Gulong

32 4 1
                                    

May isang dalaga na gustong gusto ay mali mahal na mahal ang isang lalaking kahit kailan ay di siya pinapansin, tanging pag titig lamang sa malayo ang naabot nang sarili niya pero sa paglipas ng araw naging linggo at naging buwan na halos mag-iisang taon na, dahil sa pagiging desperada niya ay inaksaya ng dilag ang pera niya sa pagbibigay ng regalo sa binata, nag babasakaling dadating ang panahon na mapapansin din siya ng lalaki, sa kasamaang palad patuloy parin ang pag babalewala sa kanya,  pero dahil sa tinatawag na "Fighting Spirit" di pa rin natitinag ang dalaga, Kahit kahihiyan at masamang pag-iisip ng mga tao sa paligid niya ay sinasabihan na siyang 'walanghiya, desperada, makapal ang mukha' at marami pa halos nakalimutan niya na nga sa dami.

Isang araw may binalita sa kanya ang kaklase niya na mahilig ang binata sa pag lalaro ng football pero natural lamang sa isang atleta ang ma disgrasya o may mangyaring masama sa pag eensayo kaya  pinagbawalan siya ng kanyang dating kasintahan na magpatuloy sa paglalaro, dahil sa mahal na mahal ng binata ang babaeng iyon ay napilitan siyang tumigil kahit labag sa kalooban ng lalaki.

--

Nanginginig at abot langit ang kabang nararamdaman ng dalaga habang papalapit sa grupo ng mga lalaking nagtatawanan na siyang barkada ng binata, Pero nasisilayan niya mula nung pagkapasok niya pa lamang sa kantina ang pananahimik ng lalaki.

'Kaya mo yan ipinanganak kang makapal ang mukha kaya kapalan mo pa' wika niya sa sarili, pero mas dumoble ang takot ng dalaga ng nakita niyang seryoso siyang tinitingnan ng binata at mukhang alam naman kung ano ang pakay ng dilag sa kanya, habang hawak hawak ang football na ireregalo niya halos umurong ang dila niya sa pagsasalita.

"P-pra sayo" wika ng dalaga habang nanginginig ang kamay nito

"Di ko kailangan yan, Tatlong taon na kong tumigil sa paglalaro" At umalis palayo ang binata sabay ang pagbagsak ng mga luha ng dalaga, kaya hindi na lang siya pumasok sa susunod niyang klase dahil alam niyang di lang din naman papasok sa utak niya ang pag-aaralan nila mamaya.

Umuwi siyang namumula ang ilong at mugto ang mata,  pero di pa rin siya susuko wika niya sa kanyang sarili, kahit ang mga kaibigan na mismo ng dalaga ang nagsasabing kailangan niya nang tumigil dahil nagmumukha lang siyang tanga pero bina balewala niya nanaman ang pangaral ng mga kaibigang nag-aalala para sa kanya.

Kahit ganun ang nangyari, kahit sa ika- hindi niya na mabilang na beses siyang nirereject ng binata ay masayang masaya siya sa kadahilanang bukas ay kaarawan ng minamahal niya at dahil sa sobrang pagkagusto niya sa lalaki ay alam na alam niya ang paborito nito noon, kare kare pero di na rin siya kumakain ng pagkain na ito sa parehong dahilan parin, ayaw ng dating kasintahan ng binata ang kare kare dahil mayroong allergy ang babae sa mani. Noon laking gulat ng mga bagong kaibigan ng dalaga na malamang pareho silang may allergy sa mani ng dating kasintahan ng binata, Ika nga baka meant to be daw sila ng binata. Naiiling na lamang siya sa mga sinabi ng kaibigan niya.

'Ano ba namang lalakeng to, kesyo ayaw ng ex niya di na rin siya kakain pasalamat siya mahal ko siya' wika ng dalaga sa kanyang utak

Masayang mukha ang masisilayan mo sa dilag nang ipinagluto siya ng ina nito ng kare-kare bilang regalo sa kaarawan ng lalaki, kaya maaga siyang pumasok sa paaralan nila upang salubungin sana ang lalaki sa harap ng gate nila.

Sa kasamaang palad ay boung araw na di nasilayan ng dalaga ni anino man lang ng binata kaya malungkot siya at nababalisa maghapon, Pero habang mabagal siyang naglalakad palabas nang paaralan ay parang isang ilaw siyang biglang nag ningning ng makita niya ang pamilyar na lalaking nag aantay ng Jeep pauwi at kilalang kilala niya kung sino ito, kaya binilisan niya ang takbo pero tila papalapit na rin ang Jeep na dapat sasakay ang lalaki pauwi,  At ayun na nga huminto na ang sasakyan sa harap ng binata kaya mukhang wala na ngang pag- asa na maibibigay ng dalaga ang pagkain. Kaya huminto na rin siya at naglakad salungat sa direksyon kung nasaan ang lalaki. Sa huling beses ay sumulyap siyang muli sa binata.

Takang taka ang dilag kung bakit di parin sumasakay ang binata, Sabay ang pagdapo ng tingin sa kanya ng lalaki na mas ikinaba niya, Nilakasan niya na lang ang kanyang loob upang maibigay ang regalong pinaghirapang inihanda nila ng kanyang ina, kaya papalapit pa lang siya ay nagbabanta nang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Kare-Kare para sayo" nang sa wakas ay nasa harapan na siya ng binata. Binigay niya sa lalaki ang lutong kare- kare.

At sa inaasahan ay hindi ito itinanggap ng binata, Halos tumalon siya nang hinawakan siya sa balikat at unti unting inilalapit ng lalaki ang mukha nito sa makinis na mukha ng dalaga sabay ang pagpikit ng babae dahil sa halo halong emosyong nararamdaman niya. Ito na siguro ang araw na hinihintay niya wika ng dilag sa sarili, Araw na papansinin siya ng binata at maibalikan ang pagmamahal na iniaalay niyang di nasusuklian.

Katulad ng mga nasa pelikula ay unti unting lalapit ang labi ng lalake sa labi ng babae pero iba ang ikinalabasan, mas ikinatataka niya ay ilang segundo na siyang nakapikit pero wala paring labi ang dumadampi sa malalambot at mapupulang niyang labi.

Napabalikwas siya ng biglang nag salita ang binata.














"Julia tigilan mo na to,tatlong taon ng buhay ko ang inaksaya ko para mahalin ka na di mo man lang kayang suklian"

Tuluyan na ngang sumakay ang binata sa Jeep na kanina pa nag hihintay sa kanya, Naiwang tulala at nanginginig ang dalaga dahil sa mga binitawang salita ng lalaki. Sinilayan niya na lang ang papalayong Jeep sabay ang pag hikbi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snap!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon