Entry #18- TUWING DISYEMBRE

162 10 6
                                    

M.I.G.U.M.I

Tuwing Disyembre mula noong nasa sekondarya pa lang kami, palagi ng nawawala si Julio--ang aking nobyo. Hindi naman yung literal na nawawala, pero sa tuwing sasapit kasi ang a-uno ng naturang buwan...umaalis sya. Kung hindi man may seminar na dadaluhan ay may pag-aaral namang gagawin sa ibang bansa. Isang manggagamot ang aking nobyo. Mahusay na Sikologo (Psychologist) si Julio bagaman hindi ko lubos maunawaan kung bakit iyon ang propesyong kinuha nya. Ang sabi nya lang noon, may isang tao syang gustong gamutin kaya gustong-gusto nyang maging pinaka-mahusay sa larangang iyon.

Ako naman ay nagta-trabaho sa isang malaking kumpanya at isa ako sa mga kilalang fashion designer sa panahong ito. Walang halong biro o pagyayabang yun.

"Magandang umaga Migumi," nakangiting bati ng isang modelong nakasalubong ko. Tumango lang ako at diretsong naglakad papunta sa opisina ko.

Marami akong aayusing disenyo sa isang damit pangkasal na ginagawa ko. Masyadong maarte yung babaeng ikakasal. Tskk.

"Migumi!"

Lumingon ako sa tumatawag. Hayyy, kelan ba susuko ang isang 'to sa panliligaw? Alam nyang may nobyo na ako pero walang kasawa-sawa sa panliligaw nya.

"Ano na namang kailangan mo Arnold?" walang gana kong tanong sa kanya at binuksan ang may kalakihan kong opisina. Sumunod sya sa loob at inilapag sa narra kong lamesa ang malaking regalo.

"Pasko na bukas pero wala pa ang nobyo mo, gusto mo bang tayo na lang muna ang lumabas? Para naman hindi ka maburyong," aniya sabay ngisi.

Pumikit ako ng mariin para pigilan ang inis na unti-unting bumabangon sa loob ko.

"Lumabas ka na Arnold. Wala akong planong lumabas bukas," asar kong turan.

"Grabe ka. Ganyan ka ba talaga Migumi? Malamig ka pa sa yelo. Tsk. Hindi kaya yan ang dahilan kaya ka iniiwanan ng nobyo mo tuwing Disyembre?" pang-iinsulto nya.

Asar na ibinato ko sa kanya ang ballpen na hawak-hawak ko. Gustong-gusto ko ng kuyumusin ang mukha nya at burahin ang bibig nya. Kaasar! Kasalanan ko bang hindi ako kagaya ng ibang babae na masyadong pabebe? Ito ako e!

"Haha, nasampulan ka na naman ba ng isa sa manliligaw mo?"

Hindi ko na nilingon kung sino ang nagsalita. Si Ara yun, ang co-designer ko na kasama ko din dito sa opisina.

"Ang sarap nyang itapon sa bangin"

"Woooh! Nakakatakot ka babae! haha," natatawang naiiling na sabi nya at sinimulan na namin ang pagtatrabaho para sa araw na yun.

Nang gabing yun pag-uwi ko sa bahay, tinawagan ko si Julio pero hindi ko sya ma-kontak kaya minabuti ko na lang ang matulog ng maaga dahil kahit Pasko pa bukas, mas gugustuhin ko ang pumasok sa trabaho kesa magmukmok dito sa loob ng bahay.

J.U.L.I.O

Huminga ako ng malalim at binantayang mabuti ang bahay ng nobya ko. Tuwing Disyembre nangyayari talaga ang isang bagay sa buhay nya na hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyayari. At hindi nakakabuti kapag nasa tabi nya ako kaya mas minamabuti ko ang umalis. Hindi para magtago kundi para mas mabantayan ko sya. Noong nakaraang Pasko, tatlo ang namatay, lahat ng mga iyon ay manliligaw ng nobya ko. At ang salarin sa bahay mismo ng nobya ko nanggagaling. Hindi ko alam kung ano ng motibo nya, hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako dahil pakiramdam ko...pino-protektahan nya lang naman ang nobya ko.

Saktong alas-dose ng gabi, may isang nilalang na lumabas mula sa bahay ni Migumi. Maikli ang buhok na hindi kagaya ng kay Migumi na umabot na sa bewang. Maliksing kumilos at nakasuot ng pagkaiksi-iksing bestida. Pumara sya ng taxi at palihim akong sumunod. Huminto sya sa isang lugar at nanghintay sya doon ng ilang minuto bago dumating ang isang sasakyan. Bumaba doon ang ka-opisina ni Migumi na si Ara at si Arnold. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila at huminto sa mismong tapat nila. Binuksan ko ng kaunti ang bintana ng sasakyan para marinig ang pinag-uusapan ng mga nasa labas.

One Shot Kontest (Mystery/Thriller) OPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon