Chapter 5

4 0 0
                                    

2 years ago..

3rd persons' pov

Naglalakad siya papuntang school, malapit lang naman ito sa kanilang tinitirhan, nasa second year high school na siya, maganda, mabait, at masunuring bata.

Pagkapasok niya sa kanilang  classroom, pinagtitinginan kaagad sya ng mga kaklase nya.

"Nandito na ang whore, tch" sabi ni abegail, ang queen bee palagi syang inaaway nito, hindi lang si abegail, pati narin ng mga kaibigan nito.

Hindi nya naman alam ang dahilan kung bakut, nakita lang sya ni abegail isang araw na kausap ang adviser nila habang nagtatawan, e kung ano-ano nang masasakit, at kasinungalingan ang pinagsasabi nila. Napag usapan lang naman nila ni Mr. Fernando ang pagsali nya sa quiz bee sa susunod na linggo, pero binigyan ito ng ibang ibig sabihin ni abegail.

Ipinag walang bahala nya lang ang sinabi ni Abegail, di naman totoo lahat ng yun kaya di nya pagtutuonan ng pansin.

Umupo na sya sa kanang upoan, walang pumapansin sa kanya, pero, di na sya naninibago don, sanay naman na syang walang may pakiAlam sa kanya, tatay nya nga e, walang paki sa kanya.

"eto o" sabi nang taong nasa harapan nya, inabutan sya nito ng panyo "umiiyak ka e, kaya yan, gamitin mo muna, may isa pa naman ako sa bag" umiiyak? Pinahid nya ang luhang tumutulo mula sa mga mata nya, di nya namalayan, umiiyak na pala sya. Kinuha nya ang panyo, tinignan nya ang taong nagbigay sa kanya ng panyo.

"Hi, ako nga pala si Ole" masiglang bati nito, maganda at masiyahin si Ole, ngumiti naman sya, at nagpasalamat.

Si Ole, ito ang unang taong naging kaibigan nya.
Ole, napaka gandang pangalan.

The Wrath Of An Undead SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon