Chapter 22

95 0 0
                                    

"Here" abot nya sakin ng plato na punong puno ng pagkain kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi ko kayang ubusin yan"

"Ok lang basta kumain ka, gusto mo bang salo na tayo dyan?" Nakangiti nitong sabi sabay kindat.

"Tss ako nalang" sabi ko kaya tumawa sya. Kumuha din sya ng pagkain nya at tumabi sakin, yung iba ay busy din sa pagkain. 7pm na kasi kaya andito kaming lahat at kumakain. Pagkatapos naming kumain ay magbobon fire daw kami at mag iinuman.

"Bakit di pa kayo nagsuswimming?" Tanong samin ni Tristan.

"Later Tris para hindi mangitim" sabi ni Sab sabay kindat kaya nagkibit balikat lang sila.

"Tara tara, kantahan na tayo" kinuha na nila yung mga gitara nila at mga kakailanganin sa bon fire bago kami pumunta dun.

Naglakad na kami papunta na kami papunta sa dagat, madilim na at nasa bandang likod ako. Napasinghap ako ng may humawak ng kamay ko, napalingon ako sa taong yun. Si Tyron na nakangiti pero sa unahan sya nakatingin. Hindi ko mapigilan yung puso ko sa pagkabog ng mabilis, hindi ko inalis yung kamay nya hanggang sa makarating kami sa tabing dagat.

"Ehem... ehem.. kinikilig ako" rinig kong sabi ni Sab at lahat sila ay nakatingin samin kaya binitawan ko ng mabilis ang kamay nya at nahihiyang umupo. Shit! Nakakahiya.

Umupo na kami ng pabilog at tumabi sya sakin. Pinaapoy na din nila yung mga kahoy at inilabas yung mga alak.

"Hindi mo dala gitara mo George?" Tanong sakin ni Patrick kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Dala ko kaso iniwan ko sa kwarto" sabi ko pero hindi na sya sumagot.

Si Dan at Tristan ang maggigitara at si Pat naman sa beat box habang si Sab ang nakatoka sa alak. Tinignan ko silang lahat, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko, sana hindi nato matapos. Masaya akong kasama silang lahat.

"Masaya ka ba?" Napatingin ako kay Tyron. Nakatingin ito sa kanila, lumingon sya skain ng hindi ako sumagot.

"Oo naman.. masaya ako kahit hindi halata" sabi ko sabay tingin sa harapan. Pinat nya ang ulo ko at alam kong nakangiti sya.

"Laro tayo ha... kami ang tutugtog at unang kakanta ng firt stanza pero itutuloy nyo yun hanggang sa matapos ito at kung kanino matapos ang chorus ng kanta ay sya ang iinom ng 2shots. Ano game?" Nakangiting tanong ni Dan at lahat sila ay sumang ayon at excited na. Si Tris ang tumugtog at si Dan ang unang kumanta.

"Nang magtagpo ang landas natin"

"Kay tagal nating di nagkita"

"Binibining kay ganda, kumusta ka?"

"Wala ka pa ring pinagbago"

"Kinikilig pa rin 'pag tinititigan mo"

"Sa kilos mong mapang akit"

"Mga balahibo ko'y tumitindig"

"Kung dati'y di ko nagawa ang magtapat"

"Ngayon handa na kong gawin ang nararapat"

"Di ko na palalampasin ang pagkakataon"

"Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon"

"Di ko na palalampasin ang pagkakataon"

"Upang sabihin na mahal na mahal kita" napatingin silang lahat sakin ng matapos ang kanta. Oo sakin natapos at bilang consequence ay kailangan kong inumin yung 2shots ng Black Label.

Ipinagpatuloy nila yung kanta hanggang sa maka sampong kanta kami at sa sampong yun ay naka 4shots ako at ganun din si Tyron. Nang matapos ang larong yun ay nagpatuloy pa rin sa pag iinuman at kwentuhan hanggang sa malasing kaming lahat.

She's the Queen (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon