Music & Lyrics(JaiLene)

6.8K 26 5
                                    

Hello everyone! First JaiLene story ko po ito :) Sana magustuhan niyo!

------------------------------------------------------------------------------------------

JAI'S POV

Ito ang  Felipe Leandro Ynzon University- malaki, malinis, at kilala sa buong Pinas!

Bagong transferee ako dito noong nagsimula ang school year. 

Sino ako? Jairus Reuel B. Aquino nga pala! Ako yung tinuturing na newbie sa paaralan namin.

Sa US kasi ako ipinanganak at lumaki, at umuwi kami dito sa Pilipinas.Si papa kasi, isang kilalang doktor doon sa US at gusto niyang makatulong sa mga kababayan naming naghihirap at nagkakasakit dito. Si mama naman, isang local fashion designer sa Maynila kaya noong nasa US pa kami, binibisita lang siya namin dito tuwing bakasyon.

Ako naman, isang 3rd year student na sa FLY U. Astig ng pangalan ng school ko no?

Kakadismiss lang sa amin ngayon. Andito ako sa lobby, inaantay ang sundo.

"OH MY GOSH!" biglang may sumigaw. Alam ko na yan. Si Sharlene na naman yan.

SHAR'S POV

"TINGNAN MO ANG GINAWA MO SA SHOES KO! DESIGNER KAYA 'TO!" Napasigaw ako. Eh ano ba naman kasi, some idiot accidentally stepped on my new Christian Louboutin boots. This is sooo not my day!

"Sorry talaga miss! Hindi ko talaga sinasadya!" sabi naman ng lalake.

"Ugh, whatever! Apology accepted na nga lang!" Taray ko, I know, but hey, hindi naman araw- araw na may nakakadumi sa designer shoes ko.

I quickly turned away from the guy and left, flipping my oh so gorgeous hair as I did so.

I'm Sharlene Mae S. San Pedro nga pala! Isa sa mga popular kids dito sa school.

Don't get me wrong, hindi naman ako always mataray at mean sa mga tao, pag galit lang talaga ako. Plus, I have an image to protect. No one gets in my way and just walks off. Hindi ako nagpapatalo kahit kanino!

Anyway, kung familiar ang pangalan ko sa inyo, dahil yan sa super malaking business ng parents ko. Meron kaming mga malls all over the country at kilalang- kilala kami dahil doon.

Nakita ko yung newbie, si Jairus, na nakatingin sa akin. Bakit ba kasi he always sees me when I'm being masungit? Siguro, he thinks na ang suplada kong babae. I'm mabait naman eh! Kahit hindi part ng populars, kakaibiganin ko naman. Yun nga lang, as I said, if may kasalanan ka sa akin, ako ang pinakamasungit at mataray na tao na makikilala mo.

Nag smile na lang ako sa kanya, at ngumiti din naman siya sa akin. See? I told you I'm nice!

My sundo is finally here na! Thank the heavens! I have to prepare for the party mamaya sa bahay and that could take forever!

JAI'S POV

Ayun na, umalis na siya. Ngumiti pa siya sa akin oh. Maganda nga sana siya, kaya lang parang ang sungit talaga niya.

Aaminin ko, parang mabait naman siya minsan. Ewan ko nga ba bakit ganyan siya eh. Hindi pa ako sigurado kung gusto ko siyang lalo pang makilala o hindi. Ah basta! Bahala na!

Ayun na pala si manong Pepe oh. Makasakay na nga! May pupuntahan pa daw kaming dinner mamaya eh. Kailangan ko daw mag- ayos sabi ng parents ko.

--------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na ang chapter 1! Ano ba impression inyo so far guys? :)

Music & Lyrics(JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon