Message

22 7 2
                                    


Foretune's POV

Nagising ako na narito pa rin ako sa kwarto ko. Hala?! Anong oras na ba?! Papasok na ko!

Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng kama ko. Pakshet. 5 minutes na lang bago magsimula yung klase. Anak ng tokwa.

Naligo na ako. Malay ko kung anong klaseng ligo pa yung nagawa ko. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniporme ng bagong eskwelahan na papasukan ko. Hindi na ko nagsuklay. Dadalhin ko na lang ang suklay at sa daan na mag-aayos. Mabuti na lang talaga naiayos ko na ang mga gamit ko kagabi. Bumaba na ako at nakita ko ang parents ko. Si Mommy ay naghahanda ng breakfasts while Daddy is reading a newspaper. Lumapit ako sa kanila at nagkiss sa cheeks.

"Oh baby, kumain ka muna."

"Mom, sobrang late na ako sa school. Kabago bago ko na nga lang tas late pa ako."

"Ano ka ba baby, ayos lang na malate ka kase bago ka pa lang. Tsaka understood yun. At kahit pumasok ka ng maaga, wala ka pa ring mapapala dahil malelate ka pa rin dahil kukuhanin mo pa ang I.D. mo sa principal's office." paliwanag sakin ni Daddy

Napa-'oohh' naman ako dun.

"Pero kahit na Daddy. Una na po ako ha? Babye na."

"Teka Fortune, ayos ka na ba?" natigilan ako sa sinabi ni Mommy. Naalala ko ang nangyari kagabi atsaka tumingin sa malaking lumang orasan sa itaas. Kinilabutan ulit ako nung naalala ko yung kagabi

"Ah opo Mom. Ayos naman na po ako."

Pumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse namin. Pumasok na ang driver namin at nagdrive papuntang bago kong school. I wish na maging maayos sana ang lahat.

××××××××××××××××××××××××××××××××××

Dumeretso na muna ako sa room ko. Mamaya ko na lang kukunin yung I.D. ko.

Pagdating sa room, nagtinginan lahat sa akin. Malamang, sino ba namang matinong transferee student ang papasok ng 20 minutes ng late?

"Ahm, ehem. Class, meet your new classmate, Miss Fortune Villegas."

Nagsalita ang teacher sa harap at pinakilala ako. Nakita ko namang nagbulong bulongan sila. Taliwas sa akala kong pagbubulungan nila. Nabigla talaga ako. Sinabihan ba naman nila ako ng,

"Ang ganda niya"

"Oo nga. Para siyang anghel. Sobrang ganda."

"Pare, may bagong chicks oh. Ang ganda."

"Ulol ka. Ako mauuna diyan. Liligawan ko kaagad yan."

Nagulat ako. Totoo ba to? Sinasabi ba talaga nila yon? Ibang-iba sila sa mga kakase ko dating bully.

Pero sa kabila ng bulungan nila, may nakita akong nag-iisang lalake sa likuran. A-ang guwapo. Nakakatunaw yung mga titig niya sakin. Hala, baka may dumi ako sa mukha. O kaya di ko nasuklay ng maayos ang buhok ko?

Siya lang yung nag-iisang hindi nakikipag-usap. Tapos ang talim ng titig niya sakin. Bakit? Anong meron?

Nakaramdam ako ng kaba sa mga titig niya. Nakakatakot siya.

Nagsalita ang teacher sa harap.

"I'm Sir Lui. You may now seat. Dun ka na lang sa tabi ni Mr. Vegas."

Nakita ko naman ang upuan sa tabi nung itinuro ni sir. No way.

Katabi ko yung scary guy na yon?

Naglakad na ako papalapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko, nanginginig ang tuhod ko. Pano ba naman, ang sama ng titig niya sakin.

Umupo na ako sa tabi niya. Maya-maya lang may sinabi siya na nakapangilabot ng buong katawan ko.

"Welcome to Hell."

A-anu daw?

To See Is To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon