Chapter 21

553 14 6
                                    

Walang kamalay- malay ang dalawa na may nakabantay pala sa kanila mula sa isang sulok ng kinakainan nila. Isang lalakeng, kagabi lang, ay nabigo sa pag- akit ng babaeng akala niya ay nahulog na para sa kanya.

Nilapitan niya ang dalawa, na nagulat naman sa biglang pagpapakita ng lalake.

"Sharlene, pwede ba tayong mag- usap? Na tayong dalawa lang?" Tanong ni Nash sa magandang dalaga, na halatang galit sa kanya.

"Wala na tayong pag- uusapan pa. You forced yourself upon me. I don't want anything to do with you anymore. Bestfriend nga kita, pero masakit pa din ang ginawa mo sa akin. So please, umalis ka na." Sagot niya naman.

"Teka lang Shar! Magpapaliwanag lang ako! Kahit saglit lang talaga! Please naman oh!"

"Pare" simula ni Jai sabay tayo "Kung ako sa'yo, lumayo ka na muna sa kanya. Kahit pansamantala lang naman. Please naman pre. Bigyan mo siya ng pagkakataon para makaisip."

"Tapos ano? Habang wala ako, ikaw naman ang lalapit sa kanya? Ikaw naman ang eeksena at hahanap ng paraan para mahulog siya sa'yo? Hindi ako gago Jairus! Alam ko ang plano mo!" Sigaw ni Nash.

Sa pagkakataong iyon, marami- rami na ang mga taong nakatingin sa tatlo. Agad namang tumayo si Sharlene at niyaya ang dalawa na lumabas. Iniwan niya na lang ang bayad nila sa mesa.

"Ano ba naman kayo? Ang daming tao tapos mag- aaway kayo? Nakakahiya naman kayo oh!" Galit na sabi niya sa dalawang binata.

"Hayaan mo na nga! Tapos na yun eh! Nangyari na! Kaya tama na!" Sagot ni Nash na naiirita na.

"Hoy Nash, huwag kang makasalita ng ganyan sa kay Sharlene! Respetuhin mo naman ang babae ko!"

"Ano na naman ba ang pakialam mo sa amin, Aquino? Sawsaw ka lang naman dito eh! Umalis ka nga! Tumakbo ka doon sa mommy at daddy mo at magpaka baby boy ka dun!" Sigaw ni Nash sa kanya.

"May pakialam ako, dahil gusto ko siya okay? GUSTO KO SI SHARLENE. Kaya huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang babaeng ito. Bastusin mo pa sige, pero masasapak kita. Ospital ang abot mo sa akin Aguas"

Namumula si Sharlene, at hindi makaimik. May gusto sa akin si Jairus? Isip niya sa sarili.

"Eh tarantado ka pala eh! Ako ang nauna sa kanya ano!"

"Hindi naman ito karera ng kabayo Nash eh. Hindi ito paunahan!"

"Ako ang may- ari ng puso niya Jai! Ipasok mo yan sa kokote mo!"

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Sigaw ni Sharlene at agad namang tumahimik ang magkaaway. "Nash, I'm not yours. I don't want you. Just, go. I don't want to see you anymore. After last night, I just can't seem to look at you the same way ever again."

"Totoo ba yan Shar? Wala na ba talagang pag- asa ang pagkakaibigan natin?" Parang papatak na ang mga luha ni Nash dahil sa sinabi ni Sharlene.

"I'm sorry Nash. Goodbye. Forever." Unti- unting napaiyak si Sharlene at niyakap si Nash sa huling panahon. Hinalikan niya ang matalik na kaibigan sa pisngi, at hinalikan naman ni Nash ang noo ni Sharlene.

"Goodbye Shar. I'll miss you so much. I'll always love you, remember that." Binulong ni Nash sa tenga ng babaeng mahal niya, bago siya umalis.

Hindi umiyak si Nash sa harap ni Sharlene, ngunit pag- abot niya sa bahay niya, bumuhos ang lahat ng sakit at lungkot na naramdaman niya. Dahil sa isang katangahang nagawa niya, nawala ang babaeng mahal na mahal niya.

--------------------------------------------------

Si Sharlene naman, agad na tumakbo sa yakap ni Jai at umiyak lang ng umiyak. Oo, masakit din ang nangyari para sa kanya. Best friend niya yun eh. Pero alam ni Sharlene na hanggang doon na lang dapat ang lahat. Ayaw niyang masira pa ang pagtingin niya sa kay Nash.

"Tama na yan, baby ko. Huwag ka nang umiyak oh" Sabi ni Jai sa kanya.

"Wala na siya Jai. Wala na talaga si Nash." Mahinang sagot niya.

"Ssshhh Shar, tahan na." Pinatingin niya si Sharlene sa mga mata niya at nakita niya ang iba't ibang emosyon na nararamdaman ng babae.

"Andito pa ako. Hindi ako nagbibiro nung sinabi ko na may gusto ako sa'yo. Hinding hindi kita iiwan Shar. Kung hahayaan mo lang ako, ipapakita ko na mahal talaga kita. Hindi kita sasaktan, hindi kita babastusin. Hindi mo alam kung gaano ka grabe ang pagseselos ko nung magkasama kayo ni Nash. Masakit yun sa akin Shar. Kaya please, give me a chance. I love you Sharlene. Will you be mine?"

He took the chance. He slowly leaned in, allowing her time to pull away if she wanted, and kissed her. Hinalikan niya yung labi ng dalaga, and she immediately responded. Saglit lang ang kanilang halik, pero kay tamis naman nito.

"I love you more Jai. Thank you so much for everything. You gave me strength, you made me a better person, and you have always been there for me. Thank you Jairus. You mean so much to me and I'm thankful that you love me as much as I love you. Of course I will Jai. I'm honored to be your girlfriend."

At kahit na ang sakit ng dinaanan nilang dalawa, matatag pa rin ang samahan nila. Sa huli, sila pa rin ang nagkatuluyan. Hand in hand, the two returned to their hotel, ready to face the world as brand new people- as two different people that belonged to each other.

--------------------------------------

AND IT HAS ENDED. THE END. ANG SAKIT NO? TELL ME KUNG GUSTO NIYO NG EPILOGUE! GO GO GO GUYS! TELL ME!

Music & Lyrics(JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon