X - Kasalanan ko

11 2 0
                                    

Keyhan

"Wala namang happy ending sa totoong buhay eh, bwiset na mga novela na 'to! Paasa tss." Sabi ko sa sarili ko at ibinalibag sa sofa yung librong kakabili ko lang kahapon.

Nagsasayang lang ako ng pera sa mga yan nabubwisit lang naman ako sa ending! Pero sa bookstore naman ng company yan nanggagaling eh hehe. Actually collection ko ang novels, I was like a bookworm whose always trying to cope up with the stories and try it in reality. Pero nabigo lang ako eh, kasi di naman yun totoo. Balak ko na ngang itapon ang mga libro ko dati eh, pero napagisip-isip ko na maraming puno ang namamatay ma-publish lang ang mga ito. Isa pa yan ang negosyong bumuhay samin no!

Pinadala ko nalang sila sa Pilipinas noon dahil baka mapagdiskitahan ko nanaman o kaya naman ay gawing panggatong ni Amma dahil hindi niya yun maintindihan. And tama lang kasi immagine! Pinagawan ako ni Kenjie ng bookshelf slash nook sa kwarto ko at isinalansan dun kahit consider na sa kanyang basura ko yun at sinabi ko rin na ipamigay nalang niya.

I still love collecting books even if happy ending doesn't exist.

"KEYHANNNN!!!" nagulantang ako na papikit na sana sa sigaw ni Kervey.

"BAKIT?!" Sigaw ko pabalik at bumalikwas ng bangon.

"Buksan mo dali! Tulungan mo ko!" Sabi niya kaya inis na pumunta ko sa pintuan para pagbuksan siya. Ano nanaman kayang arte nito?

"Ano bang prob--"

"Ate.. yung wallet..y-yung wallet ko.." Pagkasabi niya nun ay bigla nalang siyang humagulgol ng iyak at niyakap ako.

Wallet lang pala eh. Bakit ba ganito siyang maka-react sa pagkawala nun? Alam kong importante yung mga laman nun, pero di naman siya dating ganito pag nawawalan ng gamit eh. Tumatawa pa nga minsan.

"Tahan na Kervey. Wallet lang yun marami pang ibang mabibili jan." Pag-aalo ko sa kanya at iginiya siya papasok.

"Pero ate...nandun yung family picture natin na kasama sila Mama at Papa. Nag-iisa yun eh..di bale sanang pera nalang yung kinuha, kahit ibalik lang yung picture ayos lang eh..ano nalang magiging inspirasyon ko sa araw-araw? Ate di ko kaya.." Sabi niya at umiyak ng umiyak.

Yinakap ko siya ng mahigpit at di ko narin maiwasang maluha. Ang ayoko sa lahat yung nakikita kong ganito ang kapatid ko lalo na si Kervey. Nangako kami ni Kuya na aalagaan namin siya ng mabuti kina Mama at Papa.

Paano po ba yan? Umiiyak po yung bunso niyo. Mama, Papa bakit po kasi ang bilis niyong nawala? Siya yung pinaka-affected dahil sandali niyo lang siyang nakasama. Kung alam ko lang na mangyayari yung aksidente, sana di nalang ako nagpumilit na pumunta kayo sa contest na yun.

"Shhhh. Gagawa ng paraan si Ate, wag kang mag-alala." Sabi ko at hinagod yung buhok niya. Mahina siyang umaaray pag nahahaplos ko yung noo niya. Para kong binuhusan ng maiinit na tubig ng makita kong may bukol at gasgas yung mukha niya.

Agad kong inililis yung blouse niya at napaiyak nalang ako ng sobra sa nakita ko. Sira-sira pala yung suot niya at puro pasa at sugat ang mga braso niya pati narin sa dibdib niya. Bakit di ko agad yun napansin?

"Sino gumawa sayo niyan??" Humahagulgol kong sabi na punong-puno ng awa ang tono. Bakit di niya ininda agad yung mga galos niya?

Lalo ko lang sinisisi ang sarili ko dahil kung hindi yun nangyari sa mga magulang namin ay hindi sana 'to mangyayari kay Kervey dahil lang sa family picture na sobrang importante sa kanya. Kung di yun nangyari edi sana kahit ilang picture pa mapapalitan yun ng hindi siya nagkaganito.

"Keyhan di ko kilala." Sabi niya na iyak pa rin ng iyak. Napaupo nalang ako sa kama sa sobrang panlulumo. Bakit si Kervey pa? Napakahirap para sakin yung makita siyang ganyan pero wala akong magawa!

Out of the Blue! [EXO's Lay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon