Epilogue

534 20 7
                                    

Limang taon ang nakalipas at nanatiling matatag ang pag- iibigan nina Jairus at Sharlene. Syempre dumaan din sila sa mga pagsubok sa paglipas ng panahon pero nalagpasan naman nila ito.

Pagkatapos nila ng high school, nagkahiwalay ang kanilang barkada at nagsipunta sa magkaibang kolehiyo upang tuparin ang mga pangarap nila.

Pinili ni Mika na mag- aral ng Fashion Design sa MAPUA at unti- unti nang nakikilala sa industriya ang mga gawa niya. Eh paano ba hindi makikilala kung ang unang pagkakataon na idebut ang gawa niya ay walang iba kundi ang Star Magic Ball! Sino ang sumuot? Si Julia Montes at Kathryn Bernardo lang naman. Simula noon, siya na ang parating nilalapitan ng dalawa para magpagawa ng damit, at lumaki ang clientelle niya dahil sa ganda ng mga ito at sa impluwensya ng dalawang babaeng iyon.

Si Sophia naman ay napunta sa International School for Culinary Arts and Hotel Management upang maisakatuparan ang matagal na niyang nais na maging isang chef. Ngayon ay isa na siyang intern sa kusina ng walang iba kundi ang Manila Hotel. Nagpaplano na siyang magsimula ng sarili niyang restaurant pagkatapos niya ng pag- aaral.

At sino ba naman ang mag- iinvest sa restaurant niya kundi ang bebe labs niyang si Kobi? Matagal na palang may gusto sa isa't- isa at sa wakas, sinagot na ni Sophia si Kobi pagtapak nila ng second year sa college. Si Kobi ay karaniwang tumatapos ng major niya sa Business Management sa Ateneo de Manila University. Mayroon na siyang maliliit na investments here and there, at nag- iipon siya ng pera para magsilbing capital ng restaurant ni Sophia. Wala eh, supportive boyfriend eh.

Si Andre? Ayun, pumunta sa States para mag- aral sa *drum roll please* HARVARD LAW SCHOOL! Hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakauwi ng Pinas, pero araw- araw silang nag- uusap sa FaceTime ng mga kaibigan niya. Siya lang talaga ang nag- abroad sa kanilang anim kaya tinutukso siya nilang parating absent sa mga gimik ng barkada.

Itong si Jairus, este soon-to-be Doctor Jairus pala, ay nag- aaral ng Nursing at dadagdagan  pa ng kurso sa Medisina dahil gusto niyang maging heart surgeon. Noong tinanong siya ng one and only niya kung bakit sa lahat ng bagay ganun talaga ang pinili niya, sagot niya naman ay "Para kapag sumakit yang puso mo, ako lang ang kakailanganin mo para gumaling ka" Ayeeee! Ang sweet naman! <3 May mga bagay talaga na hindi nag- iiba, ano?

Last but not the least, si Sharlene. Architecture naman ang pinili niya para sa kolehiyo at graduating na siya mula sa MAPUA. Oo, magkasama forever sila ni Mika. Roomies pa nga sila eh! May mga plano na din siyang magsimula ng sariling design firm sa Maynila. Syempre naman, handang- handa na ang lahat ng kailangan niya para dito, care of her father dearest. Sinusuportahan ang gusto ng anak niya eh!

--------------------------------------------------------

Isang araw ay nagkita- kita ang limang magkakaibigan sa isang cafe.

"Oh Mika! Nagpakulot ka pala ng buhok?" Sabi ni Kobi pagkapasok ng magandang designer.

"Oo! For a change lang naman eh. You know what they say diba? New hair, new life!"

"New life daw. Eh ganyan ka pa rin naman eh! Parati mo pa din akong inaaway!" Sagot naman ni Jairus sa kanya.

"Hoy ikaw, Mr. Aquino, tantanan mo nga yang kaibigan ko. Sus naman. Ang bait kaya ni Mika sayo!" Sabi ni Sharlene, sabay pinch ng ilong ng katabi niya. Tumawa lang si Jai at inakbayan ang girlfriend niya, pero tumahimik na siya pagkatapos nun.

Music & Lyrics(JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon