IX - Dibdib ang landing

13 2 0
                                    

Lay

"Ewan ko sayo hyung." Sabi ni Kai ng makatayo.

"Bili nalang tayo ng iced coffee, eto lang naman sa tapat oh. Libre ko." Sabi ko sa kanya. Nagasgasan kasi yung braso eh, kawawa naman.

"Iced coffee nanaman! Kotang-kota na nga ako sa timpla ni Umin eh baka naman di na ko makatulog." Reklamo niya.

"Eh ano ba gusto mo?" Napakamot nalang ako sa ulo ko ng marealized yung sinabi niya.

"Lifetime support ng con--"

"Gago ka ba?!" Sigaw ko sa kanya. Ayys napamura nanaman ako.

"Di ka naman mabiro, sagutin mo nalang yung sa session natin mamaya." Sabi niya. Mga lasingero talaga. Tsk.

Nagsalita ang hindi. Oo na! Pero di naman ako umuuwi ng lasing. Nakainom lang.

"Hyung! Hyung! Tignan mo oh." Sigaw ni Baekhyun habang tumatakbo papunta samin na hinahabol naman nina Chanyeol, Chen at Luhan.

"Di ba mas bagay kami ni Ms. Sydney? Ang gwapo ko di ba?!" Galak na galak na sabi ni Baek.

"Maglubay-lubay ka nga Baekla! Hindi kayo bagay, mas maganda siya sayo!" Pangongontra ni Chanyeol.

"Kami talaga ang bagay, tignan mo nga oh! May chemistry kami!" Sabi naman ni Chen at ipinakita yung phone niya. Agad naman siyang binatukan ni Luhan.

"Kailan pa nagkaroon ng chemistry sa poster peste ka?!" Sabi naman ni Luhan.

Lumapit naman sa amin sila Suho hyung.

"Paano ka pang makakatanggi niyan? Kung ganyan na daig pa linta ng mga yan?" Iiling-iling na sabi ni Suho hyung.

"Ano pa nga ba magagawa ko?" Sabi ko naman at napabuntong hininga nalang.

Pupuntahan ko sana si Kai ng maalala ko(aba himala?) na may nagpamigay pala ng discount cupon sa Timezone kanina kaya siya biglang nawala. Mga bata nga naman.

"Nasaan si Jongin?" Tanong ni Kyungsoo.

"Oo nga nasaan nga ba yung malibog na tostado na yun na sinaniban ng sampung anghel ngayong araw na 'to?" Sabi ni Chen.

"Nasa Timezone. Humakot ng discount cupon." Simple kong sabi saka ko in-adjust yung necktie ko.

Ngayon ko lang napansin na mukha pala talaga kaming tanga na nakaformal habang lumalandi ang mga 'to sa mall. Oo pati yung dalawang celebrity na unethical, ganun din ang suot.

"Sundan natin! Putakels na sunog na yun di nag-aaya!" Sabi Chen.

Akma na silang mag-uuna-unahan ng may tumawag sa pangalan ko, na siya nilang ikinahinto na para bang nag-freeze at pare-parehas na nakataas ang kaliwang paa na akmang ihahakbang.

Masaya kasi at cute ang boses na yun kaya hindi mo talaga maiiwasan na lumingon pag narinig mo na.

"Yixing!" Pagtawag niyang muli. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kinakalipumpunan nung sampo kanina.

Nginitian ko siya at lalapitan ko na sana ng biglang may sampung pares ng kamay na humawak sakin.

"Hyung! Is this what you call magic?!" Nagniningning ang matang sabi ni Chen.

"Paano siyang napunta jan? Di kaya multo siya? Gege, nasaan ka na?" Natatakot kunwari na sabi ni Tao. Pero ang totoo miriting-miriti ng dumamoves yan.

"Yoda!!! Lumabas siya sa tarpulin. Wow!" Namamanghang sabi naman ni Chanyeol.

"Amazing. She's my style! Again." Sabi naman ni Kris sabay alis ng shades niya. Puro ganun nalang ang alam sabihin nito!

"Lay! Magtapat ka!!! Bakit kilala ka niya?!" Sigaw ni Baekhyun na kinakagat ang blazer ko.

Out of the Blue! [EXO's Lay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon