Chapter 6

2.6K 73 0
                                    

[SAME DAY. 7 PM]


[GRAY'S RACE]


Zeus' POV


Napatingin ako sa anak ko habang nag aayos siya ng damit niya at ngumiti. It's his nth race. God knows how many race he did and won first place in all of it. I'm a proud Dad for having Gray as my first son. Sobrang gwapo niya, talented, matalino, athletic at adventuruous. Wala na akong mahihiling pa.


"Dad kinakabahan ako para kay Kuya..." sabe ni Cameron kaya inakbayan ko siya.


Halo namen siya ni Michelle dahil nakuha niya saken lahat bukod sa buhok, mata at bibig na nakuha niya kay Michelle. Mukha siyang mabait na lalaki na hindi makakagawa ng masama at kabaliktaran siya ni Gray dahil bad boy looking si Gray.


Kahit ganun proud pa rin naman ako kay Cameron kahit na magkaiba ang gusto namen. More into arts siya kagaya ng painting at writing novels. Namana niya yun kay Michelle. Marami na siyang draft ng stories na binabalak nameng ipakita sa mga publishing company pagkagraduate niya ng High school. Sa ngayon gusto ko muna siya maging isang ordinary na bata na walang iniisip. Although gusto ko maging malapit siya sa mga company namen, hinayaan ko nalang siya dahil alam kong doon siya masaya. I still have Gray.


"Dad.. kinakabahan ako!" sigaw niya ulit kaya natawa ako.


"Gray can make it" proud kong sabe habang tinitingnan si Gray na inaayos yung kotse niya.


"Last race niya muntik na tumaob yung kotse niya"


"Muntik ng tumaob yung kotse niya kaya siya nanalo. Nga pala Cameron" kinuha ko yung isang susi sa bulsa ko at inabot ko sa kanya "Binili ko na yung gusto mo pagtayuan ng gallery mo. Kausapin mo nalang yung pupunta sa bahay bukas para mapag usapan niyo yung details at masimulan na yung renovation"


Nanlaki ang mata niya at napahawak ng mahigpit sa susi "REALLY DAD?! OH MY GOD! DAD YOU'RE AMAZING!" sigaw niya at niyakap ako.


"You must practice really hard para naman hindi nalang puro events ni Gray ang pinupuntahan naten. Okay son?"


"I WILL DAD! I PROMISE!" sigaw niya at hindi mawala ang ngiti niya kaya masayang masaya ako para sa kanya.


"I'm proud of you son. Oh and one more thing!" sabe ko at kinuha ko yung calling card sa coat ko "Gusto ka kunin ng isang magazine para daw mag cover sa latest issue nila. The gay director really like you" pag bibiro ko.


Kinuha niya yun at umiling "I don't have interest in that Dad." sabe niya kaya pareho nalang kameng natawa.


"Ayoko din na lalabas ka sa mga TV para umarte at pahirapan ng mga Director. Alam mo Cameron na private ang buhay naten at ayoko na mabubuksan yun sa public" sabe ni Michelle at nilagay niya yung kamay niya sa braso ko. Bumili siya ng drinks kasama ni Bea at kababalik lang nila.


"I know Mom." sagot ni Cam.


"Hi Daddy!" sigaw ni Bea at hinawakan ang kamay ko kaya napangiti nalang ako sa kanya.


"Where's Venice? I haven't seen her" tanung ko kay Michelle.


"Busy siya para sa 16th birthday niya next week" sagot niya at pilit na ngumiti.


"It's the first time she missed Gray's race. Alam ba yan ni Gray?" tanung ko dahil palagi na nandito si Venice para manuod ng race ni Gray.


Sa lahat ng competition na sinasalihan ni Gray lageng siyang nandun kasama kame. Nagawa niya pa ngang malate sa birthday ni Harry (her Dad) dahil dun. Sigurado akong magtatampo si Gray dahil wala siya ngayon.


"He knew. He told me" sabe ni Michelle at natawa kaya natawa din ako.


"Sir...yung board meeting po naresched ngayon" bulong ni Greg sa gilid.


Naramdaman ko na humigpit ang hawak saken ni Bea "Daddy don't go" sabe niya at magkasalubong na yung kilay.


Tiningnan ko si Greg "I need to prioritize my kids. It's my son's big day. Sabihin mo kay Lorenz na siya muna ang humarap sa kanila"


"Yes sir." sabe niya at umalis.


"GO GRAAAAAAAAAY!!" sigaw ni Bea kaya napangiti kameng lahat sabay sigaw ng..


"GO GRAY JIMENEZ!"

His ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon