Asaran 101

1 0 0
                                    

CHASE POV (Nash)

"Manang nasaan po si Chi?"

"Andun sa may pool."

"Thank you po manang."

Pumunta agad ako sa may pool area. Andun nga si Chi. Gulatin ko kaya. Bright idea!. Nyahahaha.

"Hoyyyyy!!!" *sigaw ko sabay hawak sa may balikat niya.

Ayun hulog sa pool. Mukhang basang sisiw.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ang epic ng pagmumukha mo Chi. HAHAHAHAHAHAHAHAHA."

"Tumigil ka na dyan sa kakatawa Chase tulungan mo na kong makaahon dito."

Inhale. Exhale. Chase relax tama na sa kakatawa at baka mamatay ka na sa masamang titig ni Chi. Inabot ko yung kamay ko sa kanya para tulungan siyang makaahon pero hinihila niya ko para siguro mahulog din ako sa pool. Style niya bulok. HAHA. Mas malakas kaya ako sa kanya. Eh di hinihila ko din siya bale ang nangyari naghihilahan kaming pareho. At sa isa pang hila ko sa kanya binuhos ko na lahat ng lakas ko.....................

Ayan tuloy natumba kami pareho dun sa may bermuda grass. Nagkatitigan kami tapos napatingin kami sa ayos namin. Ang sagwa lang ng pwesto namin. Nakahiga ako tapos siya nasa ibabaw ko. Bigla siyang tumayo tapos tinalikuran na ko. Tumayo na din tuloy ako.

"Chi!! Chi!!"

Dineadma lang ako at tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad niya. Tumakbo ko papunta sa harapan niya.

"Pansinin mo naman ako."

"Bakit ba?"

Galit ata sakin ang taray eh.

"Samahan mo ko maggrocery."

"Di ba pumunta na sa palengke si manang eh bat maggogrocery ka pa?"

"Malamang may bibilhin. HAHA."

Wala talagang common sense tong si Chi.

"Alam ko. May common sense naman ako. Ang ibig kong sabihin eh di sana nagpabili ka na lang sa kanya. Medyo tanga talaga neto."

Mind reader ata toh eh. May common sense daw siya di halata sa kanya. Bwahahahaha. Sinabihan pa ko ng medyo tanga eh lagi nga kong honor student nung elem-hs. Tsktsk. Pagpasensyahan medyo mayabang.

"Kung ako medyo tanga lang ikaw naman ubod ng tanga. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."

"Ubod pala ng tanga ah. Maggrocery kang mag-isa mo. Bhelat! Hahahahahaha."

Tatalikuran na ko ni Chi buti napigilan ko.

"Samahan mo na ko. Dali na."

Sana pumayag siya. *crossed fingers* Teka may iniisip na naman tong kalokohan nag evil smile eh.

"Papayag ako sa isang kundisyon." *evil smile*

LOADS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon