Chapter 7: Just Friends

72 8 6
                                    

Just Friends

"Sometimes, we choose the better rather than the best..."

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Klent nung tanungin ko kung bakit nawala sa kanya ang babaeng mahal nya. "I chose someone I thought was the best, but it turned out that the one I let go was the only best in this world I could ever have."

Pinunasan nya ang ilang butil ng luha na lumandas sa pisngi nya. "Sorry kung nakita mo pa ang weak side ko." Nag iwas sya ng tingin pero halatang nagpipigil sya ng luha.

Hendel, whoever she is, is such a lucky girl. Walang loko lokong lalaki ang iiyakan ang isang babae sa isang public place. This is indeed true love and I envy her. Napakaswerte nyang minahal sya ni Klent.

Iniabot ko sa kanya ang kulay pink kong panyo. Tinitigan nya muna ito ng matagal bago kinuha. Halatang nahihiya pa sya nung tanggapin nya ito.

"Minsan talaga kailangan mong maging mahina para magkaroon ng chance ang ibang tao na maging malakas para sa'yo." Napatingin sya sa akin saka sya pilit na ngumiti.

"Thanks for that, para kang si Hendel kung magsalita." Pagkasabi nya ay natawa na lang sya. A very painful laugh no one would ever want to hear from someone like Klent.

"You know what, we better go now bago ko pa maisipang magmukmok dito." Natawa na lang ako ng pilit dahil sa sinabi nya. Alam kong gusto lang nyang idivert ang usapan.

Matapos nyang magbayad ng bill ay naglakad na kami papunta sa University. Buti na lang pala ay may thirty minutes pa bago ang klase ko kaya may oras pa akong hanapin ang classroom namin. Hindi na ako nagpatulong kay Klent dahil may lalaki syang kinausap nung mapadaan kami sa tapat ng library.

Mukha namang friendly sya. Umalis na rin ako kaagad dahil may pinag uusapan sila. Narinig ko pa ang tawa ni Klent habang paalis ako pati ang kantyaw nya sa kaibigan. "Come on, BAM. Where are your balls? Ilang taon mo na bang sinabing aamin ka kay Amber?"

Hindi ko na narinig ang sagot ng kasama nya dahil lumiko na ako. Pagkahanap ko sa classroom ay nakita ko agad si Abo na nakaupo malapit sa pinto. Hindi ko sya pinansin pero hinila nya ang braso ko saka seryosong pinasadahan ng tingin. "Where the hell have you been?"

Napalunok ako bigla. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa kanya. He never acted this way before. Nag iwas ako ng tingin saka matipid na sumagot. "Nag kape lang."

Isang mahabang buntong hininga ang pinawalan nya. Sinubukan ko syang tignan pero hindi ko kaya. Ang lungkot lungkot ng mata nya and I know I was the one who's responsible for it. Kung may choice lang ako, Ash. Hindi sana ganito.

Hahakbang na sana ako papasok ngunit hinila nya ako saka mahigpit na niyakap. Ibinaon nya ang mukha nya sa balikat ko. The moment he released a deep sigh in front of my ear, my heart skipped a beat. Para bang may milyun milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

"I'm sorry, it won't happen again. Just don't hate me, please Ellie." Nakagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay iiyak na ako. Ang sakit sakit sa dibdib na makita syang magkaganito.

Biglang nanariwa sa isip ko ang nakaraan. Ang nakaraang gusto kong ibaon sa limot.

"I think Ash likes you." Napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi ni Xena. "Pano mo nasabi?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phantom Spade Series #2: The Heart I BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon