Chapter 4

4 0 0
                                    

Ole's POV

Naglalakad ako papuntang secret place namin ni freda teddy bear ko, bigay ito ng espesyal na tao sa akin, pagdating ko sa lugar namin nakita ko sya, totoo nga ang iniisip ko, nagbalik na nga siya, hindi ba nila iyon alam? Ako lang ba at si freda ang nakaka.alam?

Nang nakita nya ako ay ngumiti sya ng napakaganda, ang ganda ng ngiti nya, iisipin mong walang nangyaring masama sa kanya noon,

"Hello ole" bati nya, "Hello, bakit ka nandito? Nagbalik ka na pala?" tanong ko, hinawi nya ang buhok ko na nakatabon sa mukha ko.

Palagi yang nakatabon, ayokong makita nila ang bakas mg nakaraan. "Nandito ako dahil namiss ko kayo ng mga classmates natin, meron din sana akong sasabihin sayo" tapos ngumiti sya, "Ano 'yon?" ngumiti sya, pero iba na yung mga ngiti nya ngiting may halong pait, sakit at paghihiganti

"Ibabalik ko sa kanila, lahat ng ginawa nila sa akin, lahat lahat, pero doble, papatayin ko sila isa isa, ipapaalala ko sa kanila ang ginawa nila sa akin, sa atin noon, ako nang bahala sayo ole, wag ka lang magsasalita, kung ayaw mong mauna"

tapos ngumiti sya nang nakakakilabot. "wag kang magAlaala, itatago ko ang sekreto mo" ngumiti din ako, wala naman akong pakialam sa kanila dahil wala naman silang mga puso mga demonyo sila, silang lahat, nagpaalam na siya at lumabas, nangangamoy dugo na, nangangamoy paghihiganti, magiging masaya ang taon na ito, masayang masaya.

Arumi's POV

Nakita ko si Ole, ngingitingiti na parang serial killer tss, dumiritso siya sa classroom namin pumasok na rin ako, nagkakagulo sa loob, si kelly yung nerd namin na classmate (medyo kilala ko na sila, 2 weeks na rin naman ako dito) pinapakain ng damo ni abegail, "tama na gail, please" sabi ni hana kaibigan ni Kelly, "bagay lang sa kanya yan! Nerd daw eh haliparot rin pala! Akala mo di namin malalaman ha? Kabit ka ni Mr, Rodrigues, dba Kelly?"

Isinuka ni Kelly ang mga damo, may mga lupalupa pa sa bibig nya, umiiyak rin siya "Tama na please, abegail, tama na!" ngumiti lang si abegail, ngiti ng mga demonyo. "Kung makapagsalita ka, akala mo ang linislinis mo! Ikaw nga yang pumatol sa sariling kapatid e!" sabi ni Kelly, napatahimik si abegail, kitangkita ang galit at hiya sa mukha nya,

"Hindi pa tayo tapos Kelly, pagsisisihan mo lahat ng to" tapos ay lumabas si abegail, kasunod si Zarrie at yung kapatid nya, parang ang bilis naman yata nila magbati? Tsk pakialam ko ba, lumapit sa akin si Tricxy at alex kasama si ella, "oy, ok ka lang?" tanong ni tricxy "hah? Aah, ok lang ako, may naiisip lang"

"You should get used to them already, palagi silang ganyan," sabi ni alex, " bakit ba kasi sila ganyan?" tanong naman ni ella, tama bakit nga ba? "Dahil sa mga nangyari 2 years ago," sabi ni tricxy, kumonot ang noo namin pareho ni ella, ano nga ba talaga ang nangyari 2 years ago?

The Wrath Of An Undead SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon