ELLA!” tawag na nagmumula sa may pintuan.

          “Kumusta na, Gemma?” tanong niya.

          “Mabuti naman,” sagot nito bago humarap sa tatay niya. “Hello, Kuya Lando!”

          “Hello din, Gemma!” bati ng ama sa bagong dating. “Hindi ka pa rin ba pumuputi?”  dagdag biro pa nito.

          “Ako na naman ang nakita n’yo!” kakamut-kamot na wika ng dilag. “Tayo na nga, Ella. Maglibot na muna tayo.”

          “Tara!” pagsang-ayon niya sa kaibigan bago nagpaalam sa ama.

          As usual, wala silang gagawin kundi ang magpa-charming sa crush ni Gemma.

          “Hi, Babes!” bati ng lalaking makakasalubong sabay kindat sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay bago inirapan. “Pa-babes babes ka pa,” nakasimangot na wika niya sa lalaking kinabaliwan noong katorse pa lang siya na ikinasal three years ago. “Kung hindi ka nag-asawa, sana tayo na.”

          “Pwede pa naman tayo, ‘di ba, Babes?” nakangising tugon nito na animo’y dead na dead pa rin siya dito.

          “Yuck!” sumama ang mukha niya. “Okey ka lang? Eh ang pangit-pangit mo na ngayon saka tingnan mo ‘yang belly mo. Yuckie talaga sa sobrang laki! Buti na lang hindi mo’ko hinintay dahil kung nagkataon ako ang nagtitiis sa pagmumukha mo ngayon,” pang-aasar niya sa lalaking minsan ring iniyakan.

          “Sobra ka naman, Babes,” halatang nasaktan ito sa narinig.

          “Ay naku!” aniya sabay tutop sa kanyang bibig bago nilakasan ang boses. “Nasaktan ba kita? Sorry, Babes.” Kunwa’y paglalambing sa lalaki kaya hindi na siya nagtaka nang tila napapaso itong lumayo dahil sa takot na marinig ng asawa.

          “Duwag talaga ‘yun kahit kailan,” wika niya at humagalpak sila kakatawa. “Imagine, nabaliw pala ako noon sa pangit na ‘yon.”

          “Ewan ko ba naman sa’yo,” komento ni Gemma. “Noon ko pa sinabi sa’yo na ‘pag nagdalaga na tayo magiging ganyan ang itsura ng Babes mo.”

          “Nagsalita ang magaling pumili!” nanunuyang sagot niya sa kaibigan. “If I know, mas hukluban pa ang Honey mo.”

          “Tse!” namumulang irap ni Gemma sa kanya. “Yuck! Hindi ko na ma-take ang pagmumukha niya ngayon.”

           “Pa-yuck yuck ka pa samantalang patay na patay ka kay Kuya Marlon noon.” biro niya sa kaibigan.

          “Hay!” buntong-hininga ni Gemma. “Ano kaya ang kapalaran natin?”

          “Ewan ko?” wika niya at nagkibit-balikat na lang. “Samantalang noon, kuntento na tayong maging asawa nila pero ngayon kulang na lang isuka natin ang pagmumukha ng dalawang ‘yun.”

          “Ibig sabihin, hindi pa natin nakikita ang talagang para sa atin,” komento ni Gemma.

          “Meron ba talaga n’un?” nagdududang tanong niya. “Para sa’kin, walang pag-ibig na pangmatagalan. Masusumpungan mong mahal mo siya ngayon pero bukas-makalawa hindi na dahil may nakita ka nang pangit sa kanya o kaya siya ang nakatuklas ng pag-uugali mo. Wala pa’kong nakitang matinong mag-asawa, lahat sila pare-parehong may bahong ibinubuga. Away dito, away doon. Nambabae si Mister, manlalalaki din si Misis. Kaya ako, hindi ako naniniwala sa commitment at higit sa marriage dahil kapirasong papel lang iyon na sumasakal sa mag-asawa.”

would you be mine forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon