Chapter 4: I'm in love

48 9 5
                                    

I'm in love

"Make my brother fall so hard for you..."

"Make my brother fall so hard for you..."

Paulit-ulit na nag eecho sa utak ko ang mga sinabi ni Klent.

Iwinasiwas nya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko. "You okay?" Natatawa nyang tanong. Bigla akong natauhan. Humalukipkip ako at itinaas ang isang kilay. "Tinulungan mo ba ako para ibugaw sa kapatid mo?"  Bahagya syang natawa kaya lalong nalukot ang noo ko.

Nagulat na lang ako nung kuhanin nya ang kamay ko saka sya nagsimulang maglakad palabas. "Oy oy! Teka saan mo ko dadalhin? Feeling close ka ah!" Sapilitan kong binawi ang kamay ko sa kanya pero imbis mainis sya, lalo pang lumawak ang ngiti sa labi nya. Pati mata nya ngumiti din. Lalo tuloy gwumapo ang lalaking to sa paningin ko.

Lumapit sya sa akin at inipit ang ilong ko. Kung siguro si abo ang gumawa nun ay nakatikim na sya ng sapak kaso iba ang pakiramdam ko ngayon, parang may mga bulateng nagpalarong pambansa sa tyan ko. "You're my kind of girl, you know how to be decent. Tara na, hindi kita dadalhin sa CR." Kumindat sya saka inilahad ang kamay. "Come on, narinig ko kung paano nagwawala ang stomach mo. I hate to see hungry people. Especially pretty girls."

Nahihiya kong tinanggap ang kamay nya pero nakipag shake hands lang ako kaya lalo syang natawa. Iiling iling syang lumakad at sumunod naman ako.

"Twenty cheese burgers and two apple cakes. Yung isang drinks gawin mong pineapple juice." Napatitig ako sa kanya matapos nyang iabot ang bayad sa kaherang halatang nagpapa-cute dahil panay ang ngiti at hawi sa nakakawalang buhok sa tenga nya. Kung titignan, may itsura sya pero hindi man lang sya tinatapunan ng pansin ni Klent. Pabalik balik lamang ang tingin nya sa phone at sa mamahaling wrist watch nya.

Nanlaki ang mata ko nung bigla syang tumingin sa akin. Nahalata ata nyang nakatingin ako sa kanya. "You want something else?" Mabilis akong umiling. "W-wala. Hehehe, ang takaw mo pala." Untag ko sakto namang nilapag nung babae ang order nya.

Ngumisi sya bago bumaling sa babaeng muntik nang himatayin nung masilayan ang ngisi ni Klent. "Nakalimutan ko pa lang sabihing take out ang mga cheese burgers. Yung apple cake lang ang kakainin namin dito."

Mabilis namang ibinalot nung crew ang mga burger. Nung matapos ay binuhat agad ni Klent yung tray papunta sa isang table malapit sa pinto ng school cafeteria. Paglapag nya ay tumingin syang muli sa wrist watch nya.

"Oh, pano? Mauna na ako ha? Im meeting someone." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ha? Eh kanino tong isang apple pie?" Isang matamis na ngiti ang lumandas sa sexy lips nya.

"I dont eat apples but this is my brother's favorite. Dont worry, he'll be here any minute now. Yung pinag usapan natin, okay?"

Walang anu ano'y naglakad na sya papalabas nang hindi man lang ako nililingon. " Aish! May saltik ata ang isang yun! Ano bang akala nya sa kapatid nya? Malabo ang mata para magkagusto sa akin?"

"Huy! Sinong kausap mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang sumulpot si Abo mula sa likuran. Kinuha nya ang coke sa harap ko saka uminom doon.

Matalim ang titig ko sa kanya. "Walangya ka talaga! Alam mo namang   walang straw yan tinungga mo pa!" Hinampas hampas ko ang braso nya ngunit mabilis nyang pinigilan ang mga braso ko. Mahigpit nyang hinawakan ang mga ito saka nakakalokong tumitig sa akin. "Bakit? Takot ka sa laway ko? Oh come on, Ellie. Halikan pa kita."

Nanlaki ang mata ko. Bigla na lamang nag init ang pisngi ko habang parang timang na nakatunganga sa kanya. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya. Naaamoy ko ang alak sa hininga nya pero parang ayaw mag sink in sa utak ko, mas nafocus pa ang atensyon ko sa repleksyon ko sa shades na suot nya.

*tsup*

Lalo akong hindi nakagalaw nung sa isang iglap ay nahalikan na nya ang labi ko. Malaki ang ngisi nyang kinuhang muli ang coke ko saka uminom. Pagkalapag nya ng bote ay inalis nya ang kanyang salamin saka kumindat at pinisil ang mala kamatis kong pisngi. "Gumalaw ka naman. Konti na lang iisipin ko nang crush mo ko."

Doon lamang ako natauhan pero bago ko pa sya masapak ay nagawa na nyang makatakbo papalayo sa akin.

Hay, bakit ganito ang pakiramdam ko? Dapat mainis ako diba? Pero hindi. Am I in love? Pakshet. Oo, gusto ko si Abo noon pa. Pero yung ideclare kong I'm in love? Isa atang malaking kagagahan yun.

Sabagay,matagal naman na akong gaga, magmula pa nung araw na pinili kong maging bestfriend lang sya.

Halos tumalon ang puso ko nung biglang may umupo sa tabi ko. Malawak din ang ngiti nya habang inaalis ang headset. "Hello! Buti naman masasabayan mo ko." Untag nya saka excited na sumubo ng maliit na slice ng apple cake. "You should try this. Ang sarap nito." Para syang si Klent. Yun nga lang, smoky ang mata nya at yung kay Klent ay parang nakangiti.

Nahihiya kong kinuha ang platito ng apple cake at kumuha ng kapiraso saka sinubo. "Ang sarap nga!" Gumagawa din ang mama ni Abo ng ganito pero mas malasa ito. Ngumisi sya saka muling sumubo. "Told yah!"

Nung matapos kami ay aksidente nyang natabig ang inumin ko kaya natapon ito sa damit ko. "Shit. I'm sorry." Mabilis nyang inilabas ang face towel mula sa backpack nya. "Sorry talaga ha?" Napangiti na lang ako sa nakikita ko sa kanya. "Ano ka ba? Para namang ang laking kasalanan ng nagawa mo."

Bahagyang kumunot ang noo nya. "I ruined your clothes. Aren't you supposed to nag at my face right now?" Napabungisngis ako sa sinabi nya kaya lalong nalukot ang mukha nya. "What's funny?"

Tumigil ako sa pagtawa pero hindi pa rin maalis ang ngiti ko. "Wala naman. Parang ang big deal kasi eh nabasa lang naman ang damit ko."

Nahilot nya ang bridge ng kanyang ilong. "You're weird. Yung ibang babae naghihysterical dahil sa damit."

Nagpakalumbaba ako saka pinagmasdan ang kumpol ng mga babaeng halata mong sosyal. "Sila yun, hindi ako." Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Nung lingunin ko sya ay nagsisi akong tinignan ko sya.

Nakakaintimidate ang titig nya.

----++++-----

[A/N: Sorry medyo natagalan ang UD. Hindi kasi nagloading yung draft ko biglang nagzero yung works ko. Anyway, how was it? Please let me know kung lame ha?

Anyway, nabasa nyo ba yung one on one interview ko with master owwsic sa fb? Kung hindi pa, check our page, search nyo lang ang Wattpad Story Quotes, Promotions and Topic. Mababasa nyo rin dun yung kay April Avery, Blue_Maiden at ScarsAreBlind.

Please leave votes and comments. Love you!

~Nowie ^__^

Phantom Spade Series #2: The Heart I BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon