Chapter 29

114 0 0
                                    

"What happened Georgina?" galit na tanong ni sakin ni Dad habang nakatitig sakin ng matalim pero wala akong makuhang isasagot sa kanya. Natatakot ako sa pwede nyang gawin.

Nandito kami sa sala nila at nakabalot ako ng towel, nandito din yung asawa nya at katabi ko.

"Ricardo hindi ba pwedeng bukas nalang yan? Pagpahingahin mo muna si George dahil basang basa sya" ani Tita kaya napatingin ako kay Dad. Nakatingin sya ng masama sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang titig nya dahil natatakot ako sa kanya, iba sya kapag nagagalit sya, hindi mo gugustuhing makita kaya siguro ganun nalang ang takot ni Vince at hindi na nagpakita.

"Fine, magpahinga ka na pero hindi pa tayo tapos Georgina. Kailangan nating mag usap bukas" matigas na sabi ni Dad kaya tumango nalang ako. Umakyat na sya at iniwan kami ni Tita dito. Alam kong galit talaga sya, ayaw nya akong nakikitang ganito kaya hindi ko sya masisisi.

"George pasensya ka na sa Dad mo, he's just worried" sabi ni Tita sabay hagod sa likod ko. Nginitian ko sya ng tipid.

"I know tita" tumango sya sa sinabi ko at tumayo na.

"Ihatid na kita sa kwarto mo" sabi nya kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya.

"Alam ng Dad mo na babalik ka dito kaya hindi nya pinabayaan ang kwarto mo" sabi nya sakin pagbukas ng kwarto ko. Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto, hindi pa rin sya nagbabago... kung ano yung itsura nya nung iwan ko ito ay ganun pa rin hanggang ngayon. Nilingon ko si Tita na nasa pinto.

"I'm okay now, thanks po" sabi ko kaya ngumiti sya sakin at nagpaalam na saka umalis. Pagkasara ko ng pinto ay naupo ako sa kama ko at natulala. Gusto kong makalimutan yung mga nangyari kanina pero nakabaon na ata yun sa dibdib at isip ko. Namumuo na naman ang luha ko kaya pinaypayan ko ang mata ko. Napabuntong hininga ako at saka pumuntang banyo para maligo.

Nakayuko ako habang nakasahod ang ulo sa may shower. Yung luha ko parang may sariling buhay dahil kusa itong tumutulo kaya hindi ko na napigilan at napahagulhol nako at napaupo sa may sahig.

Tinakpan ko ang hibig ko para mapigilan ang paghagulhol ko pero hindi ito umepekto, umaalingawngaw sa buong banyo ang iyak ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak, kahit ngayong gabi lang at sana bukas wala na to.

Ng mahimasmasan ako ay mabilis akong naligo para makahiga na. Nakabath robe nalang ako at nakaupo sa harap ng salamin. Tinitigan ko ang mukha ko, sobrang namumugto ang mga mata ko at sobrang pula ng ilong ko. Kinuha ko yung suklay ko at nagsimulang suklayin ang buhok ko at iblower ito. Nahiga nako pagkatapos nun, nakatulala ako sa kisame ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun at nakita ko ang maraming text galing kila Sabrina at sa tatlong lalaki pati na rin kay Bryan. Binasa ko lahat yun at sobrang nag aalala sila pero wala akong nireplyan, may nakita rin akong mga text ni Tyron.

Tyron: George where are you? Please let me explain.

Tyron: Nasan ka? Nag aalala nako George, please talk to me... please.

Tyron: I'm sorry, kung ano man yung nakita mo kanina wala lang yun, Patricia kissed me and I did not respond.

Tyron: George? I beg you... please tell me where you are. I'm fucking worried, George? Where the hell are you?

Tyron: Where are you? :'( please magpakita ka sakin, I'll explain everything. Mahal kita George, mahal kita alam mo yan, hindi ko magagawa yun.

Tyron: hindi ako titigil hanapin ka. Kahit magtago ka at iwasan ako hindi ako titigil George because I love you so much.

She's the Queen (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon