Puro taong umiiyak ang makikita mo sa paligid. Si Raphael pala ang kinikilalalang "Campus Prince"
Pero ako lang ba, kasi feeling ko yung iba, ang paplastik eh. Pinapakita nilang malungkot sila at nagluluksa pero parang hindi.
Pagkatapos ng pagkakita ng katawan ni Raphael, tinawagan agad ang ambulansya. Tanga lang diba? Ambulansya? Anong magagawa ng ambulansya? At ang ipinagtataka ko, hindi sila tumawag ng pulis.
Ang daming tanong ang gumugulo sa utak ko. Unang una bakit sa room namin inilagay ang katawan niya? Pangalawa, yung mga kaklase ko. Lahat kasi sila natahimik eh. Parang ang lalalim ng iniisip.
Di ko pa nga nakikita si Justin simula kanina. Ng biglang pumasok si Sir Lui. Alam kong may kakaiba kay Sir ngayon. Ibang iba ang aura niya.
"Hello, Section SH."
Huh? SH? Ano yon? Bat ngayon ko lang nalaman na may pangalan pala ang section namin?
Bigla na lang ring dumating yung iba naming kaklase. Yung mga nagbasketball, kasama si Jade.
"Hello po Sir."
"Nakakatuwang makita na patay na ang Campus Prince. Wahaha. Ngayon, gusto niyo bang maglaro?"
Kinikilabutan na ako dito kay Sir ha. Bakit ganun yung mga sinasabi niya?
"Ang laro na ito ay, may isang malaking premyo."
"Premyo na siguradong magugustuhan niyo. Syempre para lamang iyon sa mga mananalo. At ang mga matatalo, buhay ang kabayaran."
Syet. Natatakot na ako kay Sir. Yung mga mata niya, kakaiba.
"Kung gusto niyong malaman ang kabuuang impormasyon tungkol sa laro, magpunta kayong lahat sa AVR mamaya pagkatapos ng uwian. Lahat dapat kayo. Kapag may kulang, may mamamatay."
Sobrang tahimik ng buong room. Lahat ay nakikinig kay Sir.
"Boo!" pambabasag ni Sir sa katahimikan sa classroom.
"Wahhhhhhh!" sigawan ng lahat habang si Sir ay tumatawa lang habang lumalabas mg classroom.
"J-justin, nakakatakot si Sir. P-pupunta ba tayo sa AVR?" tanong ko kay Jus
"Dapat tayong magpunta kasi baka totohanin niya yung sinabi niyang may mamamatay." napatango na lang ako.
Tumayo sa harapan si Ferdinand at si Anarica. Ang aming class President and Vice President. Wala pa naman kasi yung teacher namin.
"Uhm, Guys? Pupunta ba tayo?" panimula ni Ferdinand
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko. Base sa nametag niya, Aljana ang pangalan niya.
"Eh kung wag na lang? Kasi delikado eh. Pagkatapos ng uwian? Eh 7 pa ang uwi natin. Gabi na yun. Baka mapahamak tayo."
Sumang-ayon naman ang iba naming kaklase.
Nagsalita si Justin, "Pero paano kung totohanin ni Sir yung sinabi niyang may mamamatay? Masisikmura niyo bang may mapahamak nanaman?"
"Oo nga guys. Tama si Justin. Wala naman sigurong masama kung...susubukan natin diba?" sabi ni Brian. Nasa nametag eh. Ahaha.
"So sinong sang-ayon kay Justin?" ang daming nagtaasan ng kamay.
"Majority wins, kaya pupunta tayong lahat doon mamaya. Basta't siguraduhin niyong may mga dala kayong kagamitan tulad ng flashlight. At dapat walang maghihiwalay."
Naupo na sila Ferds sa dati nilang upuan. Bakit walang napasok na teacher? Ng biglang nagsalita tong tao sa kaliwa ko. Tong Scary guy na to, bigla-bigla na lang magsasalita. Nakakagulat.
BINABASA MO ANG
To See Is To Believe
Tajemnica / Thriller(Unedited) Nandyan lang sila.Nasa tabi-tabi Di mo namamalayan ikaw na pala ang susunod Ikaw na ang susunod nilang biktima Biktima ng isang nakakakilabot na PANGITAIN Pangitain na mapanindig-balahibo Ngunit di kapani-paniwala Kaya kinailangan mo muna...