Entry No. 5
I hate it. I fucking hate this day. My mom just called and hired a warfreak witch as the new maid in this house. Hindi ko siya gusto. Sino ba namang matinong lalaki ang gugustuhing makasama ang isang amazona sa mansyon na 'to? She twisted my arms and kicked my legs na hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin.
Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ng nanay ko. I can surely handle myself. I can even cook for myself. I can wash my clothes. I can do those things on my own. Hindi ko naman kailangan ng personal maid. Meron naman akong pinapapuntang katiwala rito for a monthly maintainance.
Ang nakakainis pa, mukhang masyado pang bata 'yung katulong na kinuha ng nanay ko. She's even younger than me, I think. Mukhang konting pahirap ko lang, eh bibigay na.My mom should atleast look for an older maid. Ano bang nagustuhan niya sa isang mukhang adik na babaeng 'yon?
Marami namang agencies na puwedeng pagkunan. Saan niya ba nahanap 'yang ganyang klase ng babae? Ang sakit niya sa ulo.
And hey, here she is. Knocking on my door and telling goodnight. Does she think I would tell her the same?
Whatever.
Matt.
BINABASA MO ANG
Ang Maid Kong Manyak
Teen FictionPaano kung maging katulong ka ng isang hot, gwapo at mayamang lalaking sawi naman sa nagdaang pag-ibig? Magtitiis ka bang kasama siya sa isang mansiyong konti na lang ay haunted house na? O sasakyan mo na lang siya--este, ang mood swings niya? ...