Halos mapatalon ako sa gulat ng tusukin ni Presko ang tagiliran ko.
Bwesit ka! Sigaw ko sa kanya.
Pero ang letse tinawanan lang ako. Bwesit talaga. Bakit ba ang gwapo ng pesteng ito?
Oh my did i say his .. HANDSOME? Ano bang nangyayari saakin?
Baka?! sigaw niya.
Ano na naman? Inis kong sigaw sa kanya.
Alam kong gwapo ako pero wag mo namang ipahalata na gusto mo ako. Sabay ngiti niya.
Letse ka! Sigaw ko sa kanya sabay talikod. Bigla kasing umiinit ang pisngi ko. Baka mahalata niyang namumula ako. Urg!
Maureen! Bigla akong napahinto. First time niya ata akong tawagin sa pangalan ko. Ang sarap pakinggan.
Peste Andre! Naririnig mo bang sarili mo? Magtigil ka! Saway ko sa isip ko.
Bago pa ako makasagot hinawakan niya ang kamay ko at bigla siyang tumakbo tangay ako.
Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko. Basta ang alam ko ang saya ko. Ngayon lang yata ako naging masaya sa pagtakbo.
Nababaliw na ba ako? Diyos ko po. Tulungan niyo po ako.
Palayo kami ng palayo hanggang sa maramdaman kong tumigil na kami sa pagtakbo.
Wow! Wala akong ibang masabi kundi wow. Ang tahimik ng lugar. Ang sarap naman ditong tambayan. Masayang sabi ko kay Vincent.
Oo friends kami ngayon kaya vincent ang tawag ko sa kanya. Wag kayong ano jan. Haha
Ang ganda no? Bigla niyang sabi. Dito ako tumatambay kapag magulo ang isip ko at gusto kong mapag isa.
May ganyan din palang problema si presko? Di ako orient. Saisip ko.
Bigla akong nagulat ng yakapin niya ako. Papalag sana ako ng
Stay still. Kahit 5 minutes lang.
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko kaya hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.
Vincent?
Hmm,
Care to share? Makikinig ako. Hindi ako taklisa. Di ko ipagkakalat. Promise. Cross my heart. Wag lang mamatay. Hehe
Hindi nakaligtas saakin ang pagtawa niya ng mahina. Ngunit hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang walang imik. Kaya nabagabag ako.
Vincent, ano na?
Ang sarap palang pakinggan kapag ikaw ang bumibigkas ng pangalan ko no?
Biglang nag init ang pakiramdam ko. Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko. Nakakahiya!
Hindi nakaligtas saakin ang mahina ng tawa na tila musika sa aking taenga.
Tang-ina! Andree! Ano bang pinagsasabi mo? Wag mong sabihing nahuhulog kana sa taong ito? Magtigil ka! Letse! Saway ko saaking sarili.
Hoy baka! Baka matunaw ako sa titig mo. Hinay hinay naman. Hahaha
Bigla akong namula sa sinabi niya. Peste. Bakit ba ako naapektuhan?
Natauhan ako sa biglang pagtayo ni presko. Nilahad niya saakin ang kanyang kamay at walang pagdadalawang isip na tinanggap ko naman.
Juice ko Maureen! Ang landi mo na. Sa isip ko.
Maureen, pukaw saakin ni presko.
I've enjoy this date. Sabi niya sabay ngiti.
Wait, tama ba ang narinig ko? Did he say date? As in D-A-T-E? Juice ko! Bakit hindi ako na orient?
Da-date? Anong date ang sinasabi mo presko? Sabi ko sa kanya na namumula.
Bigla siyang tumingin saakin at ngumiti ng napakalaki. Yes Maureen. It's a date. And thank you for this day. Sabay kindat.
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Ang init ng pisngi. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. At nakakahiya! Letse!
Sa sobrang pre-occupied ng isip ko hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.
Goodnight Maureen. Thank you sa date. Dream of me okay? Sabi niya saain na nakangiti.
Goodnight! Sabi ko sabay takbo papasok ng bahay. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin kong meron man basta ang alam ko kailangan kong magtago dahil sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko.
