XVIII - Baguio Buddies

11 0 0
                                    

Keyhan

Nagising ako sa sinag ng araw na tumapat sa mata ko. Anong oras na ba? Gaano ba katagal ang naitulog ko?

Handa na kong bumangon ng makaramdam ako ng pagkirot sa ulo kaya napahiga ulit ako.

Hayyyy! Ano ba kasi pumasok sa utak ko at nag-inom ako kagabi? Mabuti nalang at kasama ko si Lay, kundi baka sa morgue ako pulitin ni Kenjie.

"Infairness ang ganda ng pagpupulutan nya sakin.." Bulong ko sa sarili ko habang nililibot ng mata ko ang paligid.

I shut my eyes tightly when I felt my head throbbing

Kainis! Ang sakit. Di ko tuloy maalala kung kailan ko pinaiba ang design ng kwarto ko.

Teka? Pinaayos ko nga ba? Bigla kong idinilat ang mga mata ko at pinagmasdan muli ang paligid.

"Wahhhhh nasaan ako?!" Nasapo ko ang ulo ko ng marealized na wala ako sa amin. Bwiset ka Yixing iniwanan mo yata ako kagabi!!

"Ano ba yan ang aga-aga mong nangbubulabog!"

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita.

"WAHHHHH!"

Hindi 'to pwede! Bakit na sa iisang kwarto kami? Anong nangyari??

"Ugh! Magpatulog ka naman." Reklamo nya at ibinalibag sakin yung throw pillow.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito? Saka bakit magkasama tayo? May balak ka sakin no!!" Nanlalaki ang mata kong sabi saka ko ibinalibag pabalik yung unan.

Napabalikwas sya ng bangon ng sunod-sunod ko pang ibinato sa kanya yung mga unan sa kama.

"Ano ba?! May idea ka ba kung anong oras na kong nakatulog dahil SAYO!" Sigaw nya din sakin.

"May sinabi ba kasi kong magpuyat ka ng dahil sakin??"

"Sino ba kasing ayaw bumitaw sa braso ko at hinihila pa yung laylayan ng damit ko wag lang akong umalis?"

"What?!"

"And worst, sinukahan mo pa ko! Ginawa mo kong baby sitter kagabi!"

"Abat...siguro gusto mo rin kaya di ka gumawa ng paraan para bumitaw ako!" Nauutal kong sabi.

Bigla syang lumapit at umupo sa kama.

"Gusto ko? Walang gugusto! Pwede ba bumangon ka na at maligo ka ang baho mo na. May mga damit akong kinuha sa kwarto ni Noona yun na muna gamitin mo." Sabi nya at humiga saka ulit pumikit.

"Wahhhhh! Napaka walang kwenta mo! Bakit di mo ko pinalitan ng damit?? Alam mong nagsuka ko kagabi. Like ewwwww!!"

"Yah! Napaka ingay mo! Magigising mo sila Papa nyan eh!"

"Bwiset! Bakit kasi dito mo ko iniuwi! Bakit di mo ko samin dinala?!"

"Di ko kasalanan na may curfew sa village nyo kagabi. Okay? Sana pala iniwanan nalang kita kung saan wala sanang nambubulabog sa tulog ko ngayon!"

"Talaga naman! Abnormal ka!!"

Inilapit nya sakin yung mukha nya saka ngumiti ng nakakaloko.

Jusko po ano bang gagawing nito?!

"Hindi nalang ako 'selfish' tulad mo." Bulong nya. Bigla akong nakaramdam ng pangingilabot sa katawan.

Pinaghahampas ko sya ng maalala ko yung pinagsasabi ko sa kanya kagabi. Wahhhh ikenat!!!

"Oy! Haha! Pakinggan mo hahaha. Yan ang ebidensya ko. Hahaha!" Di sya matigil sa pagtawa.

"Kung totoo man na ipagkasundo tayo, lagi lang akong mapapaaway...cause I don't want to share what's mine!"

Out of the Blue! [EXO's Lay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon