VOTE AND COMMENT.
[Baekhyun POV]
Nakita ko namang pumasok na si Sehun kasama si Cherry na parang nalamya at naka sandal kay Sehun.
Teka asan si Taeyeon?
Anong nangyari? May nangyari nanaman ba?
Nakita ko namang pumasok na si Taeyeon. Mukhang naiinis nanaman, hinuli ko ang tingin nya at tinignan sya ng "Ano nanamang ginawa mo?" pero inirapan nya lang ako at pumasok sa room namin..
Si Cherry at Sehun naman umupo na at nagsimulang kumain.
"Anong nangyari?" tanong ko kay Sehun.
"Yang si Taeyeon, sinaktan nya nanaman si Cherry. Kung pede lang--"
"Hoy Sehun hindi magagawa ni Taeyeon na manakit ng ibang tao ah!" angal ko habang nakatayo.
"Eh bakit totoo naman ah? Pag sabihan mo yang asawa mo na tigilan na ang girlfriend ko!" tumayo nading sabi niya. Aba gago to ah.
"Oy tama na yan" awat nila Chanyeol.
"Ano ba, pumunta tayo dito para mag saya hindi para mag away!" sambit ni Kai.
Pero di lang namin sya pinansin. "Kung makaasta ka parang hindi mo kaibigan si Taeyeon ah. Bakit mas kinakampihan mo pa yan eh kailan mo lang naman nakilala yan, bakit alam mo na ba totoong ugali nyan, para ngang kinaladkad mo lang yan dyan sa dalampasigan eh" nakangisi kong sambit.
"Gago ka!" sigaw nya at sasapakin na dapat ako pero inawat sya nila Chanyeol at Xiumin.
"Totoo naman ah, aastahan mo ko ng ganyan. Bakit, mas importante ba si Cherry kesa samin?" nakangisi ko paring sambit sa kanya.
"Talagang iniinis mo ko ah!" sigaw nya at sinipa ang mesa kaya umurong ito ng konti. Ganyan talaga sya pag naiinis, parang bata na nag wawala.
Hindi nya naman ako masasapak eh, kasi nakahawak sila Chanyeol sa kanya.
"Pag sabihan ko asawa ko? Bakit? Kailangan pa ba nun? Alam ni Taeyeon ang ginagawa nya, hindi sya masama at hindi nya kayang manakit ng tao ng walang dahilan, o baka naman yang girlfriend mo lang talaga ang gumagawa ng kwento?" sambit ko at inatras ang upuan ko saka umalis.
BINABASA MO ANG
Si Megaphone at Loudspeaker [BaekYeon Fanfic: Book 3]
RandomPapatunayan na ata nila ang FOREVER at HAPPILY EVER AFTER? Eh kung hindi pa pala dun nagtatapos ang lahat? Ano na kayang mangyayari sa HAPPILY EVER AFTER nila? Paano kung magka watak watak sila? May pag asa pa kayang mabuo? ©XoxoChina Read.Vote.Comm...