Entry #10 - LAMAY

197 10 27
                                    

Naglalakad ako pauwe habang sinisipa-sipa ang maliit na batong naligaw sa patag na daan ng baryo Cataning.Ngunit bago makarating sa aking destinasyon, ay sadyang pinahinto ako ng pagkakataon.

"halimaw"

Isang tinig ng lalaki ang aking narinig. Malamang na ang boses na iyon ay nanggagaling sa lugar na sa ngayo'y natatakpan ng isang malapad na pader na aking pinagtataguan.

"pareho tayo"

Isang tinig naman ng babae ang sumagot. Nais kong alamin kung sino sila, subalit , sa hindi malamang dahilan ay labis akong nadadaig ng pagkabahalang mahuli.

"gusto kita. Magkita uli tayo" pagtatapat ng babae.

"osige. Pero, may isa akong kondisyon. Tutal, umamin kang magkapareho tayo, hindi ba't kailangan kong makita kung tama ka?" sagot ng lalaki

"paano ko mapapatunayang tama ako?"

"simple lang, magkita tayo kung saan tayo unang nagkita. Alam mo ang ibig kong sabihin, hahaha"

Pagkatapos sumagot ng lalaki ay humalakhak ito ng malakas, isang halakhak na hindi dulot ng kaligayahan o pagbubunyi.

Pagkalipas ng ilang minutong pagtatago ay napansin ko ang katahimikan sa paligid. At nang makaipon ako ng lakas ng loob upang sulyapan ang lugar kung saan kong hinihinalang naroroon ang dalawa, ay marahan akong sumilip mula sa pader na aking pinagtataguan. Ang una kong naaninag ay ang poste malapit sa akin,ang puno ng mangga at ang pulang kotse na nakaparada malapit sa...

"Alice? Anong tinitignan mo?"

"waaaaahhhhhhhh!"

May biglang sumulpot sa aking likuran na naging dahilan upang mapaupo ako sa malamig na semento dahil sa gulat.

"hahahahaha! Alice, mukha ba akong multo para magulat ka ng ganyan?"

Si teacher Jinmu?!

"Te...Teacher? kayo pala!" utal utal kong pagkilala kay Ser.

Si teacher Jinmu ang kasalukuyan kong guro sa kolehiyo. Gwapo sya at kinababaliwan ng mga kababaihan sa buong Campus.

"Oo ako nga. Okay ka lang?"

"o...okay lang po ako" sagot ko sabay tumayo, "Teka,bakit po kayo napadpad sa lugar namin?"

Ang alam ko kasi, malayo dito ang bahay ni Ser.

"ahmm, nagcelebrate lang ako"

"ng?"

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang sya sa akin .

"ikaw, pauwe ka na?" pag-iiba nya ng usapan

"opo. Pero makikipaglamay muna po ako. Namatay po kasi yung kapitbahay ko.Nakakalungkot nga po kasi mabait yun. " Malungkot kong saad.

"hindi maganda to" kakaibang tugon ni Ser Jinmu mula sa sinabi ko.

Walang kalungkutan, kasiyahan , kabiguan o anumang damdamin ang bumabalot sa reaksyon ng kanyang mukha. Kung ganun, ano itong emosyon na pinipilit kong alamin mula sa kanya?

"ahmm, mauna na ako Alice. Bye"

Kagisa gisa ay bigla nalang syang naglakad palayo mula sa akin.

Wala akong naintindihan sa pag-uusap namin. Pero, minabute kong isantabi nalang muna ang mga kung ano anong bagay na nagpapagulo ngayon sa aking isipan. Ang dapat ko munang alalahanin sa mga panahong ito ay ang pakikiramay sa tatlong anak ni Ate Dina na sila, Suzie, Hermie at Joana, na ulila na sa ama at ngayon naman ay sa ina.

One Shot Kontest (Mystery/Thriller) OPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon