Rupert Matthew's POV
Entry No.7
That girl... she's a total mess! Hindi ko talaga alam kung anong ipinakain niya sa mom ko. Mom is always texting me to be nice with that freak. Hindi ko yata kaya. Sino ba naman ang matutuwa sa babaeng 'yon? Alam na alam niya kung paano mang-asar ng ibang tao.
Mas lalo pa 'kong nainis nang maabutan ko siyang tinititigan ang picture namin ni Veny. That picture was taken four years ago. Iyon na rin ang huling pagkakataon na nakapanood siya ng race ko, so memorable 'yun sa 'kin. And I hate to think na tinititigan 'yon ng bruha naming katulong. Pa'no na lang pala kung mangkukulam siya?
Lumabas ako ng bahay dahil hindi ko matiis ang boses ng Faith na 'yon. She was singing like hell. Bawat lyrics ng kantang kinakanta niya ay sumusugat sa tenga ko. Inis na inis talaga 'ko sa kanya. Maybe next week, babalik na 'ko sa Manila. And after another week, I will fly back to Korea. 'Di ko na kaya dito.
Sana makita ko muna si Veny at Micko bago man lang ako umalis. Sana kayanin ko.
Matt.
BINABASA MO ANG
Ang Maid Kong Manyak
Teen FictionPaano kung maging katulong ka ng isang hot, gwapo at mayamang lalaking sawi naman sa nagdaang pag-ibig? Magtitiis ka bang kasama siya sa isang mansiyong konti na lang ay haunted house na? O sasakyan mo na lang siya--este, ang mood swings niya? ...