The truth

2 0 0
                                    

RIALENE POV (Shar)

Habang nagliligpit ako ng mga plato. Naiinis na naman ako sa sarili ko kasi nagsinungaling na naman ako kay Chase, nakakaguilty na talaga pati kay manang Loreng nagagawa kong magsinungaling. Kailangan ko na talagang sabihin kay manang ang totoo.

"Manang Loreng, pwede po ba kayong makausap?"

"Oo naman, tungkol saan? May problema ba kayo ni Chase?"

"Wala po manang nagiging mabait na nga po si Chase e, about po sa tunay kong pagkatao."

Ohmygowwwlyyy gowwwlyyyy!! Parang tinatambol yung dibdib ko sa kaba.

"Anong tungkol sa pagkatao mo?"

ko ba talaga? Sa nakikita kong kaba din kay manang parang ayoko nang sabihin ang totoo. Huhu. Pero I need to spill out the truth before it's too late.

"Ah-hmm m-mm-manang I'm not Rialene Chi, my real name is Maria Katherine Chin Santos, The truth is I'm not poor, I'm the only child of my mom & dad, they treat me like a princess."

Nakita ko sa mata ni manang ang sobrang pagkagulat at disappointment. Naiiyak na ko dahil dun, at di ko na nga napigilan bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata.

"I-ibig mong sabihin nagsinungaling ka?"

"Sorry manang Loreng, I'm very sorry di ko po sinasadya."

"Tahan na, tama na. Alam ko may rason ka para magawa mo ang pagsisinungaling na yun."

"Kasi po manang may tinutulungan po akong charity foundation, nung nakita ko po online yung job opportunity na maging maid for 2 wks dito sa Phils, nag-apply po agad ako tutal uuwi din naman po ako sa Pilipinas at summer vacation pa po, kaya ko lang naman po nagawang magsinungaling para makatulong."

"Di ako nagkamali napakabait mo talagang bata."

"Pe-pero manang nagsinungaling pa din po ako, niloko ko po kayo. Di ko po alam kung paano sasabihin kay Chase."

Naguluhan si manang, parang di niya alam ang sasabihin niya sakin.

"Di ko alam kung dapat mo bang sabihin kay Chase. Hays. Galit na galit si Chase sa sinungaling at manloloko, at nagawa mong magsinungaling sa kanya at lokohin siya, kaya tiyak na magagalit talaga yun sayo."

"So manang paano na po? Ano pong gagawin ko?"

"Wag mo na lang sabihin kay Chase tutal 2 weeks ka lang naman magtatrabaho dito, tsaka sobrang liit talaga ng chance na magkita kayo after nito."

Napaisip ako sa sinabi ni manang, tama siya siguro nga 1% lang yung chance na magkita kami ni Chase e. Something about 1%?

"Sige po manang, maraming salamat po talaga. Sorry po talaga."

"Okay lang yun, secret is a secret Ria? Di ko kasi alam ang itatawag ko sayo e, ngayong alam ko na ang tunay mong pangalan"

Natatawa ako kay manang. Ang kyu niya. Hehe.

"Katherine po talaga ang tawag nila sakin pero Ria na lang po ang itawag niyo sakin dito para di din po magtaka si Chase."

"Ay oo nga no, ang galing mo talaga dyan Ria."

"Maraming maraming salamat po talaga manang Loreng."

Niyakap ko siya ng mahigpit. At nagkwentuhan pa kami sa tunay kong buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOADS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon