Chapter 11

209 1 0
                                    

[George's PoV]

"Ano tuloy maya?"

"Bakit ako tinatanong nyo eh kayo tumanggap nyan eh"

"Gagi! Syempre pera to, kupal ka talaga"

"Ano? Sasabihin ba natin sakanya?"

"Dunno. Kayo what do you think?"

"Gago, kaya nga nagtatanong ako eh, kanina ka pa Dan ha, sapakin na kita dyan"

"Tanong nyo kay Sab dali"

Kanina pa ko naiirita sa mga bulungan ng tatlong unggoy nato. Psh! Bakit ba sila bumubulong? Rinig ko naman tsk.

"Ano bang binubulong bulong nyo dyan?" Iritang tanong ko dun sa tatlo na nakabilog dun sa sulok. Lahat sila napatingin sakin at may ngiting aso sa kanilang mga labi.

"What?!"

"Ah... eh kasi George..." kinakabahang sabi ni Dan habang napapatingin dun sa dalawa kaya napataas ang kilay ko.

"WTH? Spill it!" Bwiset!

"Eh kasi George yang tatlo eh hindi ata alam kung pano sasabihin sayo na may kumuha satin para tumugtog sa isang bar" napatingin ako kay Sab tapos dun sa tatlo at mas lalong napataas ang kilay ko.

"So? What's the matter?"

"Eh kasi George ahmm... I'm yours yung kakantahin eh" nag aalangang sabi ni Pat. Nawala ang gusot sa mukha ko at diretsong tumingin sa kanila. Lahat sila nakatingin sakin at naghihintay kung ano ba ang irereact ko.

Ano nga bang dapat ireact ko? Meron ba?

"Oh? Anong problema? Yun lang ba ang pinagbubulungan nyo dyan?" Umakyat nako sa stage at kita ko sa gilid ng mga mata na nakahabol tingin sila sakin.

"O-ok lang ba sayo Georgy?" Nag aalangang tanong sakin ni Sab kaya hinarap ko sya at binigyan ng ngiting pang assurance.

"Of course, tara na magpractice"

"A-ah ok" umakyat na yung tatlo at inayos ang mga kagamitan nila habang si Sab ay nanunuod lang samin.

"Bale ganito, si Dan ang una, sunod si George taz sabay na kayo dito ha" binigay samin ni Sab ang tig isang kopya para makabisa namin. Hindi ko na to kailangan dahil kabisado ko na yun.

Nagsimula na kaming magpractice at kitang kita ko sa mukha nila ang pag aalala nila sakin. Tss, bakit ba ganyan mga itsura nila? Nakakairita.

~*~

Andito na kami sa bar na tutugtugan namin at masasabi kong maganda ang bar nato.

"Brian's Place" basa ko sa pangalan ng bar nato. Halos lahat ng bar napuntahan ko na, except dito. bago ba to?

"Tara na Sab naghihintay yung may ari" tumango lang ako kay Sab at nagsimulang maglakad papasok.

"Hi goodevening.. i'm Brian, the owner of this bar, thank you nga pala sa pagtanggap ng imbitasyon ko" sabi ng isang lalaki sa harap namin at ngiting ngiti hanggang sa magtapat ang paningin namin.

"So, you must be George, right?" Napataas ang kilay ko sa kanya. I don't know him, pero sa bagay sino ba naman ang hindi makakakilala sakin, I'm a queen.

"Yeah" tipid kong sagot.

"Nice meeting you George" inilahad nya sakin ang kamay nya habang titig na titig sakin at nakangiti. Tinanggap ko yun at napangisi sya. Ewan ko pero may kakaiba sa ngiti nya.

"Tara na George, magsisimula na kayong tumugtog" napalingon ako kay Sab kaya sumunod nako. Inaayos na nung tatlo yung stage na pagtutugtugan namin pati na ang mga instrumentong gagamitin.

She's the Queen (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon