ARES
Banas na inadjust ko yung neck tie na suot ko. Kanina pa ako tinatamad dito. Alam ko naman na yung pinagsasabi nung professor namin. Napag-aralan ko na yan in advance.Knock
knock
"Yes?" Tanong ng professor ko sa kumatok sa pintuan ng classroom namin.
"Excuse me daw po kay Mr.Greyfield" sabi nung lalaki. Tumingin sa akin yung professor ko at sinenyasan ako na lumabas muna. Sumunod naman ako.
"What?" Tinatamad kong tanong dito.
"Pinapatawag ka daw po ni Master Hell" sabi nung lalaki. Pagkatapos nito magsalita ay lumakad na ako. Nag-excuse naman ako eh. Papalakad pa lang ako sa hallway ng Architecture building ng biglang may makabunggo ako. Hindi ko alam kung malamya ba siya o ano. Dahil bigla siyang tumalsik sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin.
"A-Aray..." sabi nito habang nakatingin sa gasgas niyang kamay. Muntik pa siya kanina sumubsob kasama mukha kung hindi niya lang naikalang yung kamay niya "M-Master" sabi nito ng mapatingin sa akin. I just gave her my cold stare. Tinignan ko siya sandali. She had a beautiful pair of eye. Long thick eyelashes, pink lips, pointy nose and cute pink cheeks. She have a long brown hair. Her eyes.. onti na lang halatang iiyak na siya. She bit her lower lip. Cute, but stupid.
"Tss..weak" Sabi ko sabay iniwan na siya. I have no time for weaklings. Weak people are disgusting. It reminds me of past that I don't want to remember. Nagderederetso na ako ng lakad papunta sa interrogation room. Pagkadating ko duon ay nanduon na silang lahat. Si Burn, Hunter, Clyde, Zerred, Chain at ang Supreme Founder si Hell.
"What's up?" Tanong ko sabay upo sa couch. "Anong meron?" Tanong ko.
"huh? Hindi ba niya alam?" Narinig kong bulong ni Hunter kay Clyde. Napakunot noo ako.
"Anong hindi ko alam? Ha? Hunter?" Tanong ko "Para san ba to at pinatawag niyo pa ako master" tanong ko kay Hell.
"Wala, We just want to know kung saan mo gustong magbakasyon..." Direktang sagot ni Hell.
"Bakasyon? For what? Ano bang occasion?" Asar na tanong ko. Nararamdaman ko na kung saan pupunta tong tanong na to.
"Ang ingay mo naman master! dapat surprise eh" angal ni Burn.
"Oo nga.Tss" sabat naman ni Chain.
"Ano ba kasi yon?" Irita kong tanong.
"Your birthday celebration. Gusto namin malaman kung saan mo gusto magcelebrate" tanong ni Master. Napakuyom ako ng kamao.
"Beach tayo!" sigaw ni Zerred na tuwang tuwa pa.
"Walang celebration na magaganap" sabi kong seryoso "Sorry but I have to go" sabi ko sabay alis ng building. I clench my fist. Birthday? Fuck. I don't do celebration. Wala akong dapat icelebrate. Napasipa ako sa nadaanan kong trash bin. Pinagsusuntok ko yung pader. Naalala ko na naman. Napahilamos ako ng kamay sa mukha ko.
"T-Tama na p-po..m-maawa po k-kayo" pagmamakaawa ko habang sapo ko ang sikmura kong tinadyakan niya. Akala ko titigil na sya pero hindi. Inulit ulit niya pa hanggang sa sumuka na ako ng dugo.
PAK
THUG!
Nakangisi sya habang tinatadyakan niya ako ng paulit ulit,dahil lang sa nagnakaw ako ng pagkain dahil sa sobrang gutom ko "T-Tama na!patayin nyo na lang ako!"
"Damn it!" sigaw ko sabay sipa sa pader. Ipinikit kong muli ang mata ko. Yung alaala na yun ang pinakaayaw kong maalala. I was 7 year old nuong mawala ako ng yaya ko na tagapag alaga ko sa Mall. Napunta ako sa maling kamay. Napunta ako sa sindikato. Duon pinipilit nila kaming mamalimos. Kapag mababa ang napalimos mo onti lang ang pagkain mo. Sobrang hirap ang dinanas ko nuon. Dumating pa sa point na kinailangan kong kumain ng pagkain na tira tira sa basurahan. Umiiyak ako habang kumakain ako nun. Iniisip na matatapos din ang lahat.
Dumating sa point na tinangka kong tumawag sa pamilya ko pero nahuli din ako. Hindi ko alam na may mga nagkalat pala na nakamatyag lang sa amin. Kaya ilang linggo akong nagpahinog ng pasa. Ang huling chance ko? Ang tumakas. Miss na miss ko na nun sila mommy at daddy. Pati mga kapatid ko. tinangka kong tumakas pero anong napala ko? Nahuli pa rin nila ako.
Ending? Ayun bugbog sarado ako. I was beaten black and blue. Nagdidilim na ang paningin ko habang nakahiga ako sa papag sa lapag. May malaking tama ako sa likod ng ulo ko. Nalalasahan ko na din ang sarili kong dugo. Papikit na ako ng may makita akong mga pulis na papasok. And that's the end of my suffering. My family found me. But something changed. I can't get back to normal. Nobody can changed the fact that I was scarred.
Tumuloy na ako sa paglalakad ng makahinga ako. I can't celebrate my birthday. Yon yung araw na nawala ako. I can't be happy. Dahil naalala ko kung gaanong hirap ang pinagdaanan ko nung araw na yun.
"Nananadya ka ba!?" asar na sigaw ko sa nakabangga ko. Lalo akong nainis ng makita ko kung sino yun. Siya din yung nakabunggo ko kanina "kanina ka pa eh!" banas na sabi ko. Napayuko siya sa hiya, wala akong pakielam kung pinagtitinginan kami "Look what you did!" bulyaw ko sabay turo sa uniform ko na natapunan niya ng chocolate shake.
"S-Sorry" sabi niya sabay nagmamadaling tumayo, parang matutuba pa nga siya eh. Nanginginig na pinunasan niya yung parte ng uniform na natapunan niya. Napakagat pa siya sa lower lip niya para pigilan ang panginginig nito. Hinawakan ko siya ng madiin siya pulsuhan para itigil niya yung ginagawa niya. I feel uneasy "M-Master.." sambit niya habang nakatingin sa akin. Namumula pa yung ilong niya. Halatang paiyak na siya.
Blangko ang ekspresyon na ipinakita ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin kaya kitang kita ko ang pamumutla niya "Don't. Touch. Me" sabi ko sabay tulak sa kanya. Nakita ko sa peripheral ko ang pagsubsob niya. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang mahina nyang paghikbi. Tss.Weakling. Dumeretso na lang ako sa cafeteria. Tatambay na lang ako muna, Na-badtrip na ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may mag occupy ng table sa likod ko.
"Spill it" narinig kong boses ng lalaki.
"Nadapa nga lang ako.." Mahinang sabi ng boses ng babae. Yung babae yung katalikuran ko ng upo.
"Sa mukha mong yan alam kong seryoso yang iniisip mo. Tatanungin ulit kita at huwag mong subukang magsinungaling sa akin. Anong nangyari?" Asar na nung lalaki na ikinabuntong hininga nung babae.
"Mukhang wala naman akong maitatago sayo Light. Pero mangako ka sa akin na wala kang kahit anong gagawin kabaliwan, okay?" Ani nung babae na ikinatango nito.
"So anu na nga ang nangyari at bakit may pasa ka sa tuhod at gasgas yang kamay mo?" Bugnot ang boses na sabi nung lalaki.
"K-Kasi..Na-na..a-anu kasi.." Napairap ako. nauutal pa yung babae magsalita pakiramdam ko tuloy pa thrill.
"Ano nga Amber? Bakit ka ba nauutal?" asar na sabi nung lalaki. Kung ako yung lalaki maasar din ako kailangan bang mautal? Tss. Mga babae talaga.
"K-Kasi..nakabunggo ko si Ares kanina.." sabi nito. Napatigil ako sa pagsubo. Don't tell me. Dahan dahan akong lumingon sa salamin sa gilid ng table. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga yung babae kanina. Nakayuko siya ng tingin habang kausap yung kaharap niya.
"Oh Tapos?" usisa nung lalaki habang nakakunot ang noo.
"N-Natumba ako..yun lang..."
"Natumba? You think I am that stupid Amber?" asar pa din yung boses nung lalaki.
"Light naman,hindi naman niya siguro sinasadya yun" Napapalatak ako sa isip ko. Hindi sinasadya? Pinagtakpan pa talaga ako. Ganun ba siya katakot sa akin?
"Hindi sinasadya! Nakakaasar! alam kong nagsisinungaling ka Amber. You don't need to lie. kalat naman na sa school na to na sadista yung Ares na yun eh. Huwag kang mag alala Amber. Igaganti kita" sabi nito. Duon na napakunot ang noo ko. What the heck? "Hindi ko hahayaan ang ginawa niya sayo kahit isa pa siya sa tyrant 7" sabi nito sa madiin na paraan. Muli kong tinignan yung mukha nung dalawa sa repleksyon ng salamin.