PROLOGUE

232 11 5
                                    

PHANTOM SPADE SERIES #3
Feat. Loki Ashton Tolentino

Bestfriend...

Para sa marami, this is just a common word or endearment for someone really close to you, someone you trust, someone you value more than anybody else.

Bestfriend...

Pero sa tulad kong kakaibang dictionary ang nabili, medyo kakaiba rin ang definition ko ng mahiwagang salitang ito.

Bakit magical?

Simple lang, this is a word that hides thousands of secret, defines millions of meaning, and kills billions of heart.

Yun yung tawag mo sa taong espesyal sayo. Well, ganun din naman sya sayo. Magkaiba nga lang kayo ng level ng feelings.

Yun ang tawag mo sa taong gusto mo, kaso hindi ka type, kaya ayan, gusto mo sya? Martir ka di ba? Oh edi magtyaga ka sa pagiging dakilang bestfriend.

At higit sa lahat, yan yung tawag mo sa taong mahal mo, pero takot kang mawala sayo, kaya ayan. CONGRATS! Tiisin mo yan, wala kang karapatang magreklamo, ginusto mo yan eh.

Mas pinili mo ang long term relationship na araw araw kang pinapatay sa selos kesa sa official title na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang itatagal.

Tama ako di ba?

Wag kang mag alala, damang dama kita, tagos na tagos chong, welcome to the club.

Ako si Micaella. Minsan third wheel, madalas TANGA.

Pero buong buo, babaeng nagmahal sa lalaking hanggang friend lang ang kaya. No more, no less.

And that's the hardest part...





"Come on, Ellie, I swear this is the last one, please?" Pinanliitan ko ng mata si Ash nung marinig ko ang sinabi nya. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagsuka ko dahil sa lintek na space shuttle na 'yan eto nanaman sya at nakukursunadahan nanaman ang viking.

Nilagok ko ng mabilis ang mineral water na hawak ko saka umupo sa bench. Dismayado naman syang sumunod at tumabi sa akin. Tamad na tamad syang umupo saka ipinatong ang dalawang braso sa sandalan ng upuan.

"Ito naman, parang wala tayong pinagsamahan!" Hindi na ako nakatiis at pinagsasapak ko na sya. Mabilis nya namang ipinangsangga ang mga braso nyang three times a week kung i-maintain nya. "Woah! Woah! Chill ka lang, masyado ka namang high blood! Mahal na mahal mo talaga ako!"

Bigla akong napahinto sa pagsapak sa kanya at pinamulahan ng pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim na kaya hindi nya mahahalata. Isa pang sapak ang ginawa ko bago ako tuluyang tumalikod para itago ang mukha ko. Mahirap na, baka mamaya makita nya pa, assumero pa man din tong mokong na to.

"Sorry na, hindi na kita pipilitin. Uy." Tinatabing ko ang kamay nyang humihila sa balikat ko. Dinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nya kaya napangiti ako ng matamis, that's what I've been waiting for.

"Hoy..." Iritado nyang sabi. Lalo pa akong napangiti. Kahit hindi ko sya tignan, alam kong hilot hilot nya na ngayon ang bridge ng ilong nya. "Who's there?" Untag ko pero hindi pa rin ako lumilingon.

"Chiwawa..."

"Chiwawa who?"

Ilan pang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago ulit kumibo. "Tss.. This is so gay."

"Just do it, Loki Ashton!" Bahagyang napalakas ang pagkakasabi ko kaya nakakuha kami ng atensyon. Pansin ko ang malalagkit na mga titig na ibinabato kay Ash ng grupo ng mga babaeng dumaan. Kainis! Nakadisente namang suot si Ash pero kung makangiti sila akala mo tanging brief na lang na may tatak ng bench ang suot ng magaling kong best friend.

Phantom Spade Series #2: The Heart I BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon