A little sweetness

1 0 0
                                    

KINABUKASAN~

RIALENE POV (Shar)

Pag tingin ko dun sa pinto ng kwarto ko may nakita akong nakadikit na sticky note.

To: Ms. buCHIki

Please wag mo na kong gisingin pag nagising ka dahil masakit ang ulo ko,
wag mo na lang din akong intindihin muna ngayon, ako nang bahala sa sarili ko.
Thank you.

From: the most handsome & hot guy in this house

Just wow! Malamang siya lang ang lalaki dito kaya siya nga ang pinakagwapo at hot dito, Ayyyyy oooppsss! May driver at hardinero pala sila dito. Hehe.

HAPON~

"Manang, nagawa ko na naman po lahat ng dapat kong gawin, okay lang po ba kung pumunta po muna akong mall?"

"Oo naman, basta umuwi ka dito bago magdilim ah."

"Osige po manang, Salamat po ng marami. Pakisabi na lang din po kay Chase ah."

"Sige. Mag-iingat ka ah."

"Naku manang, sila ang mag-iingat sakin. Haha."

Andito ako sa bahay ng bestfriend ko si Cassandra Nicole de Vera, after kong pumunta sa bahay namin syempre dito naman ako sa bahay ng bestfriend ko, 2 years din kaming di nagkita no.

Pagkakita ba naman sakin ni Nicole niyakap ako ng sobrang higpit tas pinupog ako ng halik. Kaloka talaga to! Namiss ko talaga to ng sobra!

"Grabe ka Nicole, parang 10 taon naman tayong di nagkita sa pagkakayakap at sa pagpupog mo ng halik sakin."

"Syempre 2 years din kaya tayong di nagkita, yung bestfriend kong ubod ng ganda na mana sakin. Haha."

Tingnan mo yang bestfriend ko GGSS (Gandang Ganda Sa Sarili) Hahahahaha.

"Oo na. Tsss. hanggang ngayon GGSS ka pa din."

Bigla siyang nag-pout.

"Bakit di ba ako maganda Katherine?"

"Asus! Syempre maganda, sabi mo nga sayo ako nagmana di ba?"

Halaaa siya biglang ngiting aso ang bestfriend ko. Hahahahaha

"That's my bestfriend! I love you bestfriend! " :*

"I love you too bestfriend! " :*

Cheesy namin ng bestfriend ko. Haha.


"Tama na nga Nicole, Magkwentuhan na lang tayo about sa buhay buhay natin. Haha."

At nagkwentuhan na nga kami ni Nicole, At ikinuwento ko sa kanya yung about sa pagtatrabaho ko as a maid for 2 wks.

Syempre nabigla siya, as I expected naman pero as I expexted din suportado niya ko.


CHASE POV (Nash)


"Hi Chase! How are you?"-Rialene (Shar)

"Foreigner lang? At nag-eenglish ka pa dyan?"

"Sungit mo na naman dyan. May pasalubong pa naman ako sayo."

May konting sweetness din pala tong si Chi at nakakaalala na magpasalubong.

"Ano naman yang pasalubong mo sakin?"

"Yema cake Chase para naman maging sweet ka din."

Sweet kaya ako, sa sobrang sweet ko nga nagawa akong lokohin, Ang saya di ba? Tssss.

"Sweet naman talaga ako Chi kaya lang pagdating sayo naubos na yung sweetness ko."

"Huwaw! Kaloka ka! Kay manang ko na lang ibibigay to. Hmpt!"

Hala sya, naasar agad si Chi.

"Joke lang yun, di ka naman mabiro dyan."

That's the magic word at ngiting aso na si Chi.

"Heto na o, masarap yan."

"Salamat. Sweet ka din pala no Chi."

"Oo naman, sige na ibibigay ko pa to kay manang."

Kinain ko agad yung yema cake. At sobrang sarap parang nakalimutan ko na ata pangalan ko sa sobrang sarap. JOKE!

"Chi, sobrang sarap ng yema cake."

"Syempre gawa yun ng bestfriend ko e."

So nakipagkita pala siya sa bestfriend niya. Lalaki kaya o babae?

"Guy bestfriend?"

"Nope, Girl bestfriend. May cakes & pastries shop kasi sila e. Alam mo na rich kid."

Rich kid pala ang bestfriend ni Chi, kaya naman pala parang sosyal siya, siguro lagi niyang kasama yun kaya nahahawa siya, ganun talaga ata pag lagi mong kasama ang isang tao naaadopt mo na yung kilos at ugali niya.

"Kailan pa kayo naging magkaibigan nun?"

Chismoso lang ako dito. Haha.

"Childhood bestfriend kami nun."

"Kaya pala ang sosyal mong kumilos tsaka manamit naadopt mo na yung sa bestfriend mo."

Bat parang sumama yung tingin sakin ni Chi?

"What do you mean? You mean na parang user ako ganun?!"

Namisinterpret niya ko. Patay!

"Di yun ang ibig kong sabihin, Chill lang Chi. Relax. Calm down."

Mukhang nagcalm down naman siya, nawala na yung kunot ng noo niya at taas ng kilay niya e.

"Actually sa kanya talaga galing yung mga damit ko, binibigyan niya ko ng mga damit niyang di niya na ginagamit tsaka minsan pinapamili niya ko kahit ayoko, kaya nga branded yung mga damit ko e."

Natumpak niya yung gusto kong sabihin, atleast sa kanya na nanggaling yun mismo.

"Yan ang ibig kong sabihin Chi."

"Hehe. Sorry naman Chase. By the way may ipaguutos ka pa ba?"


"Wala na naman, sige na, pwede ka nang matulog. Goodnight buCHIki."

"HA-HA-HA. Nakakatawa. Psh. Matulog ka na Chase, at magliligpit pa ko ng mga plato."


LOADS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon