Sadist 5: Master

10.5K 181 1
                                    

AMBER
Kasalukuyan kong sinusubuan si Light ng pagkain habang nakaupo pa din siya sa couch ng bigla siyang magsalita.

"Anong sabi nila Amber?" Tanong ni light.

"Ayos na daw..makakauwi na tayo.." sabi ko. Pinilit kong pasayahin ang boses ko dahil ayokong mahalata niya na kinakabahan ako. Ayokong malaman niya na naging slave kuno ako. Ayoko. Tinignan niya ako na parang sinusuri niya ako.

"Are you done feeding your so called brother" sabi ng bagong dating na si Ares. Nakatingin lang siya sa amin ni Light. Pinanlisikan siya ng mata ni Light. Kung ako rin naman ang saksakin ng kutsilyo sa hita maiinis din ako.

"Fuck you Greyfield" madiing sabi ni Light. Napatawa naman si Ares "What's funny?" inis na sabi ni light. Pinigilan ko siya. tinignan ko siya saka umiling.

"Calm down light" bulong ko. Buti na lang at hindi na nagsalita si Ares. Habang pinapakain ko si light ay nagtititigan sila ni Ares. Ako yung ninenerbyos sa kanila eh. Nang matapos si Light kumain ay biglang  tumayo si Ares at nagsalita.

"Ihahatid ko na kayo" sabi nito sabay suot ng jacket niya.

"ANO?!AYOKO!" Sigaw ni light.

"Ano? Ayaw mo ba sla---" Hindi ko na pinatuloy yung sasabihin niya dahil alam ko na yun.

"Oo! Ihatid mo na kami" sabi ko sabay hatak sa kapatid ko. Sinuot ko sa kanya yung bonet na puti.

"Anu ba amber! hahayaan mo yan na sumama sa atin?" asar na sabi ni light.

"Shh! Wag ka na magulo light" sabi ko na lang. Buti tumahimik si light "tss" Inalalayan kong sumakay ng kotse si Light since sa hita ang tama niya. Gaya ng sinabi ni Ares ay iniihatid niya nga kami ni Light sa boarding house. Oo, May boarding house kasi dito sa loob ng university na to at nakalock down kami dito until the end of the semester. Agad naman umalis si Ares pagkahatid niya sa amin matapos niyang iabot ang isang kahon.

Dinala ko yung box sa c.r para makita kung ano yung laman. Pagbukas ko isang sira at bagong cellphone ang nandun. Yung sira sira yun yung cellphone ko. Pag tingin ko sa bagong cellphone ay may sticky notes pa ito sa likod.

'Use this phone, nakasave na yung number ko dyan para madali kitang macontact. Don't forget about the deal or else I will drag your brother back here'

- Master Ares

Napabuntong hinga ako. Seryoso? Master na talaga?

--

Kinabukasan. Hindi pa ako nakakabangon sa higaan ng biglang tumunog yung cellphone ko.

"Ugh..who's this? Amber Wilhelmford speaking" Salubong na sagot ko sa tawag na nakapikit pa ang mga mata.

"Ares Greyfield" sabi nitong walang gana. Napabangon ako bigla.

"Bakit?" Tanong ko na walang gana. Naasar ako sa kanya. Pagkatapos nang ginawa niya sa kapatid ko? Naiinis ako sa mukha niya.

"Nagtatanong ka? Di ba dapat kasama kita lagi?" sabi nitong walang gana.

"At bakit?"

"Slave kita diba?" sabi nitong naasar. Napakunot ang noo ko sa inis.

"Oh? Ano ngayon? Busy ako" asar din na sagot ko. Naiirita talaga ko.

"Do you want me to go there para lang sunduin ka o gusto mo pang kaladkarin ko pabalik dito yung kakambal mo at baliin lahat ng buto niya sa paa't kamay? Now tell me. Pupunta ka ba dito o hindi? I'm telling you. Lahat ng sinasabi ko ginagawa ko. I will not be called the sadist for nothing, Amber Wilhelmford.." May pagbabanta sa boses nitong sabi. Napakuyom ako ng kamay. Pumikit muna ako ng mariin bago sumagot dahil baka mamura ko siya. Ang aga aga mapapamura ko dahil sa kanya.

TYRANT 7:The SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon