2:

3K 22 4
                                    

"San ka naman galing Mako? Nawala ka na lang bigla sa dance floor kanina ah?" Donna asked me.

Andito na rin kasi sila sa lounge. Napagod na ata sila kakasayaw.

"Oo nga. San ka ba galing?" -Elle.

Umupo ako sa tabi ni Laarni bago sumagot.

"Sa CR lang." Sabi ko sabay kuha ng isang boteng beer.

"Weh? Baka naman nanghalay ka na naman?" Jhas said. I rolled my eyes at ngumiti na lang ng nakakaloko.

"Tang*na mo Jhas. Nag-Cr lang ako. Dumi mo mag-isip." Totoo naman na nag-CR ako. Well, after that steamy with the stranger eh dumiretso ako ng CR so I'm still partly saying the truth.

"Eh ba't ang tagal mo nakabalik dito?" Mapanuring tanong ni Sam.

"Bakit? Ano akala niyo ako lang gusto gumamit ng banyo?"

"Hindi. Syempre kasama mo ang ka-quickie mo. Satisfied ka ba?" Verna said with matching wiggling of her eyebrows.

"Anong ka-quickie ka dyan? Ang halay mo!" Syempre, di ako aamin Hehe. Walang aamin sapamilyang ito. Char.

"Parang ikaw hindi? Haha! Ikaw nga reyna eh. Wag ka ngang madamot sa kahalayan! Umamin ka na kasi."-Jhas


"Mga hayop kayo." Mga walangyang 'to. Chismosa. Tinawanan lang ako ng mga walangya. Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong mga kaibigan?

Sabay-sabay na kaming nagsi-uwian dahil medyo may amats na ang lahat at magmamaneho pa pauwi. It was 1 am in the morning, at delikado na sa daan lalo pa't parang uulan. We ended sa bahay na lang ni Tess dumiretso lahat dahil 'yon ang mas malapit. Lahat naman kami ay may dalang sasakyan maliban kay Yana dahil nasa Carfix pa ang sasakyan niya. Since Cristal is really drunk, si Yana na lang ang nagmaneho ng sasakyan niya.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sa living area na kami ng bahay ni Tess sumalampak ng tulog kagabi dahil sa antok at kalasingan. Tulog pa ang lahat kaya naman bumangon na lang din ako para magluto ng agahan namin.

Maya-maya pa I heard Cry coming out from the bathroom. Gising na rin pala siya.
She was actually in a hurry.

"Nagmamadali ka ata? Are you supposedly be somewhere at this time?" Tanong ko sa kanya as she was fixing her hair in a messy bun.

" I need to be somewhere by 10AM. I am not even sure if aabot ako but yeah, I need to leave na. And you guys might not be able to see me for a few weeks. I'll be uncontacted too."

Nangunot naman ang noo ko but then nasanay na lang din kami. Para kasing kabute ang babaeng 'to. Lulubog lilitaw talaga.


"Okay! Here have this coffee on your way out." sabay abot ko sa kanya ng coffee na nilagay ko na din sa insulated coffee mug.

She hurriedly went to the door after abutin ang coffee. Ni di man lang nga ako nilingon. Nakakaloka. Di man lang nag-thank you. Hay nako.


Nakapagluto na ako ng pancakes, hotdogs, crab and corn soup and eggs. Tulog pa rin silang lahat. Lasing na lasing ata talaga sila. Well, hindi ko na sila gigisingin dahil masamang gisingin ang mga 'yan. Kailangan ko na ring umalis dahil tinawagan ako ni Daddy kanina para sabihing kailangan kong umuwi sa bahay. Nasabi ko ba sa inyong diktador ang tatay ko?

Paalis na sana ako ng mahagip ng mata ko ang bag ni Jhas na sabog ang laman sa sahig. Nakita ko ang eyeliner niya. Hindi umaalis ng bahay yan si Jhas ng walang eyeliner. At dahil nga sa mabait akong kaibigan, inayos ko ang mga gamit niya at nilagay sa loob ng bag niya. But before that, padrawing muna saglit sa mukha niya. Hehe.






Nasa bahay ako ng mga magulang ko. Kailangan ko daw sumama sa kanila ni Mommy sa isang thanksgiving ball na dadaluhan nila mamaya. Ayoko nga sanang sumama kaso nga lang diktador ang Dad ko at tinakot ako na ipapadala akong Japan kapag di ako sumama. Di talaga ako sumasama sa mga ganitong event dahil ang kapatid ko ang pinapasama ko na gustong-gusto naman n'on. Since, wala siya dahil kakaalis lang niya papuntang US eh ako ang binulabog ni Dad.

Flower Rangers Series 1: Dominant Female (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon