NARANASAN NYO NA BA ANG MAGING MASAYA DAHIL LAMANG SA BUHAY KA?
MARAHIL MAY MAG SASABI NG OO AT MAG MAGSASABI NG HINDI O, HINDI PA O BAKA NAMAN HINDI LANG NAPAPANSIN NA KAHIT ANG SIMPLENG PAG HINGA AY ISANG KASIYAHAN NA.
Hango sa aking buhay ang kwentong ito, isa akong kabataan na maagang namulat sa galaw ng mundo, nakatira kami sa eskwater malapit sa ilog,ang mga magulang ko ay mga basurero at lima kaming magkakapatid, ako ang panganay. Walongtaong gulang palamang ako ngunit kong akoy mag isip ay parang isang matanda na madaming alam sa buhay, pinagkaitan ako ng kabataan hindi ko nararanasan ang maging isang tunay na bata napapalibutan ako ng mga kasalanan sa mundong ito lahat ng uring kasalanan alam ko at nakikita ko.
Sa lugar namin almusal ang ingay ng nagwawalang kapit bahay dahil sa may iba ang asawa nya o di kaya naman ay ninakawan sya ng pera ng sarili nyang anak. Makikita mo rin ang mga batang nag aaway dahil sa kakarampot na tinapay, kami ng pamilya namin tahimik lamang kami naikwento ni nanay na galing kaming Nueva Ecija duon talaga sila nakatira ni tatay pero dahil sa hirap ng buhay nagpasya si Tatay na lumuwas ng maynila at dahil sa ayaw ni nanay ng mag isa sumama sya kay tatay at sabay nilang hinarap ang hamon ng buhay.
Nagtatrabaho nuon si itay sa isang kompanya bilang janitor matagal din sya duon malapit na sana syang ma promote bilang head ng maintenance kaso napag bintangan si tatay na nagnakaw, ang sabi nya habang sya ay naglilinis may nakita syang bag sa may loob ng c.r ng babae balak nya sanag isa uli ito ngunit bigla nalang pumasok ang babae at nakitang hawak ni itay ang bag nya, may kasama syang mga guard nuon kaya naman pinadampot si itay.
Dadil kaibigan ni itay ang mga nagtatrabaho sa kompanyang iyon, napagpasyahan na itanggal na lamang sya kesa ipakulong hindi naniwala ang management sa paliwanag ni itay sapagkat ayaw aminin ng babae na nakalimutan nya ang kanyang bag, marahil siguro para hindi sya mapahiya. Kaya naman hindi na naghanap pa ng ibang trabaho si itay nag chaga na lamang sila ni inay sa pagbabasorero, pinalaki kami ni itay at inay ng may takot sa Diyos at may prinsipyo sa buhay kahit kamiy nagbabasura lamang ay pina pasok parin nila kami sa pag aaral.
Nang makatapos ako sa elementarya sinabe ko kila itay na hindi na muna ako mag aaral ng hig school mg iipon nalang muna ako para sa pag aaral ko sa susunod na taon. Pumayag nalang sila dahil wala naman daw silang magagawa kong iyon ang disisyon ko.
Habang lumilipas ang mga buwan ay patuloy lang ako sa pagbabasorero minsan pa nga nakita ako ng dati kong kaklase at pinagtawanan ako inasar asar pa nya ako, ako naman umalis na lang itinatak ko sa isip ko ang mga araw at buwan na nangyayare sa buhay namin at pinangako ko na sa paglaki ko ay hindi na ko kaylan man magbabasura.
Kami ang nangongolekta ng mga basura sa kabilang subdivision na malapit samin at habang akoy nag kakalkal ng basura ay may narinig akong isang masayang tugtugin na bago lamang sa aking paningin kaya naman sinundan ko ang tunog at dinala ako nito sa isang covered court na maraming tao lahat sila umaawit may sumasayaw sayaw sa saliw ng tugtugin may ibang ikinakaway ang kanilang kamay sa ere may iba naman tumatalon talon, dahli sa nakita ko namangha ako kaya naman pumasok ako sa loob kahit na isa akong gusgusin na bata.
Naririnig ko ang awit ng isang lalaki sa harapan nakangiti sya na para bang napakasaya ng kinakanta nya, tinititigan ko lamang sya at pinagmamasdan ang kanyang pag awit dahil sa mga sinasabe nya napapasayaw nalang din ako bigla, kapag sinabi nyang sumigaw sumisigaw ako kapag sinabi nyang itaas ang mga kamay at ikaway, napapataas din ako ng kamay at kinakaway ko. Kahit hindi ko naiintindihan kong anong nangyayare nararamdaman ko sa puso ko na masaya ako masaya akong umaawit, sumasayaw, sumisigaw at tumatalon.
Pagkatapos ng masiglang awitin bigla nalang tumahimik ang lahat, muli pinagmasdan ko sila nakayuko sila habang nakapikit ang mga mata, bumubuka ang kanilang mga bibig na parang may sinasabe o binibgkas at sinabe ng lalaki sa harapan na kong sino man ang may problema itaas ang kamay, dahil don ginaya ko sila pinikit ko ang aking mga mata inalala ang lahat ng nangyayare sa buhay ko sa buhay ng aming pamilya bigla na lang akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na bigat sa dibdib, tumaas ang mga balahibo ko habang pinapakinggan ang sinasabe ng lalaki sa aking harapan bigla nalang nag init ang aking magkabilang pisnge, sa pagkakataong iyon hindi ko inaakala na umiiyak na pala ako, umiiyak ako dahil sa sitwasyon ko umiiyak ako kasi hindi ko naranasan ang maging isang bata, umiiyak ako dahil sa ganito ang naging buhay namin, pero kahit kaylan hindi ko na gawang sisihin sya kahit kaylan hindi sumagi sa isip ko na kasalanan nya ang lahat.
Sa mga oras na iyon iyak lang ako ng iyak hindi ko na alam ang nangyayare sa paligid ko hindi ko na magawang dumilat pa dahil pakiramdam ko dapat kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko, nga mga oras na iyon may naramdaman ako sa aking mga balikat mga kamay at mga tinig na paulit ulit kong naririnig ngunit isa lamang ang naka kuha ng atensyon ko, ang lalaki sa harapan ko na inilagay ang kanyang mga kamay sa ulo.
Pinagdarasal nila ako, isinisigaw nila ang pangalan nya isinisigaw nila ng malakas ang pangalan nya, sa mga oras na iyon sinundan ko ang panalangin nila, nagpasalamat ako sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon pinagdasal ko ang lahat ang pamilya ko, ang hanap buhay naming pamilya ang pag aaral ng mga kapatid ko at ang aking muling pag aaral sa susunod na taon.
Nakilala ko sya sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok sya sa puso ko ng hindi ko inaasahan, tinanggap nya ako ng buong buhay naramdaman ko ang hindi maipaliwanag na kasiyahan, nawala ang lahat ng bigat sa dibdib nawala ang pag aalinlangan nawala ang pagkalungkot, tanging kasiyahan lamang ang nasa isip at puso ko ngayon.
Pagkatapo ng kaganapang iyon tinawag ako ng lalaking nasa harap pinalapit nya ako sa kanya at tinanong ang aking pangalan, kong ilang taon na ko at kong saan ako nakatira, sinabi ko naman ngunit pagkatapos non ay umalis narin ako agad bigla kong naalala na nagtatrabaho pala ako, ngunit bago ako maka alis binigyan nya ako ng isang libro kasabay ng plastik ng ulam at kanin, nagpasalamat ako sa kanya at ganon din naman sya sa akin pagkatapos non ay umalis na ako sa lugar kong saan ko sya nakilala kong saan unang beses kong naramdaman ang kaniyang presensya.
Pero alam ko na sa aking paglisan, kasama ko sya. kasama ko ang DIYOS.
YOU ARE READING
IN THE MYSTERY
SpiritualPAG IBIG NA WALANG HANGGAN IBINIGAY NYA PARA SA AKING BUHAY