Chapter 18

2.2K 49 2
                                    

Gray's POV


Bumaba na kame sa Jimenez Corp at dire-diretso ako sa lobby habang hawak ang kamay ni Cara.


Naiinis ako dahil sa sobrang bilis ng pangyayare hindi ko namalayan na nagkagirlfriend na pala ako ng artista.


Tumigil ako at napatingin sa kanya. Inosente lang yung mukha niya at nakatakip yun ng uniform ko kaya napahinga ako ng malalim habang tinitingnan siya.


I like her so much kaya hindi ko siya bibitawan kahit anung mangyare.


Mabilis ko siyang niyakap at tinanggal ang uniform ko sa ulo niya. I don't why but I really like her. Unang kita ko palang sa kanya nung nakipag away siya kay Franz nagustuhan ko na siya. She's something and there's something I like about her. Maybe her face. I really love looking at her angelic face.


Mabilis kameng pinagtinginan ng mga tao maybe because ako si Gray Jimenez at kasama ko si Cara Arevallo ang sikat na Teen Star.


I know Mom would be so disappointed with my decision of having a relationship with a public personality but I can't lose her.


Napahiwalay ako sa yakap kay Cara ng makita ko si Ellen. Yung sexy, maganda at hot na secretary ni Daddy.


"Good morning Sir Gray. May meeting pa ang President..I mean your Dad so you can't talk to him right now"


Tumungo ako "Can I have my bike key?" tanung ko dahil alam kong may extra ako na motor dito sa garahe.


"Yes sir. Please follow me" sabe niya kaya ngumiti ako kay Cara at hinawakan ko ang kamay niya habang sinusundan namen si Ellen.


Nakarating kame sa garage at bumulantang saken at isa sa pinakamahal kong motor na Ducati. Pinangkakarera ko pero minsan lang.


Mabilis kong kinuha ang susi at umalis na si Ellen.


"Babe." tawag saken ni Cara nung sumakay ako sa motor.


Napatingin ako sa kanya.


"I can't ride a bike. My hair...ugh! I can't!" naiinis niyang sabe kaya bumaba ako ng motor at kinuha ko ang panyo ko.


Lumapit ako sa kanya at inipit yung panyo sa buhok niya kaso mabilis din niya yung inalis.


"Mataba ako pag nakaipit! Besides...I don't really like the feeling of riding that thing..Sorry Gray but I will take the cab instead"


Pilit akong ngumiti "Pero Cara kase.... si Ven naman sumasakay sa motor ko hindi naman gumugulo yung buhok niya. Konti lang siguro?" pagbibiro ko na hindi niya kinatuwa.


Nainis ang mukha niya lalo "I am not your BESTFRIEND. She can ride that but not me. I'm not like her" mataray niyang sabe.


Tumungo ako at mabilis na tinawag yung valet. Agad siyang lumapit saken "Ano po yun sir?"


"Can I have the key of this?" tanung ko at tinuro ko yung kotseng Toyota ni Dad.


"Yes sir" sabe niya at kumuha ng susi sa lalagyan at mabilis na inabot saken.


"Thanks" sabe ko at mabilis na hinagis sa kanya yung susi ng Ducati ko.


Dire-diretso akong pumunta ng kotse at nakasunod lang saken si Cara. Mabilis akong pumasok at hindi na siya pinagbuksan ng pinto kaso nagulat ako ng tumayo lang siya sa gilid ng kotse.


Huminga ako ng malalim at lumabas "Cara! Get inside!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin kaya lumapit ako sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto at mataray naman siyang sumakay.



Kumulo bigla yung dugo ko at mabilis na sinipa yung gilid ng kotse sa inis! Ano bang problema niya?!


Naiinis akong pumasok sa kotse at inistart yun "Kung may problema ka sabihin mo saken hindi yung ganyan ka" naiinis kong sabe habang nagmamaneho ako palabas ng parking lot.


"Gray. Wala akong problema bukod sa ayoko sumakay ng motor mo at ayaw ko pumasok sa kotse hanggang hindi mo binubuksan yung pinto!" sigaw niya kaya napaapak ako sa accelarator dahilan para bumilis ang takbo namen.


"Hindi ko naman alam na maarte ka pala" naiinis kong sabe. Kahit kelan hindi nagreklamo ang mga babae na nilabas ko sa pagsakay sa motor ko at hindi ko pagbubukas sa kanila ng pinto.


"Stop the car" naiinis niyang sabe pero hindi ko pa rin tinigil at diretso lang ang tingin ko.


"I SAID STOP THE CAR!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.


"Alam kong masama ang ugali mo, matigas ang ulo at low tempered pero kung hindi ka marunong mag adjust saken Gray. Siguro maghanap ka nalang ng bagong girlfriend! Yung makakatiis sayo!" sigaw niya kaya mabilis akong nag pull over.


Mabilis akong tumingin sa kanya at galit na inalis ang seatbelt niya "Labas!" sigaw ko kaya natawa siya ng mapait at hinawakan ang handle ng kotse palabas pero mabilis ko din yung hinawakan.


Huminga ako ng malalim at napapikit. 



I need to adjust..



Patience.





"Sorry...Can we just go in silence?" pakikiusap ko kaya ngumiti siya.


I can't lose her. Natatakot ako at hindi ko alam kung bakit.


"Yes. Kase kailangan ko isipin kung tama ba talaga na sinagot ko ang tulad mo!" naiinis niyang sabe kaya tumungo ako at inayos ang seatbelt niya.


Pinaandar ko na ulit yung kotse at tahimik lang kame ng bigla kong sabihin ang mga salitang ngayon ko lang nasabe.



"I can't lose you Cara...I can't. I will change. Magbabago ako para sayo wag mo lang ako iwan" sabe ko at tiningnan siya pero hindi niya ako pinansin kaya napatingin nalang ako sa harap.

His ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon