Part VI: Falling

6 0 0
                                    

It's been one month since nakilala namin si presko. Oh well, isa lang masasabi ko sa kanya. Napakapresko niya bwesit!

Wala na siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Wala parin siyang tigil sa pagtawag saakin ng baka. Ang peste lang.

Tapos ngayon ito ako kasama siya, praktis kasi namin ngayon para sa Mr and Ms Intrams at walang ibang ginawa si presko kundi tawagin akong baka.

Sa katunayan, okay lang naman saakin na tawagin niya akong baka eh, pero nakakainis kasi ang mga ngiti niya sa tuwing tiningnan niya ako.

Parang may kong anong kaba akong nararamdaman. Parang di kompleto ang araw ko kapag di niya ako kinukulit.

Teka! Bwesit. Naguguluhan ako. Peste!

Baka? Agaw pansin niya saakin.

O? Bored kong sagot.

Putsa! Tinawanan lang ako. Bwesit talaga.

Bigla kaming napatigil sa ginagawa namin ng may babaeng tumigil sa harapan namin.

Sabay kaming nag angat ng tingin sa kanya.

Hi John Vincent. Ako nga pala si Mae sabay lahad ng kamay.

Ngunit tiningnan lamang ni presko ang kamay ni Mae. Gusto ko sanang tumawa kaso mukhang iiyak ang babae sabay kuha ng kanyang kamay.

Hahahahahaha. Hindi ko na mapigilang matawa.

Bigla siyang nag angat ng tingin saakin at nagtaka.

Hahahahaha tawa parin ako ng tawa.

Hoy baka! Anong nangyayari sayo? Naguguluhan niyang tanong saakin.

Wala. Ang epic lang. Hahahahaha kawawa yong babae. Ang sama mong presko ka. Hahahahahahahaha

Tawa padin ako ng tawa habang nakatingin sa kanya.

Isa lang ang narealize ko habang nakatingin ako sa kanya.

Gusto ko na yata siya. Peste!

Nang Dahil Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon