Chapter 2 – Pre-Demo
Ang ikinatataka ng lahat ay ang mismong Top 4 Student ng BIB international School ay magkakaeswela rin. Kaya naman halos lahat ng classmate nila ay toxic sa kanila sa t'wing may nagaganap na sagutan o yun bang maliit na paligsahan lamang sa loob ng room. Hindi nga sila nagkakausap indirectly, ngunit kapag about sa klase na ang pag-uusapan at pagdedebatehan ay nandoon sila at nakaupo habang sumasagot, maliban lang kay Jeremy na tinataas pa ang kamay niya habang nakayuko.
Sa loob ng klase, sa isang Physics Subjects ay nandoon ang apat na magkakahiwalay ng kinauupuan. Sinadya ng Homeroom teacher nila na paghiwa-hiwalayain ito dahil nga baka magsabong na kapag nagkasagutan.
"Okay Class, did you bring your book?" asks the Physics Teacher. Ingles kadalasan ang gamit ng Teacher dahil International School nga ito. Pero kung kinakailangan magtagalog ay okay lang. Ang non-other language ay kailangan naman sa English Subject, na puro ingles lang ang dapat na bigkasin during the whole 45 minutes of class.
"Mr. Rivera?" tawag nito kay Jeremy, nakatungo na naman ito na tinaas ang kamay niya at hawak nitong librong pinapatungan ng ulo niya.
Wala itong imik at reklamo dahil isa ito sa nakakatop ng scores sa quizzes at exam niya. Minsan nga lang ay halos huli na itong magpasa ng project kaya naman may nadededuct na grade sa kanya, yo'n na din ang alam ng iba, dahil medyo may pagkatamad ito ay tanging Top 4 lang kaya niyang abutin.
"Okay Class, you all know that we have a 15 minute quiz after this discussion so listen."
"Ugh." Reaction ng iba.
"Yes!" sigaw naman ni Sonia at flinip ang hair niya.
"Grabe sobrang cool niya talaga!" bulong naman ng ilan niyang lalaking kaklase samantalang naiinis ang ilang babae sa pangunguna nito.
Nanatili namang tahimik si Barry at Yuna na nagsimulang magpre-reading bago pa man ang klase. Si Jeremy ay nakikinig sa pwesto niyang nakatungo ang ulo at di hinaharap ang board.
Nakinig ang lahat sa discussion, ang ilan ay tahimik, ang ilan ay tumatango, ang ilan ay tanong ng tanong sa paulit ulit na question.
"Ms. Edison?" tawag ni Yuna, parang ang guro pa ang kinabahan matapos siyang tawagin ng bata. Nakatingin ito sa libro at bahagyang nakataas ang kamay.
"Yes?" sagot naman nito.
"Ohh, Sorry. I got it." Kalmadong nakahinga naman ng maluwag ang guro ngunit biglang nagtaas ng kamay si Jeremy sa dulo na kalimitan lamang nitong ginagawa, maliban sa English class dahil ayaw niyang magsalita ng Ingles.
"Yes. Mr Rivera?" Lumingon ito ng parang may inaantok na mata.
"Kamag-anak niyo po ba si Thomas?"
"Ako? A-ako? Hindi a!" turo ng isang kaklase nito sa sarili niya.
"Hindi ikaw! Si Thomas! Thomas Alva Edison! Inventor of light bulb!" casual nitong sagot, napangisi siya. Ramdam ng buong klase na marami na naman itong sasabihin tungkol sa isang Thomas Alva Edison. "Okay, go on Ma'am." Ngumiti ito at halos sabay-sabay napabuntong hininga ang buong klase.
"Thirty minutes is almost up, let's just go with the quiz."
Ms. Edison dictates the question at sa ten minutes na pagdidikta ay aalamin nila ang highest sa quiz na yo'n sa araw din na yo'n.
Kalmadong sinasagot ni Barry ang mga tanong, samantalang napapaisip naman si Yuna ng about .2 seconds. Pakunot-kunot naman ng noo si Sonia na siya naman nitong pinaplantsa kapag nagagawa niya dahil bilin sa kanya ng manager siya sa magazine modelling. Si Jeremy ay di naman makatungo at naiinis siya dahil do'n, minsan kasing napagkamalan siyang nagchecheat dahil sa pwesto ng katawan niya.
A counter clockwise pass of papers, napunta kay Barry ang papel ni Yuna kaya naman napatingin ito dito. Tinignan niya ang sagot at kaagad siyang nag-cross out ng dalawang number kahit di pa naman dinidikta ang sagot.
"Hoy, wala pa." saway ng kalapit niyang babae.
"I know." Sagot nito at ngumisi at nagcross out pa ng isang number na siguro nitong mali ang sagot niya.
Sa dalawpung tanong at pinakahuling number ay parang napapailing ang lahat sa bulong ng isang kaklase.
"Perfect na naman 'tong si Barry."
"Number 20 answer, Bonus. I haven't teach this so, Bonus for everyone."ngiti ng guro at bigla na lang naitusok ni Barry ang ballpen niya sa papel, ang krinoss out niyang numero ay isa palang bonus number.
"I don't understand Ms. Edison, pero sigurado akong tama ang sagot ko. Why are you just giving scores?!"
"Mr. Barry Rimoto, this is not your class, you are a student, I am a teacher. I told you already that we are only covering up the quiz for the 30 minute class."
"So why the he—" napatigil ito. Natakot siyang malagyan ng demerit at makaapekto sa grades nito. Nakatingin sa kanya ang lahat at wala siyang nagawa kung hindi ang checkan ang number 20 ni Yuna at dagdagan ang score nito. "So What's the answer in number 20 Ms. Edison?"
"From—"
"1877-1878." Sagot ni Yuna. TInignan niya ang sagot nito at pareho ito ng sagot sa papel niya.
"That's right." Ngumiti si Ms. Edison.
Inalala ni Barry ang sagot niya, 1877 lamang ang tanging nailagay niya sa papel.
"Woah, buti na lang bonus Ma'm kung hindi 19 lang ang score ni Barry!" sigaw ng classmate niyang nagche-check ng papel niya. Napatayo si Sonia at inagaw ang papel ni Barry sa kaklase.
"Are you even human?! What a lucky jerk."
BINABASA MO ANG
He or She? (Completed)
Teen FictionSa isang prestihiyosong paaralan ay merong apat na sikat na tao sa larangan ng karunungan. Ang apat na ito ay hindi minsan nagkasundo, nagka-usap dahil sa tindi ng labanan nila sa eskwela. Sa sobrang talino nila ay sila parati ang nagkakalaban sa qu...