3

101 69 10
                                    

Everything was black, then there's light.. and everything's becoming a blur. Di ako makakita ng maayos.

Nararamdaman ko ulit ang lamig, I can hear the sound coming from the heart rate monitor. I can feel somebody's hand interwined with mine. Di ko makita kung sino since everything's a blur.. nasa hospital room nanaman siguro ako.

Mayamaya ay unti-unting nilalamon ng itim ang paningin ko. Then before I know it, nasa ibang lugar na ko but still I can't move my body.

I see blur lights of red and blue then a faint of siren of the ambulance. I can feel the rain against my skin.. I tried to shut my eyes then try to focus para maigi kong makita ang mga bagay..

Heavy breathing.. I-I feel so weak. Pagbukas ko ng mata ko, it focused on the floor. I-I.. Blood?! Nakita ko kung paano umagos ang dugo at humalo sa tubig ulan na walang sawang bumabagsak.

Bago ko pa makita at ma-process ang nangyayari sa paligid ko ay I felt a force like some vacuum na hinihigop ako paalis sa sitwasyon na yon..

Nagising ako sa mga katok sa pintuan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, Parang may mangyayaring di maganda sa araw na to. Napahawak ako sa puso ko, Weird naman

"Ellie! Handa na ang almusal! Bumaba ka na Dearsweetycakehoneybunch~"

Agad akong bumagon, Naligo't nagbihis. Isa nanamang araw na pagpasok sa school. Paulit-ulit lang. Bumaba na ako at napasimangot ako sa nakita ko. Kapal naman ng mukha nitong Dyl na to, dito pa nag aalmusal. Di lang galit yung dinudulot sa akin ni Dyl eh kundi sakit, yung memories na matagal ko nang kinakalimutan at naiinis ako sa kanya for being the reminder of my past.

Mukhang dito na sya nakatira sa inaasta nya at doon pa sya sa upuan ko naka upo. Galing galing naman nya. Mukhang wala lang lahat, samantalang ako? For the past years dala dala ko lahat ng hinanakit, ramdam na ramdam ko yung sakit.

"Ano Eljie? Papaalisin mo ko? Aba epal mo naman Eljie hahaha masarap na kain ng tao oh, mahiya ka naman! Bastos naman neto"

KAPAL NG MUKHA. Mas kumunot ang noo ko at padabog na lumayo sa kanya.

Nagbago nga built ng katawan pero PATAY GUTOM PA RIN PALA!

Umupo ako sa tabi ni tita at sinigurado kong malayong malayo ako sa kanya. Binigay na ni tita ang share ko ng pancake na may butter at honey syrup on top.. Kumuha ako sunny side up egg at kumain ng mabilis para naman maka alis na ako dito. Di ko pinansin si Dyl, as if kami lang ni Tita Lian ang kumakain sa table

"Salamat sa pagkain Tita, tuloy na ako"- sabi ko at kinuha ang bag ko at dumiretso sa school

Naramdaman ko nanaman yung something na hindi ko ma-explain.. There's gonna be something weird that will happen today. Gosh, kinakabahan ako.

"Nilalakad mo lang to Eljie?"-

"AY!"- Nakakagulat naman to! Ang lalim ng iniisip ko tapos bigla tong mang-gugulat? Di kasi ako sanay na may kasabay lunakad papuntang school.

Great, tinignan ko ng masama si Dyl. May hawak syang weights sa kanang kamay nya and nakasukbit naman sa kabila ang bag nya, naka brush up yung buhok nya making his perfect features exposed. napatingin naman sya sa akin.

Napansin ko nanaman yung pierce nya sa tenga.. Iba na talaga sya don sa batang baboy na kababata ko.

"Grabehan. Seen zoned sa totoong buhay. Hays. ."- sabi nya pero lumapit sya ng bahagya and he has this smug look on his face and it makes the blood under my skin boil. Mas lalo akong nainis nang akbayan nya ako

"bespren, bat nilalangaw ang tae?"

Di ko sya pinansin at patuloy akong naglakad..

"Kasi walang takip! HAHAHAHAHA"

AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon