Chapter 1: Help

68 7 2
                                    

Help

"Three thousand six hundred twenty one and seventy five cents, lintek!" Nagulo ko ang ayos ng buhok ko dahil sa pagkainis. Punyetang abo kasi yan! Dahil sa kakaharot sa palengke nakatapak tuloy ng isang sakong kamatis. Bwisit! Tapos card lang ang dala dala samantalang alam na ngang sa palengke kami mamimili at hindi sa mall!

"Chill, sorry na. Malay ko bang hindi pala tumatanggap ng credit card sa public market. That's kinda unfair you know, parang hindi iyon makatarungan para sa aming naka bangko ang pera. Papaano na lang kung emergency edi wala na kaming karapatang bumili. Tsk tsk, palaging sinasabi ng marami na ang mayayaman ang unfair but look at them now, hindi ito makatao." Nakangisi syang naglitanya habang inililibot ang mata sa loob ng coffee shop.

Pinanlisikan ko sya ng mata. Ang kapal din ng mukha nyang humingi ng hustisya dahil sa katangahan niya? Jusko ang sarap nyang ipabugbog sa mga adik sa kanto.

Lalong lumaki ang ngisi nya nung makitang matatalim ang mga titig ko. Prente syang sumandal sa sofa saka humigop sa frappe nya. "What? Jealous?" Gusto ko na talagang isaboy sa kanya ang mainit at bagong served na macchiato sa harapan ko. Naku! Kung hindi ko lang talaga iniisip na mamomroblema lang si Tatay sa pagdiskarte ng pampyansa ko pag nagkataon gagawin ko na talaga.

Muli ko na lang ibinalik ang atensyon ko sa pagkukwenta. Nakailang punit na ako sa papel pero wala pa rin, hindi ko pa rin nasusulusyonan ang problema ko sa pera. Bahagyang lumapit si Ash sa akin saka humilig para silipin ang ginagawa ko. "Para saan nanaman yan?"

Sarkastiko akong tumawa saka sya inirapan. "Kasi po may bwisit na nakatapak ng kamatis sa palengke kaya nagalaw ang perang inipon ko para sa enrollment sa lunes at maraming salamat sa kanya, mukhang kailangan ko ng ibenta ang katawan ko para lang magkapera ako."

Isang nakakalokong ngisi ang lumandas sa kanyang labi saka umakbay. Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. Kinikilabutan ako dahil sa paghinga nya. Nakngteteng! Kelan pa ako natuliro ng ganito pagdating sa kanya?

"Talaga bes? Magkano naman ang sisingilin mo?" Nanlaki ang mata ko saka mabilis syang itinulak papalayo kaya tumalsik sya sa kabilang side ng sofa. Sapo sapo nya ang tyan nya dahil sa sobrang tawa. "Bwisit ka talaga!"

Tumayo ako at dinampot ang mga gamit ko saka mabilis na nagmartya palabas ng coffee shop. Dinig ko naman ang patakbo nyang pagsunod kaya naabutan nya ako sa mismong labas.

Walang anu ano'y hinablot nya ang kamay ko saka ipinagdaop sa palad nya. Para akong timang na namula habang hila hila nya ako. Lintek kang abo ka! Kung di lang kita mahal...

Hindi ako makapagsalita habang naglalakad kami sa loob ng mall. Sya naman ay pasipol sipol lang habang parang batang isini sway ang mga kamay namin sa ere. Madalas talaga parang timang tong isang to.

Huminto kami sa harap ng isang gift shop. Tumingin sya sa akin saka iginuhit sa mukha nya ang kanyang matamis na ngiting nagiging dahilan ng panlalambot ng maraming kababaihan, kabilang na ako doon.

Lumabas ang malalim nyang dimple at alam ko na ang ibig sabihin nito. Operation: tulungan si bestfriend. Pakshet.

"Alam ko na yang ngiti mong yan. Anong kailangan nating hanapin dito?" Nagpamewang ako sa harap nya saka itinaas ang isang kilay ko. Hinilot nya ang bridge ng ilong nya saka seryoso ang mukhang tumitig sa akin.

"Ellie, kung ikaw ang nililigawan ko, ano yung pinaka sweet na bagay na gugustuhin mong matanggap mula sa akin?" Napalunok ako ng laway ko dahil sa tanong nya. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kaya nagsisimula ng magpawis ang ilong ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Nakakatunaw ang magaganda nyang mga matang akala mo ay hinuhubaran ka sa mga titig nya. "A-ano, teddy bear. Y-yung malaking malaki. Yung pwede kong yakapin kapag namimiss kita."

Phantom Spade Series #2: The Heart I BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon