First of all I would like to thank the author who inspire me to write a story "Chaster Rassel".
Raypaul POV
Napansin ko this past few days parang di na masyadong pumuporma si Peter kay Kith well it's good for me pero paano ko kaya aaminin kay Kith na mahal ko siya? Baka kasi di na kami maging ganun ka close at baka isipin niya na nagti-take advantage sa pagiging close ko sa kanya.
Naalala ko pa kasi nung nag-uusap sila ni James.....
"Dati puppy love lang ang alam ko pero ngayon dumu-dogstyle na ako"
Sabi ni James"Yuck!!! Kadiri ka James" sabi ni Kith na halatang diring-diri. Pero tinatawanan lang siya ni James kasi halatang inosente si Kith sa ganung bagay.
Nung naalala ko yun natakot ako na baka kapag nalaman ni Kith ang past ko mandiri siya at layuan ako dahil alam kong ayaw niya makarinig ng kahit anong kababuyan.
Pero kailangan kong maging honest sa kanya pag handa na akong magtapat ng nararamdaman ko sasabihin ko na rin ang Past ko at sana walang magbago sa amin. Pero di ko pa rin maiwasan ang matakot.
Nabigla ako ng may humatak sa kamay ko si Peter pala at nagmamadali siyang hatakin ako papunta sa room na walang tao at ni-lock niya.
"Raypaul mahal mo ba talaga si Kith?" Seryosong tanong niya
"Oo naman! Mahal na mahal" mabilis kong sagot
"Anong kaya mong gawin para sa kanya?" Tanong ulit ni Peter
"kaya kong gawin ang lahat mapasaya lang siya at balak ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko kasabay ng pag-amin ko sa kanya ng past ko" pursigido kong sagot dahil seryoso ako kay Kith
"Well then, alagaan mo siya, good luck na lang sayo".wait lang totoo ba ang naririnig ko hahahah
"Are you giving up?" Natatawa kong tanong sa kanya
"Ang totoo ayoko pero alam kong kahit anong gawin ko kaibigan lang ako sa kanya, mas napapasaya mo siya kesa sakin at alam kong special ka sa kanya. Ayoko na ding makipagkumpitensiya sayo, kung hindi lang kasi tayo magka-ibigan di talaga ako susuko". Malungkot na sabi ni Peter at nakikita kong maiiyak na siya, pero alam kong mas mahal ko si Kith kesa sa nararamdaman niya
"Sorry pero kailangan kong ipaglaban siya, di ako tulad mo! dahil kahit kelan di ako susuko hanggang sa mapasakin siya". Pursigido kong pagkakasabi at wala na kong pakealam kung malungkot pa si Peter bakit? Eh sa yun ang nararamdaman ko eh mahal na mahal ko talaga si Kith.
"Kung ganun aminin mo na sa kanya ang nararamdaman mo at ipagtapat mo na sa kanya ang past mo". nakangiting sabi ni Peter
"Balak kong gawin yun pero baka kasi....". Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang siya sumabat
"Na baka mandiri siya sayo at di ka niya matanggap?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Peter
"Oh Come on! Raypaul close na kayo at mabait si Kith sure ako na matatanggap ka niya". Nakangiting pagkakasabi ni Peter na parang siguradong-sigurado.
Sana lang magdilang-anghel siya at sana di mandiri sa akin si Kith sana din walang magbago.
Pagkatapos namin mag-usap pinagplanuhan ko na sasabihin ko na lahat kay Kith mamayang uwian sa apartment ko at kasama ko ang mga kaibigan namin pati si Kagura para lumakas ang loob ko...Kith POV
Parang ang weird ng ambiance ngayon kasi tahimik ang mga kaibigan ko pati si Kagura at biglaan ang pagpunta namin sa apartment ni Raypaul, emergency daw kaya nag-absent ako sa cafe meron daw akong dapat malaman kaya kinakabahan ako sa mga kilos nila kasi mukhang seryoso to.
BINABASA MO ANG
You Light My Fire
Romance#46 in tragic Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo? Kakayanin mo ba lahat para lang mapasaya siya? Kaya mo ba siyang patawarin dahil mahal ka pa rin niya? Susuko ka ba o ipaglalaban siya kahit na oras ang matindi nyong kala...