Thank you for reading my short story! Enjoy!
My next story would be~ a long story. Still planning it! hehe!
-
Chapter 5 HerShe
Ako ang school journalist ng BIB International School at ako lamang ang naging saksi sa likod ng pandarayang naganap na plinano ng bawat isa, ano ka? Team HE? Or Team SHE?
-
Three weeks ago
"Rita!" sigaw ng kaklase niya. "Baka sakaling interesado ka, nakita ko si barry kanina. Patagong umakyat sa rooftop, hindi na nga lang ako sumunod dahil kakain kami ng classmates ko."
"T-talaga? Sure ka dya'n?!" di makapaniwalang tanong nito at sinubo ang natitirang piraso ng burger niya. Dinala niya ang bag at binalikan ang muntik pang malimutang camera. Patago rin siyang naglakad papuntang rooftop ngunit ng makarating siya do'n ay nag-uusap na sila tungkol sa isang motor na parang may deal na naganap sa pagitan nila. Unang umalis si Jeremy at mabilis naman niya itong sinundan, nagulat pa ito ng dumating sila sa Library. Nagkakaingay sa loob kaya naman wala na ring pumapansin sa kanya, ang pagkuha ng litrato niya kay Jeremy, kay Sonia na nakatingin kay Jeremy.
Natapos na ang break time ngunit hindi umalis si Jeremy sa kinauupuan niya. Ngunit kailangan niya na ring bumalik sa klase kaya naman ang mas malaking ikinagulat pa niya ay hindi nakikinig sa lesson si Barry, nagsusulat ito ng kung anu-ano sa likod ng notebook niya. Pasimpleng kumuha pa ng litrato at sinundan pagkatapos pa ng klase at maglunch break na. Dumeretso ito sa Gym at nanood ng isang basketball game.
Nang makakuha ng litrato kasama na rin ang paghaharap nila ni Yuna. Muli ay nagulat ito sa sinabi ni Barry at sa kinikilos nito.
Dumeretso ng canteen si Yuna at nakita niyang lumapit dito si Sonia. Isang pag-uusap na hindi niya inaasahang marinig sa isang Yuna. Si Sonia man ang nagplano ay talaga namang mapapanganga ka na lang. Ang i-distract silang dalawa para hindi makapagfocus sa pag-aaral nito.
After three weeks
Nagulat si Rita sa resulta ng midterm examination nila. Ang inaasahan niyang list ay kabaliktaran sa inaakala niya.
"Ano ba talaga nangyari? " tanong nito sa sarili.
-
Three weeks ago before the exam.
Hindi inaakala ni Jeremy na ginabi na siya sa loob ng Jeremy matapos reviewhin ang mga cover ng examination nila para next week. Nag-inat siya ng makatayo sa pagkakaupo ng matagal. Wala na rin kasing tao sa loob ng library, mukhang umalis ang librarian. Alas siyete na kasi ng gabi. Kinuha niya ang bag niya at kumuha ng isang tinapay na makakain.
Nagulat pa siya ng paglabas niya ng pinto ay tila may multong estudyante sa harap niya.
"Woy, sino ka?" tanong niya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
-
Nakauwi na si Barry ngunit di siya mapakali. Nanood siya ng TV kasama ang Mommy niyang Filipina. Nasa Japan kasi ang Oto-San niya o Daddy.
"Anong ginagawa mo dito? Himala, di ka nag-aaral?"
"I'm tired. Hayaan ko muna ibang kaklase ko ngayon, nakakapagod Ma na palaging nasa Top ka, lalo na kapag di ka makapagfocus." Sagot nito at kumibit balikat.
"Why? May crush ka na do'n sa kapitbahay natin na kaklase mo? Yung palaging Top 2, gusto mong magpababa para maging Top 1 siya. Ikaw ha?"
"Mommy! H-heck no!" sigaw nito. "But—I think, parang good strategy yo'n." tumayo ito at iniwan ang Mommy niya sa sofa.
BINABASA MO ANG
He or She? (Completed)
Teen FictionSa isang prestihiyosong paaralan ay merong apat na sikat na tao sa larangan ng karunungan. Ang apat na ito ay hindi minsan nagkasundo, nagka-usap dahil sa tindi ng labanan nila sa eskwela. Sa sobrang talino nila ay sila parati ang nagkakalaban sa qu...