#2: Wake Up Time + Chen's Feelings

255 13 6
                                    

#2: Wake Up Time + Chen's Feelings

4:30 ng umaga nang ako’y nagising. Pumunta na agad ako ng kusina para magluto. Laking gulat ko na lang na nandoon na si Kyungsoo oppa na nagluluto. Pero nasabi ko na lang sa isip ko na, baka nakasanayan na nya ang pagluluto ng mga ganitong oras habang wala pa silang nahahanap na katulong sa bahay.

Lumapit ako sa nakatalikod na Kyungsoo oppa na nagluluto habang inaamoy amoy ko yung luto nya..

Amoy Bacon hahaha.

“Oppa!” sabi ko ng makalapit ako sa kanya

“Oh? Suzy gising ka na pala.” Sabi ni Kyungsoo oppa at napaharap siya sa akin habang hawak hawak ang sandok na ginagamit nya pang prito.

He is wearing a fruity apron. How cute.. :””>

“Hehehe, ako na po magluluto dyan, Pahinga na lang po kayo.” Aya ko sa kanya

“Hindi ako na, gisingin mo na lang muna sila ng makapaghanda na sila sa pagpunta ng eskwelahan.” 

“Hm. Sige po. Gisingin ko na po sila.” Sabi ko at nagsimula na maglakad papuntang second floor kung saan ang buong second floor ay kanilang kwarto lamang. Grabe!

Una akong pumasok sa kwartong may nakalagay na “SuLay” sa tapat ng pinto.

At dahil alam kong tulog pa sila ay binuksan ko na iyon at pumasok.

Pagkapasok ko ay bumungad na agad sa akin ang magkatalikod sina Suho oppa at Lay oppa.

Mukhang may away itong dalawang ito. Hahaha.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila, nang makapalapit ay umupo ako sa edge ng kama nila at tinapik tapik silang dalawa sabay sabing, “Oppa Suho, Oppa Lay!! Gising na!! May pasok pa po kayo..” sabi ko

Ilang ulit ko ding inulit ang pagtapik sa kanila hanggang sa nagising na ang dalawa, umalis na ako sa pagkakaupo, papungas-pungas pa si Suho oppa habang inaayos ang pinaghigaan nila ni Lay Oppa habang si Lay oppa naman ay dumiretso ng C.R. pero makaraan ng ilang sandali ay bumalik at kinuha ang kanyang towel. xD

Lumabas na ako sa kwarto nila Oppa Suho at sumunod na pumasok sa kwarto ng “BaekYeol”

Sa pagpasok ko ay nadatnan ko ang dalawang magkayakap, ang cute nila tignan, ang sarap picturan. Kaso wala naman akong camera o ni cellphone ay wala.

Lumapit na din ako sa dalawang himbing sa pagtulog at umupo din sa edge ng kanilang kama.

Pero pagkaupo ko pa lang ay nagising na ang dalawa…

Wow! Ang galing. Hahahaha.

Nag-stretch pa yung dalawa bago tuluyang tumayo sa kanilang higaan, ako naman ay lumabas na, wala ata akong 5 mins sa kwarto ng Baek oppa at Yeol oppa… xD

Next kong pinuntahan ay ang “TaoRis”, pagkapasok ko ay nadatnan ko si Kris oppa na nagbabasa ng isang magazine sa kanyang kama habang naka-dequatro. Si Tao naman ay wala na sa kanyang higaan.

“Why didn’t you knock first before entering our room? Hindi k aba tinuruan sa inyo?” pagtataray ni Kris oppa sa akin at nilapag yung magazine na binabasa nya sa tabi nya

“Sorry po, Akala ko po kasi natutulog pa po kayo eh kaya pumasok na po ako.  Hindi ko naman po alam na gising nap o pala kayo.” Sabi ko at nakayukong nakatayo sa pintuan.

“Next time before you enter to this room, you knock first! Paano kung may makita ka na hindi pwedeng makita?” sabi pa nito

Pagkasabi nya nun ay lumabas si Tao oppa mula sa C.R. na basing basa and heis  just wearing his towel on his waist. Meaning TOPLESS na lumabas si Tao oppa sa CR!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Babysitting My 12 OppasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon