.Chapter 4 – SHE
Three weeks ago before the results of midterm exam
Nasa basketball court si Barry matapos niyang kausapin si Jeremy na dumeretso naman sa library matapos ang kanilang deal. Lahat ay nagulat ng makita itong nanonood lamang ng laro ng basketball at hindi nagrereview para sa exam next week.
"Si Barry o, anong nakain no'n?"
"Baka naman tinamad mag-aral ngayong semester, paniguradong tanggal siya sa top 1 ngayon."
"I know right."
"At least malalapitan natin, akin nay an girl." Agaw ng isang babae sa inumin ng classmate niyang nerd na nakasunod sa kanila.
Lumapit sila kay Barry ngunit hindi man lang ito lumilingon sa kanila. May suot din kasi itong headset.
"Hey Barry."
"Oh?"
Nagulat sila ng mabilis itong sumagot.
"U-uhm, you want some drinks?" alok nito. "A-ahh."
"Sa'yo yan S-shaina e." singit pa ng lalaki. Napatingin si barry dito at kinuha ang drinks na inabot ni Shaina at binalik sa kanya.
"Sa'yo ya'n, bakit mo binibigay dito sa mga babae. Bumalik ka na lang sa pag-aaral Teng, baka sakaling magkasunod na tayo sa Top this semester." Utos nito. Napatungo naman ang lalaki sa hiya at sinunod ang utos ni Barry. "What?" Tanong niya sa mga babae. "H'wag kayong mag-alala, top 1 pa din ako."
"Hindi ka naman si Jeremy na nasa top dahil di siya nag-aaral, ikaw si Barry na kailangang ingudngod yang mukha mo sa libro ng isang buwan para maging top 1."
Biglang may nagsalita sa taas ng bench, si Yuna na may suot ding headset ngunit may hawak na libro.
"Hah!" sigaw nito. Tumayo siya at inakyat si Yuna. "E ikaw?"
"What me?"
"I'm sure you are cheating! Angel like face? Voice? Wow, Love is really blind, not just blind, but deaf." Napailing si Barry at akmang aalis na sana.
"Yah~"mahinang tawag nito ngunit may pagkamayabang ang tono. Parang nanguutos na lingunin siya pabalik. "
"What?" asar nitong nilingon siya. Ngumiti si Yuna ng may sinseridad at tumingin sa mga mata nito. Sandaling hindi nagsalita si Barry ng gawin yo'n ni Yuna. "W-what?"
"Wala kang naramdaman?"
"Why am I even talking to you?" sabi nito at iniwan na siya.
-
Ang tahimik na classroom ay naging maingay ng may pumasok na isang estudyante dahil ang existence nito ay tanging makikita lamang sa rooftop,canteen at classroom ng eskwelahan.
"Please be quiet everyone!" sigaw ng teacher na nakabantay. Natahimik ang lahat at nawala ang kaunting bulungan.
"Nagpalit ba ng personality si Barry at Jeremy ngayon? Si barry daw hindi nagrereview!" pabulong nitong sigaw sa mga kaklase niyang babae. Nasa tapat lang nila si Jeremy sa isang table na halos di na yata mabilang ang librong nasa lamesa.
Biglang may lumapit kay Jeremy na tatlong lalaki, umupo ito sa harap ng lamesa niya na sakto naman para sa kanila. Pero di nagpatinag si Jeremy at nagpatuloy sa pagrereview niya.
"Jeremy, di ba sabi mo ililibre mo kami sa canteen one time kapag binigay namin ang rooftop sayo. Libre mo na kami ngayon." Mayabang nitong utos. Di pa rin nagpatalo si Jeremy at nagpatuloy sa pagsusulat niya ng keypoints.
"Hoy." Tawag ng isa. "Kinakausap ka namin."
"Pang-ilang beses ko na ba kayong nilibre ha." Nainis nitong sabi. Kinuha niya ang wallet niyang, 500 pesos na lang ang laman. "Kahit mas marami pera niyo sakin, o eto. Last na ya'n, kung gusto niyo sa rooftop. Go!" nilapag niya ang 500 pesos na papel.
"Observe Silence!" sigaw ng guro ng sumigaw si Jeremy. Nakakapag-aral lang naman siya sa school na puro mayayaman ang estudyante dahil sa taas ng grades niya, isa siyang scholar na pinapatiling hindi bababa ang average sa 93%.
On the other side, si Sonia naman ang nag-mamayari ng isang table doon. Sa sobrang kaba niya ay hindi na rin siya makapagpokus sa pag-aaral dahil sa ginagawang pagrereview ng karibal niya sa top 3 place.
"Sonia, pinaalis lang kami. Nagalit e." sabi ng lalaking kumausap kay Jeremy kanina. Tinarayan lang ni Sonia ito ng kilay niya.
"Akala ko ba madidistract ko siya, no I can't date any of you." Mataray niyang sabi. "Go, I'm busy!~"
"Silence!" sigaw pa rin ng guro. Nilubayan naman siya ng mga lalaki dahil nasa loob sila ng library, patingin tingin si Sonia kay Jeremy na super concentrate naman sa ginagawa nito. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kokote nito.
-
SHE
"Yuna don't you think we need to talk?" lumapit si Sonia kay Yuna. Nasa canteen ito dahil lunchtime nila.
"What talk? We're not even friends."
"Yeah, whatever~" sa sobrang asar ay gusto na niyang baliwalain ang suhestyon niya ngunit nagpatuloy siya. "Barry is not reviewing."
"Well, mabuti yo'n."
"But Jeremy, si jeremy~ Omygod, he was still on the library! Hindi siya umatend ng dalawang klase pero nasa library siya magdamag. I'm sure di rin siya aattend ng apat na subject mamaya."
"And the heck I care about it?" sagot lang ni Yuna ngunit kinabahan rin ito sa balitang narinig niya. Hindi rin siya nakapagpokus sa pag-aaral.
"You want, Jeremy to just jump on your place, Barry or You. Ako wala akong pakealam kung Top 3 lang talaga ako. But, that is insane if Jeremy perfect the exam and quizzes like he never did before because he wasn't studying. Maybe he is?" kumibit balikat ito. "Sa bahay nila, hindi lang natin alam."
"Anong gusto mong gawin ko sa sinasabi mo?"
"My plan is..."
Nʚ
BINABASA MO ANG
He or She? (Completed)
Ficção AdolescenteSa isang prestihiyosong paaralan ay merong apat na sikat na tao sa larangan ng karunungan. Ang apat na ito ay hindi minsan nagkasundo, nagka-usap dahil sa tindi ng labanan nila sa eskwela. Sa sobrang talino nila ay sila parati ang nagkakalaban sa qu...