14

107 63 4
                                    

"Yun oh!"

"Sure na libre to ah!"

"Sarap hmm!!"

Naamoy ko ang masarap na halimuyak ng mami na nasa harap ko. Libre daw ng tatay ni Alex sa amin. Tamang-tama lunch ko lang yata ay hotdog at kanin.

Hindi ako pumunta sa tambayan dahil umaambon kaya sa room lang ako nag lunch, kasama ang mga abnyo. Malamig kaya masarap humigop ng sabaw ngayon!

"ELLIE~"

Nanginig sa kilabot ang katawan ko habang nililingon ko si Ian na medyo pamalat ang boses at medyo pabebe err pabobo ang kinikilos.

"PWEDENG PASUBO NAMAN AKO? MEDYO MAY PILAY PA KASE KO."- Sabay pout ang gago. PIGILAN NYO KO TATAPYASIN KO NGUSO NITO!

TUG!

"A-ARAY NAMAN TSONG!"- Sigaw ni Topher na napatalon dahil natapunan sya ng natapong sabaw galing sa mangkok na dinabog ni Dyl at napapitlag din naman ako dahil sa natalsikan din ako.

"Shit. Sorry"- Dyl mumbled saka pinunasan ang kamay kong natapunan. Bumilis ang tibok ng puso ko..

Nope, Ellie. Di ka mafa-fall. What's good for you to fall inlove with him? Ano bang habol mo? Heart aches? BESPREN MO SYA YEP BESPREN BESPREN

Nakisiksik sya ngayon sa pagitan namin ni Ian

"O-ok na ko."

"ELLIE, PASUBO NA. AHH~"

"Ian, tumigil ka."- tinignan ko si Dyl sa tabi ko. Nag e-emit sya ng kakaibang aura habang pinaglalaruan lang nya ang maming natira sa bowl nya. EHHHH?! Tinignan ko yung mami at durog durog na yung gulay at karne. N-n-nakakain pa ba yan?

PAK!

Binatukan ni Alex si Ian.

"PORKET MAY PILAY KA, SA TINGIN MO PWEDE KA NA LUMANDI?!"

"OH OH ANO NAMAN BA?! PUTRAGIS KA TALAGA, ALEX PUTRAGIS!!"

"IKAW PUNYETA! IAN NYETA!"

"Si Dawg nga kayang kumain ng walang kamay kamay eh."- sabi ni Miko.

"SINONG DAWG?"

Tinuro ni Miko yung tutang pagala gala sa room. Aba matindi!

"H-hi guys!"- lumipat ang tingin namin sa babaeng nagsalita sa harap namin. Sino nga ulit sya?

"Kaibigan nyo?"- tanong ni topher

"Di ko sya kilala.."- pag amin ko

"Ngayon ko lang nakita yan."- sabi ni Alex

Patay malisya lang naman si Dyl, nagmu-mukmok si Ian at si Miko tulog habang yung tuta nyang si Dawg ay pagala gala.

Just for a matter of second, ewan ko lang kung na malik mata lang ako pero parang nakita kong sumimangot yung babae sa harap namin. Nakakatakot!

"Hannah Leigh Roque nga pala."- sabi nya sabay ngiti at..

"AHHH! MATA KO! MATA KO!! NABUBULAG AKOOO!!"- Baliw tong si Ian. Mapuputi at pantay pantay ang ngipin ni Hannah. Nakakasilaw nga pero OA naman nito. Hinampas naman sya ni Alex. In a 1,2,3..

"NAKAKARAMI KA NA SA AKIN AH! KUNG DI LANG AKO PILAY, IKAW ANG PIPILAYIN KO EH!"

"GUSTO MO BANG MAGING IMBALIDO SA TANA NG BUHAY MO?!"

"TULAD NG ILOG NA HINDI TUMITIGIL SA PAG AGOS, PAG IBIG DI MATATAPOS!!"- Kanta ni Topher, marami nanamang energy to. Hay.

"Tsk."- sabi ni Dyl habang hinahalo parin ang mami nyang hindi na ata edible.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon